Chapter Twenty-four
"Hija! Finally." Sinalubong siya ng kanyang Mommy ng mahigpit na yakap. "Ang tagal mong hindi nagpakita sa'min, it's been what? Almost two months!"
She hugged her tight before releasing her. "Mom. Parang hindi naman tayo nagkikita sa law firm niyan." She smiled a bit.
"What I mean is, dito sa bahay! Hindi ka na umuuwi." Nagpamewang ito. "Are you avoiding us?"
"Mom." Yumakap siya ng patagilid dito habang naglalakad sila papasok ng kanilang bahay. "I'm just busy with work."
"Napaka-workaholic mo, hija."
"Wow, coming from you Judge Claudia Dizon." Biro niya.
"Oh you!" Her mom smiled. "Anyway, let's have our lunch. Ikaw na lang ang hinihintay."
"Ang Daddy po?"
"Andyan na. Halos kakarating lang din. Sinundo ang Kuya mo sa airport."
Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. "Kuya Yves is here already?"
Nakangiting tumango ang kanyang ina.
Mabilis siyang naglakad papuntang dining room para batiin ang kanyang Kuya. She missed him! Isang buong taon din silang hindi nagkita dahil nag-aaral itong muli sa ibang bansa. He's an international lawyer.
"Kuya!" She beamed excitedly. Oh how she miss him and their family. It's a breath of fresh air.
"Oh well, hello there my not so little sister." Tumayo ito at sinalubong siya ng yakap.
"I missed you!" She said excitedly while hugging him tight. "Akala ko hindi ka pa uuwi?" Tanong niya nang kumalas sa yakap nito.
"Surprise!" He grinned widely. "Oh. I like your new hair. It suits you." Pansin nito sa buhok niya.
She just waved her hand dismissively and went to greet her Dad.
"Yes hija, you look prettier than ever."
"Of course Mom, mana sayo." Yumakap siya sa kanyang Daddy. "Right, Dad?"
"Your Mom is the most beautiful girl in the world." Ngiti ng kanilang ama.
Napapangiti na lang din tuloy siya. This is one thing she loved about home. Iyong normal lang ang lahat at hindi kilala at tinitingalang tao ang mga magulang niya.
Her Mom chuckled lightly. "Nambola pa ang Daddy niyo. Alright. Let's eat."
They settled on their designated seats. Nasa kabisera ang Daddy niya habang nasa kaliwa ang kanyang Mommy at magkatabi silang magkapatid sa kanan.
"So, how's been everyone doing so far?" Pagsimula ng kanyang Kuya ng usapan.
She wanted to gulp. Hindi malayong magkwento ang kanyang ama ng tungkol sa kanya. He knows about Iver, and the last time they talked he wanted to meet him! Tahimik siyang naglagay ng kanin sa kanyang plato. Tellinh herself to relax. Noong nakaraang buwan pa iyon. Madami silang pwedeng pag-usapan bukod doon. Perhaps, case or laws or anything. Wag lang iyon.
"Same old, Yves hijo." Their Mom smiled gently. "You know, the everyday life in the Supreme Court."
Bumaling ang kanyang Kuya sa kanilang Daddy. "Well, the firm is stable. Mas dumadami ang mga kasong nahahawakan natin kaya nagdagdag tayo ng lawyers."
"Oh! And Lj has a boyfriend." Masayang balita ng kanilang ina.
"Really huh? I want to meet him." Curious na saad ng kanyang Kuya sabay baling sa kanya.
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers (Bachelorette Series 6)
RomanceBook Six of Bachelorette Series ✔️ Completed Lj, i'm scared. I'm scared that you can live without me. I'm scared cause you're strong enough to not need me in your life, that you can go on even without me. Like I wasn't really necessary in your life...