Chapter Sixteen
Sakay ng chopper ay dumiretso sila sa villa ng triplets sa Belladona dahil nandoon si Autumn, na siyang nag-mo-monitor ng mga nangyayari sa resort.
"We're in Belladona, right?" Tanong ni Iver na naglalakad sa kanyang tabi. Papasok na sila sa villa ng triplets dahil sa clear field sa likod naglanding ang chopper ng mga ito.
Tumango siya. "Villa ito ng triplets."
Pagkapasok ay dumiretso sila sa nagsisilbing office ng tatlo. Bumaling siya sa kasama at itinuro ang isang itim na couch sa gilid ng silid. "You can wait for me there."
"Okay." Tahimik itong naupo sa itinuro niyang couch.
Dumiretso siya kay Autumn na nakaharap sa napakaraming monitor. "May nadamay bang staff ng resort?" Agad niyang tanong dito.
Umiling ito. "Nanutok lang ng baril ang mga tauhan ni Congressman pero hanggang doon lang sila. Good thing walang nasaktan o nadamay."
Bumukas ang pintuan at pumasok ang dalawang magkapatid. They sighed in sync.
"Muntik na iyon ah."
"But we still managed to save you."
Bumaling siya sa dalawa. Her lips formed into a thin line. "You forgot the part na nahuli kayo."
"Kaunti lang naman eh." One of the two shrugged.
"But still." Giit niya.
"We're still on time kaya. Mga five seconds late lang. And mukang nag-enjoy naman kayo sa thrill." Ngisi naman ng isa habang tinitignan si Iver na tahimik na nakaupo.
"Hello there, Iver." Kaway ng isa.
Iver nodded and smiled. "Hi. Thanks for saving us."
"Maliit na bagay." The triplets said in sync.
Bumaling siya kay Iver. "The owner's your friend right? Can you call him? I want to explain what happened. Para na rin makapag-apologize."
Umiling ito. "Ako na. I'll explain everything to him, don't worry. I'll leave you to your friends, mukang may pag-uusapan kayong importante."
Tumango siya. "Just wait for me in the living room. May pagkain din sa kitchen, feel free to get anything you want."
"Alright." Tumayo ito at bumaling sa kanyang mga kaibigan. "Thanks again ladies." Saad nito bago tuluyang lumabas ng silid.
Sabay-sabay na nagpaypay ng sarili ang tatlo. "Gosh. Nakaka-starstruck talaga siya." They said in unison.
"And, pwede na nating gamitin si Lj na pangblackmail para magka-VIP tickets tayo sa concerts ng Summer's Dawn."
"Yeah. Besides, he looks badly smitten by our dear friend here."
"He look like a lovestruck puppy, mind you. Iba ka talaga Attorney!"
She rolled her eyes. "Enough of that. Let's go back to business." Dumiretso siya sa mini-conference table sa office ng tatlo at naupo. "So now. What happened? I want the details." She look at the three. She want a thorough explanation with what just happened.
Sumunod naman ang mga ito sa kanya at naupo.
"We got the intel from the NBI. You know, with our connections." Simula ni Autumn. "Pero medyo nahuli dahil papunta na sila nang makarating sa amin ang report."
"Though we managed to send Stacy and some of the bodyguards from Lolo's agency right away. Mas nauna parin ang mga tauhan ni Congressman Belarmino."
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers (Bachelorette Series 6)
Любовные романыBook Six of Bachelorette Series ✔️ Completed Lj, i'm scared. I'm scared that you can live without me. I'm scared cause you're strong enough to not need me in your life, that you can go on even without me. Like I wasn't really necessary in your life...