Ex-Pert 4 •Cappuccino at Macchiato•

211 6 0
                                    

Grace

"More commonly aneurysms forms in the lower part of the aorta, but due to the patients condition. The aneurysm occurred in the upper part of his aorta, such as in his chest. In which we called the thoracic aortic aneurysm which is clearly not the abdominal aneurysm anymore. So Mrs. Cortez and Ms. Mendel. The patient's risk, is increasing." Saad ng doktor naikinailing naman ni Nay Ising.

"Bakit ba nagkaganyan ang asawa ko? Wala namang bisyo yun." Mahinahong tanong ni nay Ising ngunit may bahid parin ng takot at kaba ang kanyang boses.

"Although the exact cause of the thoracic aneurysm is unknown these high blood pressure, heredity and infection may play a role." Kumunot ang noo ko habang may binabasa ang doktor sa puting folder na nakalagay sa harapan niya.

"Infection? anong Infection?" Tanong ko.

"The aorta of Mr. Cortez is in the state of being infected and Im absolutely afraid to say this, but the patient needs an aortic transplant." Tuluyan ng bumagsak ang aking balikat ng marinig iyon. Halos humagulhol na nga si Nay Ising nang ibinahagi iyon nang doktor.

~•~◽🌟◽~•~

"Transplant? Eh saan naman kami kukuha ng pera para sa transplant na yan." Maluha luhang ani Nay Ising. "Talagang walang wala na ako. Ultimo paghihiraman nga, wala na. Tsk! Talagang lubog na lubog na'ko sa utang." Dagdag pa niya habang ang isang kamay ay nasa noo.

May aneurysm si Mang Ben. Matagal na nila itong iniinda kaya dagdag narin ito sa pang araw araw nilang gastusin. Naaawa nga ako kay Mang Ben pero mas naaawa ako kay Nay Ising, hindi naman kasi ganun kalaki ang kinikita niya sa pagmamanicure pedicure para saluhin lahat ng 'to. Minsan nga nadadamtan kong nakatitig nalang siya sa kawalan. Palagi ko na nga lang dinadalhan siya ng damit dito, sapagkat hindi na kasi umuuwi ng bahay dahil gusto niyang palaging tabihan si Mang Ben.

"Nay, diba't sabi ko'y tutulong po ako." Umangat ang ulo niya at tinignan ako. "Nay, kung gastusin po ang problema, may itutulong 'ho ako." Aniko nang umupo sa tabi niya.

"Grace naman. Nandito ka para muling sumaya hindi mamroblema ng problema nang iba." Mahinahon ngunit seryoso niyang sinabi ito. Ngunit napasinghap ako at agad na umisang linya ang aking dalawang kilay.

"Nay, heto na naman ba tayo." Humugot ako ng hininga.

"Hindi na iba sakin si Mang Ben, kayo, hindi na kayo ibang tao para sakin. Saka paano naman ako magiging masaya kung hindi ko man lang kayo tinulungan? Kaya hangga't nandito ako, ang problema niyo ay problema ko rin. Tinulungan niyo nga ako noon e, kaya ako naman ang tutulong sa inyo ngayon." Nakita kong unti unting ngumiti si Nay Ising. Sa kabila nga nang lahat mahal na mahal ko 'tong dalawang 'to kaya handa akong tumulong hanggang sa makakaya ko.

"Na argiyabyado kapa tuloy." Imik niya.

"Hindi ah. Mahal ko lang po talaga kayong dalawa kaya handa po akong tumulong." Saad ko. Tatlong araw narin kasing naka confine dito si mang Ben at sa tatlong araw nayun, ngayon ko lang nakitang muling ngumiti na si Nay Ising. Yung ngiting nahimas himasan na. Sabi daw kasi ng doktor kailangang i-admit dito si mang Ben hanggang sa makapag aorta transplant na siya, at para narin daw araw-araw nilang matignan ang kalagayan niya.

"Oh sige Nay, Labas muna ako. Maghahanap lang 'ho ako ng makakain natin." Nakangiting pagpaalam ko bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Felix

"Damn it, bro! Paano kong makita ka dito?" Kauuwi ko lang nang kinaladkad ako ni Nick para samahan siya rito, and the douche really dragged my ass here just to teamed  him with his shifty moves.

My Ex Is Pert; The ExpertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon