Felix
"I want this and that." I frustratedly ran my fingers through my hair after pointing the clip in the magazine.
"For a fucking wet pussycat! I want all of those! Dapat meron tayong owned caipirinha, mint julep, royal margarita, martini's, kir royale, bellini, gimlet, tequila mockingbird at mojito! all of the known cocktails in the world! Dapat may supply tayo 'nun. How could we gain a lot of consumer kung mga pitse-pitseng alcoholic beverages lang ang produkto natin. For all goodness sake, I want those stimulating liquors Clint!" I fumed, ballistically in a riley manner.
"Tsk! Dapat may stocks ang clubhouse ko nang lahat nang 'to."I throw the magazine to my P.A. We're still in the organizing state kaya gusto kong perpekto lahat bago ko pa man buksan 'tong club. I want my dad to look up on me, I want praises from them at kung mapapatunayan kong Im a deserving man for this opportunity, maaaring ibigay na sakin ni dad ang inaasam-asam kong posisyon sa kompanya, and that would be damn fucking great.
Grace
"Ingatan niyo po'tong sasakyan ah. Ayaw man namin ngunit kailangan." Suminghap ako. "Tutal napakinabangan narin namin 'to nang ilang taon. At marami naring naitulong yang sasakyan." Matapos kong ibahagi lahat nang aking saloobin, nakangiting ibinigay ko na ang susi nang sasakyan sa buyer nito. May pinag-applyan rin naman akong mga kompanya, kahit naman anong trabaho basta't makakaya ko lang, ngunit nagtaka kami kung bakit sa dinadami nang inaplayan ko, ni isa walang tumawag saking tanggap na ako.
Hindi ko nga mapaliwanag kong bakit e, ngunit walang wala na kami. At isang tao lang naman ang makakagawa nito. Gusto niya talagang makitang nagkakarandapa ako sa lupa ano, matapos niyang bayaran lahat nang inaplayan kong kompanya para lang sa rejection nang sarili niyang anak. Tsk! This is his process of becoming worse. Ama ko siya kaya kilalang kilala ko siya, ginawa niya narin 'to kay mommy so it means he will also do this to me.
He's really fond of reducing someone's strength but I wouldn't let that happened to me, again. Kaya nga napagdesisyonan na naming ibenta 'tong sasakyan para may pangtustos lang sa araw araw na gastusin saka pangdagdag narin sa operasyon ni mang Ben, at sa mabuting palad agad naman kaming nakahanap nang buyer.
"Ingatan niyo po yan 'ah" pangilang beses ko nang sinabi iyon kaya tumango nalang yung buyer nang pumasok na'nang sasakyan at pinaandar ito. Suminghal nga ako nang unti unting nawawala na sa pananaw ko ang sasakyan. "Kaya mo'to Grace, malalampasan niyo din 'to. Kapit lang."
~•~◽🌟◽~•~
"Umalis na kayo dito!"
"Alis! Hindi na kayo nahiya." Isang hindi gaanong katabang babae ang nagsisigawan sa labas nang bahay namin habang ipinaghahagis na ang mga gamit namin.
Pumunta ako ng bahay para kunin ang natira kong alahas para isanla, kaya ganun nalang ako kabigla ng madatnan ang eskandalong ito. Agad akong lumabas ng sasakyan nang tinungo ang babae.
"Ale anong pinagsisigawan mo diyan." Nakaisang linya ang dalawang kilay ko nang nagtagis ang mga mata namin. Nanaliksik ang mga matang pinagmasdan niya ako at tiningnan mula ulo haggang paa bago bumuka uli ang bibig.
"Oh iyan! Yan ang mga gamit niyo! Pasalamat kayo't dahil akong nagpalabas niyan! Naku! Ubos na ang pasensya ko sa inyo ah." Pinanghahagis niya sakin ang mga damit na nakukuha nang kanyang kamay. Hindi ko alam kong ano ba dapat ang reaksyon ko dito ngunit ginugulo yata kami nang matandang 'to.
"Excuse me. Hindi kita inaano diyan, pero bakit gan'to ka makatrato sakin." Inis kong kinuha ang damit na ibinato niya sa pagmumukha ko. "I called you 'ale because I don't even know you. Im actually shocked when I saw this immoral behavior of yours." I retorted using my usual voice.
"Aba arte ne'to. Pa english english pa. Hoy if you want you to know me, well then I must introduce myself." I bit my tongue holding myself not to laugh on the woman's not so strange accent. "Hmp. Ako nga pala sa Carolina ang babaeng hindi niyo pa binabayaran ng utang. At ang babaeng sinanglaan niyo ng bahay na'to." Nagtatagis ang kanyang bagang nang tinuro ang bahay.
"So what now? Still, you don't have the right to barged onto someone's house like that. Didn't you even think about this? Otherwise, you should've told us in a way civilized people do." I refuted raising my brow.
