Chapter 6

13K 397 27
                                    

Chapter Six

"Attorney, uwi na po ako."

Napa-angat siya ng tingin kay Crys. "Go ahead. Mag-ingat ka sa pag-uwi."

"Hindi ka pa uuwi, Attorney?" Tanong nito habang inaayos ang pagkakasukbit ng shoulder bag.

"Mamaya na. May fina-finalize lang akong mga papeles." She explained.

"Sige, Attorney. Ingat din po kayo sa pag-uwi." Paalam nito.

She waved her goodbye and get back to work.

Kunot-noo niyang nirereview ang hawak na papel nang makarinig ng mahinang katok sa pinto.

"May nakalimutan ka ba, Crys?" Nag-angat siya ng tingin pero hindi ang sekretarya ang naabutan niya kundi si Iver.

Paano ba ito nakakapasok ng building at nalalampasan ang mga guards sa ibaba?

"Times up Miss hardworking. Andito na ang sundo mo for dinner." He grinned as he walk near her.

She wanted to groan. Ngayon nga pala ang pesteng dinner na iyon.

Umupo ito sa upuang nasa harap ng kanyang mesa.

"I just need to finish this papers." Saad niya.

"It's seven already, shouldn't you be done by five or six?" He asked.

"There's this thing called overtime." She said without looking at him. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa. Bahala itong mainip.

He sighed. "Okay then, i'll wait til you finish your work."

Nanahimik ito, na siyang ipinagpapasalamat niya dahil kung tuloy ito sa pagdadaldal ay wala siyang matatapos.

She is in the middle of reading a clause when she hear a shutter sound. Kunot-noo siyang nag-angat ng tingin.

Iver is smiling sheepishly habang nakatutok pa ang camera ng phone nito sa muka niya. "I thought my phone's in silent."

Inayos niya ang kanyang mesa at nag-shut down ng computer. "Let's just finish this dinner thing."

Tumayo siya sa kanyang swivel chair at dinampot ang bag. Hindi na siya mag-aabalang tumingin sa salamin. It's not like nagpapa-impress siya dito.

Isinuot niya ang itim na blazer pang-patong sa suot niyang navy blue na peplum dress. "Let's go." Baling niya dito.

Tumango ito at lumapit sa kanya. Naglahad ito ng kamay pero tinignan niya lang ito gamit ang kanyang pormal ng muka.

Napailing ito at kusang hinila ang isang kamay niya.

"Will you stop holding my hand?" Tanong niya habang iginigiya siya nito sa elevator.

"I like holding your hand." He shrugged.

"Well I don't." Saad niya at pilit hinihila ang kamay mula dito pero wala eh, mas malakas ito.

Lumabas sila ng elevator na magkahawak parin ng kamay. Mabuti na lang at wala ng masyadong tao sa lobby ng kanilang law firm. Ang mga guards na lang ang natira.

"Salamat po Manong." Sumaludo si Iver sa mga gwardiya.

"Good evening po. Nakauwi na po si Dad?" Bati niya sa mga ito.

"Opo Ma'am Lj, maaga pong umuwi si Sir." Sagot ng isa.

Tumango siya. "Salamat po, good night." Ngiti niya sa mga ito.

Nagpaalam pang muli si Iver bago sila dumiretso sa kung nasaan ang kotse nito.

Mukang binarkada nito ang mga gwardiya para lang papasukin ito sa building nila.

Perfect Strangers (Bachelorette Series 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon