Epilogue
Tahimik siyang naglakad pabalik ng kanyang villa habang pinag-iisipan ang mga bagay-bagay. Mas gusto kasi niya ng katahimikan at mapag-isa kapag ganitong nag-iisip siya bago gumawa ng isang malaking desisyon kaya naman nag-walk out siya sa mga kaibigan. After all, the decision is not about them, it's about hers. And she will be the one to make it. She will be the one to decide on things.
Will she let Iver in or she'll just let him pass? Can she risk it with him? O kaya niya bang hayaan itong makitang masaya kasama ang iba? Kaya niya bang maging masaya para dito kapag nangyari iyon?
"Nako Ma'am. Bakit naglalakad po kayo? Magpapatawag po ba ako ng golf cart para ihatid kayo sa villa niyo?"
Mula sa malalim na pag-iisip at pagtitig sa kalsadang dinadaan ay napaangat siya ng tingin sa guard. Nakarating na pala siya sa main gate ng villa proper nang hindi niya namamalayan. She studied the guard, he looks like he is on his early 50's. He has this friendly smile that makes him look approachable.
"Hindi na, okay lang po ako. I'll just walk." She half smiled. She's about to continue but she stopped herself and look at him. "Pwede po ba akong magtanong?"
"Sige lang po Ma'am." The guard offered a kind smile.
"Pano po maging matapang?" She suddenly blurted out.
Napakamot sa ulo ang guard sa kanyang tanong. Mukhang hindi nito inasahan ang sinabi niya. "Ah, Ma'am, kapag security guard po, kailangan talagang matapang. Parang dapat likas na sa amin iyon."
"Paano po kapag naduduwag? Pano magiging matapang?" Hindi niya rin alam kung bakit ito ang kanyang kinukulit ngayon. Maybe she wanted to hear from a different point of view. Iyong hindi alam kung ano ang pinagdadaanan niya. She needs an opinion from people who's not close to her.
"Magtiwala ka lang sa sarili mo, Ma'am. Kasi hindi naman napag-aaralan ang pagiging matapang eh. Nagsisimula 'yan sa iyo mismo. At depende rin sa kung gaano katindi ang kagustuhan mong maging matapang para saan oh kanino."
Malungkot siyang ngumiti. He has a point. Being brave starts with yourself. It's your own will and how much do you want it. Kapag naduduwag ka, wala kang ibang aasahan para maging matapang para sa'yo kundi ang sarili mo.
"Sige po. Pasensya sa abala, Manong. Salamat." Nagsimula na siyang maglakad papasok ng villa proper.
"Ma'am Lj." Napalingon siya sa guard. He smiled comfortingly at her. "Hindi ko alam kung ano ang bumabagabag sa'yo, pero gusto ko lang sabihin na, hindi mo kailangang maging matapang sa lahat ng pagkakataon. Minsan, kailangan mo lang maging matapang para sa tamang pagkakataon."
Nginitian niya ito at tumango. "Salamat po Manong." Nagsimula na siyang maglakad.
She admit it to herself, the greatest thing that's keeping her away from Iver is her fear. She's damn scared and chickening out. It feels like this feeling she have for Iver is too strong. Baka kapag pinagbigyan niya ang sarili niya ay tuluyan na siyang malunod at hindi na makaahon pa.
Minsan, kailangan mo lang maging matapang para sa tamang pagkakataon.
Umulit sa isip niya iyong sinabi ng guard. She sighed. "Be brave for the right reasons, Lj."
Pero sapat nga bang rason si Iver? She knew to herself she love him. There's no point of denying it now. Kahit hindi obvious para sa iba ay mahal niya ito. But will it be worth it? Natatakot na siyang magkamali. Natatakot na siyang makasakit ng iba. Natatakot na siyang makapangdamay ng iba tuwing may panganib sa buhay niya. Sobra talaga siyang na-trauma sa nangyari kay Arvin.
Pero kasi baka tama din naman si Key. Na oo, mahal niya si Iver pero hindi ito ang pag-ibig na kayang-kaya niyang ipaglaban. Baka hindi talaga ito para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers (Bachelorette Series 6)
RomanceBook Six of Bachelorette Series ✔️ Completed Lj, i'm scared. I'm scared that you can live without me. I'm scared cause you're strong enough to not need me in your life, that you can go on even without me. Like I wasn't really necessary in your life...