Suminghal siya at tinaasan rin ako nang kilay. "I have the right because I have the key, and the key is the house key. And I'm not controlling my temperature ever again because Im already full for it. And many times I said to Ising about this. And she always seems not care..." Bumuka-buka pa ang kanyang bibig saka
nalang umiling iling at napahawak sa bewang. "Naku ang hirap mag english. Hays! Pero seryoso. Ubos na ang pasensya ko sa inyo, matagal ko na'rin kayong iniintindi kaya sapat na'yun, kaya hindi ko na papalampasin ito ngayon. Kaya lumayas na kayo! Nasakin ang titulo nang lupa kaya may karapatan ako, saka nakasanla 'to sakin tapos kayo parin ang gumagamit. Aba'y sinswerta kayo ha! Kaya magsilayas kayo!" Binato niya na naman ang mga gamit sakin."Lina tama na! Tama na!" May narinig akong boses na papalapit at nang nilingon ko, ito'y si Nay Ising.
"Tama na! Aalis kami kaya hindi mo na kailangan gawin 'to." Bakas ang galit at lungkot sa boses ni Nay Ising nang isa isang pinulot ang nagsikalatan na mga damit.
"Eto na oh! Aalis na kami." Malumanay na sabi niya nang binuhat ang isang box na nakalagay malapit sa pinto.
Nakatingin lang ako sa mukha ni Nay Ising nang maintindihan ang lahat. Hindi namin gustong iwan ang bahay na'to ngunit kailangan. Eh lahat nang mahirap gawin ay kailangan gawin. Iniisip ko ngang unti unti nang nawawala ang mga naipondar nila.
"Mabuti nga! Hmp. Mabuti namang napagisipan mo na 'yan, bago pa man kita hatulan nang kasong Staffa." Masungit na nagmartsang bumalik ang matanda sa bahay niya na nasa tapat lang pala nang bahay namin.
"Grace babawiin natin ang bahay ah." Tumango ako nang seryosong sabi ni Nay Ising ngunit malungkot parin ang kanyang mga mata kaya napabuntong hininga ako.
"Nay..." Nilagay ko ang aking kamay sakanyang balikat.
"Saan naman 'na tayong pansamantalang titira ngayon?" Tanong ko ngunit nakadungaw parin siya sa bintana upang masdan ang ipinondar na bahay.Nasaloob kami ngayon ng isang canter na inakopahan para sa mga gamit. At dahil hindi naman masyadong madami at mabigat ang mga gamit, madali namin itong naisakay sa likod nang canter.
"May alam akong inuupahan malapit dito." Imik ni Nay Ising upang basagin ang katahimikan. "At doon na tayo titira simula ngayon." Ngumiti nalang ako nang pinagmasdan ang daan na itinatahak nang sinasakyan namin.
~•~◽🌟◽~•~
"Oh talo kana!"
"Tangina naman!" Nagsisigawan ang mga babaeng nadaanan namin sa isang kanto habang naglalaro nang tong'its.
Maliit itong lugar na'to at ngayon lang talaga ako nakapunta sa lugar na gaya nito. Makitid ang daan at maraming mga batang nakahubad lang na naglalaro sa mga gilid gilid. Minsan nga masangsang na amoy pa ang malalanghap mo habang lumalakad. May mga nagiinoman at naninigarilyo din sa tabi-tabi. At halos lahat nga nang bahay dito ay yari sa pinagtagpi-tagping plywood na magkakadikit pa. Saka hindi nga siya gaano katihimik dahil may nagsisigawan sa bawat dulo nang kanto, ewan ko nga ba kong sadyang bingi sila o trip lang talaga nilang magsigawan sa isa't isa.
"Hello, Ms. Ganda." Sinulyapan ko kong sino ito nang makita ang isang lalaking nakangiti sakin saka kinindatan ako.
"Huwag mo na pansinin." Bulong sakin ni Nay Ising nang pinagpatuloy ang paglalakad ko sa maliit na iskinitang ito.
Malayo layo narin ang nilakad namin at saktong huminto kami ni Nay Ising nang may narinig kaming panlalaki na pangbabaeng tinig.
"Ay! Ganda naman nang bagong kapitbahay naten parang ako lang." Hindi na'ko nagulat nang makitang isang bakla pala ito at kagaya nang sinabi ni Nay Ising hindi ko na ito pinansin.
"Anak, ito na ngayon ang bahay natin." Saad ni Nay Ising habang nakatayo kami sa harapan nang isang maliit na lumang kawayang bahay. At nasisiguro kong isang malakas na ihip nang hangin lang lilipad na'tong lumang bobong na'to.
![](https://img.wattpad.com/cover/100842488-288-k608058.jpg)
BINABASA MO ANG
My Ex Is Pert; The Expert
General FictionPert Felix Emerson and Grace Mendel "I can't taste my lips, could you do it for me?" My eyes widened when I heard that, absolutely putting my complexion in frozen. "You never changed Felix. Never. Manyak kaparin hanggang ngayon." I rolled my eyes ke...