Chapter 11

12K 412 28
                                    

Chapter Eleven

"What?"

Deadpan niyang tanong sa triplets na kanina pa siya sinusuri ng tingin.

"You really don't have an idea?"

"On what, Fall?" Naguguluhan na niyang tanong. Kanina pa kasi ang mga ito. Hindi naman sinasabi kung ano ang tinutukoy ng mga ito.

One of the three gasp.

"By the way it's Winter." Ngisi nito.

"Autumn here!" Taas kamay ng nasa kanan.

"And... Fall." Ngiti naman ng nasa gitna.

"Whatever." Alam niya pa ba kung nagsasabi ng totoo ang mga ito.

The three giggled in sync. Para tuloy siyang nakakita ng aparisyon.

Kababalik pa lang ng tatlo sa bansa ay naghahasik na agad ng kakulitan at siya pa ang napili ng mga ito. Siya ang sumundo sa mga ito sa airport at heto siya ngayon, kumakain kasama ang tatlo.
Si Therine at Rye naman ang pumunta ng America para samahan si Sierra sa pagbabantay kay Key.

"Stop it will you? Just spill the beans." Saad niya habang inaabot ang tasa ng kanyang paboritong green tea. She took a sip as she look at the three.

"Wala talaga siyang idea."

"Kawawa naman siya."

"Tayo tong nasa abroad, mas may alam pa tayo."

Pag-uusap pa ng tatlo na akala mo ay wala siya.

"I'm still here guys." Sarkastiko siyang ngumiti sa kanila.

"Oh hi Lj! Oo nga, andyan ka pa pala." Ngisi ni Autumn. Nakikisakay sa pagiging sarkastiko niya.

She sighed. "Just spill it already."

Nagturuan pa ang tatlo kung sino ang magkwekwento.

"Ikaw na kasi!"

"Oo nga Fall, ikaw ang bunso kaya go."

"Wow ha? Nahiya ako sa five minutes na pagitan natin, Winter."

She cleared her throat to get their attention.

Fall sighed. "Well... it's about Iver Cadwell. He's a hot topic kasi ngayon on social media."

"And should I care?" Tinaasan niya ng kilay ang tatlo.

They shrugged.

"Last time I check medyo close kayo." Winter wiggled her eyebrows teasingly.

She rolled her eyes. It's official, siya na naman ang biktima ng magkakapatid.

Brace yourself Lj.

Ipinakita ni Fall ang cellphone nito sa kanya. Bumangad ang selfie ng isang crew sa sikat na fastfood chain kasama si Iver. Napakunot-noo siya. Ito iyong sa drive thru noong nakaraan na biglang sumulpot si Iver sa condo niya.
Pero ang nakakuha talaga ng pansin niya ay iyong babaeng nakaupo sa passenger seat ng kotse ni Iver dahil nga binilugan pa iyon para mas lalong ma-highlight. Hindi kita ang muka dahil sa pagkakayuko at may suot itong baseball cap. At hindi niya maitatangging siya iyon.

Tinignan niya ang caption ng larawan.

"Iver Cadwell and her mysterious girl"

"Hindi kami bobo para hindi malamang ikaw 'yan Lj."

"Matagal na tayong magkakakilala."

"Legs mo pa lang, walang duda na ikaw 'yan. You can't fool us, you know."

Perfect Strangers (Bachelorette Series 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon