Grace
"Ang init." Aniko nang tumayo na sa kinahihigaan.
Bumalik na si Nay Ising sa ospital kaya mag-isa ngayon ako dito. Ngunit anong oras na'nang gabi at hindi parin ako dinadalaw nang antok. Psh! Pa'no ba naman kasi ang init-init.
"Pambihira." Muntikan nang bumagsak ang pintong binuksan ko, mabuti nalang at agarang nasalo ko ito. "Ugh!" Napakamot ako sa ulo.
At nang natagumpayang nakalabas ako nang bahay agad akong umupo sa isang parihabang upoan sa gilid.
"Ay!" Halos lumandag na ako nang may bumagsak na kong ano at may narinig na boses. At nasisiguro kong tinig ito nang isang babae.
"Peste! Asan na ba'yung cellphone ko." Madilim ang paligid ngunit may nagsisilbing ilaw pa naman kahit pa'pano, at dahil 'dun, nakita ko itong isang babaeng hindi gaano kalayong nakatayo mula sakin. "Damn it! Where the hell is my phone."
Naniningkit ang mga mata ko habang inuosisa siya. Hindi naman niya siguro ako nakikita dahil madilim dito sa kinauupoan ko, tsaka nakatayo pa'rin naman siya 'dun habang may hinahanap sa shoulder bag niya and as a matter of fact I could barely see her. Psh!
And by narrowing my eyes I saw her flinch when she put her bag back on her shoulder. "Heto na!" I heard a click.
"Jusme!" Napapikit ako nang masinagan nang ilaw. At kahit tinutok niya sa hitsura ko ang ilaw nang dala-dalang flashlight nakita ko pa'rin kong paano siya napalundag sa gulat. "Nak! Nang tipaklong naman 'to oh."
Nakita ko'ng ibinaba niya na ang flashlight sa pagka'tutok sa mukha ko. Ilang segundo di'ng ipinikit ko muna ang aking mga mata mula sa pagkasilaw at nang muli kong buksan ang mga ito, bigla naman akong napausog paatras sapagkat nabigla ako sa pagmumukha niya. Letse! Inilagay ba naman ang flashlight sa ilalim nang panga niya at sinilbing ilaw ito nang kanyang hitsura.
"Oh? nagulat ka rin noh." Aniya nang ibinaba na ang flashlight. "Ikaw naman kasi. Ginulat rin naman nang maganda mong pagmumukha ang mala'diyosa kong feys." Singhal niya nang sinuri ang buong katawan ko gamit ang ilaw nang flashlight.
"Psh! Ano ba naman kasi ang ginagawa mo dito sa labas nang gan'tong oras." Bakas na bakas ang maarteng boses niya. "May raket kaba?"
Hindi ako nakapagsalita sa tanong niya. Pagkat natahimik ako sabayan pa'nang nakalinya kong kilay at kumukunot na noo.
"Ay! Nakalimotan ko bagong lipat kapala dito." Imik niya at tahimik na napatawa, at dahil 'dun unti unti kong naintindihan ang sinabi niya kaya tumango tango nalang ako.
"Ah..." Ngumiti ako. "Naiinitan kasi ako kaya napagpasyahan kong lumabas."
Ngumuso siya at tumango. "Alam mo may aircon ang bahay ko. Bakasaling magustohan mo 'dun. Halika" nagulat ako nang sabiglaang hinatak niya ako mula sa aking pagkakaupo.
"Sandali. Sandali." Pinigilan ko siya mula sa pagkakahatak sakin.
"Napakafriendly mo naman yata para imbitihan ako sa bahay mo."Tumaas ang sulok nang kanyang labi. "Eh friendly naman talaga ako kaya masanay kana." Hinatak niya naman aking braso.
"Teka lang. Teka lang. Hindi pa nga kita kilala. Baka kong ano pang gawin mo sakin."
Nagpakawala siya nang hininga. "Hay! Hindi kita gagasahain no. Saka sa ganda kong 'to matatakot ka."
"Aba'y syempre. Looks could be deceiving, you know."
Mahinang napatawa siya. "Alam mo ang arte mo. Ikaw na nga'tong inaalokan nang mabuti. Tsk! Alam mo bang lahat nang tao dito'y gustong gustong makapasok sa bahay ko, sapagkat ang bahay ko lang naman ang may aircon sa buong compound na'to. Kaya halikana. Kakain lang naman tayo 'dun at magpapalamig tapos papauwiin na kita nang buong buo. Walang labis walang kulang teh. Walang galos walang black eye, as in buong buo kaparin mamaya." Saad niya nang hinigpitan pa ang pagkahawak sakin at masbinilisan pa ang paglalakad. "Kung sabagay ako pa'nga dapat ang matakot sayo. Pero okay lang, seems like you're harmless and decent naman."
BINABASA MO ANG
My Ex Is Pert; The Expert
General FictionPert Felix Emerson and Grace Mendel "I can't taste my lips, could you do it for me?" My eyes widened when I heard that, absolutely putting my complexion in frozen. "You never changed Felix. Never. Manyak kaparin hanggang ngayon." I rolled my eyes ke...