Grace
"What the fucking hell were you thinking?" He roared in a mild but firm tone.
When his gray eyes were finally directed onto mine, I stood still, it's like realization hit me. I even felt my whole body stiffened when the source of light made my vision clear. As if my eyesight had been illuminated into pitch black the moment I recognized him. Even those wistful days suddenly popped up like a photographic recall.
"Fucking speak." He's not shouting nor slamming some tables, but I could see the instensity of his anger through his eyes, unpredictably exploding.
"Fe- Felix." I sounded like an helpless prey forcing to say the predator's name.
He intently stared at me for a moment as I swallowed the lump that was formed on my throat.
"Pert." He put his hand in his pocket. "It's Pert, Sir Pert." He grinned devilishly tho, he's now calm unlike earlier.
Sinuri niya ako sa pamamagitan nang pagtingin sakin mula ulo hanggang paa.
"Umupo ka." Biglang utos niya, nakikita ko ang upoan sa gilid ko pero hindi ako kumibo.
Tagis bagang na suminghal siya, ngunit alam kong pinipigilan niya lang ang sarili na sigawan ako.
"Diba'y nandito ka para sa interview?" Dahan dahan siyang umupo sa swivel chair kaya kabadong nakaharap ako sakanya, hindi ko man malaman, napaawang na tumango ako.
"Kailangan mo nang pera?" Umisang linya ang kanyang dalawang kilay na tinanong ito.
Hindi ko alam pero hindi ko maibuka ang aking bibig. Kahit ang pagtango nalang ay nabibigatan akong gawin. Kaya nagulat nalang ako nang bigla siyang sarkastikong tumawa.
"Ofcourse you want money! nandito ka nga para sa job interview. Tsk! nandito ka para makapagtrabaho, naghahanap ka nang trabaho dahil kailangan mo nang pera, kailangan mo nang pera dahil ang sayo ubos na at wala nang natira. Ganun ba 'yun?" Nagtitimping kinagat ko ang aking pangibabang bibig, gusto ko na ngang magsalita pero hindi ko man lang magawa.
"Palibhasa nagdedesisyon kasi nang mag-isa, yan tuloy naghihirap din nang mag-isa." And that's it, I feel so small, nahihiya at walang magawa kaya tinalikuran ko na siya at diretsong tinungo ang pinto palabas.
Hindi ko na kayang sikmurain pa ang pagmumukha niya pero bago ko pa man mabuksan ang pinto ay narinig ko siyang nagsalita.
"Hindi ako madadala sa walkout Ms. Mendel, baka nakakalimutan mong sumayaw kana sa intablado ko kanina. Tss! gusto kong malaman mo na nakaukit na ang pangalan mo sa club na'to, idagdag mo pa ang tinanggap mong sentimo mula sa matandang inaliw mo kanina."
Natigilan ako at dahan dahang binaling ang atensyon sakanya.
"Alam ko ngayon ang istado, sitwasyon, problema at kailangan mo kaya sigurado akong hindi mo magugustohan ang gagawin ko sa oras na lumabas ka opisinang ito."
Napalunok ako, hindi ko alam pero sa pamamagitan nang kanyang malamig na boses ay parang sasabog ang aking dibdib.
"Upo." Mahinahon man pero bakas parin ang pagbabanta niya.
Bumuntong hininga muna ako saka inisip nalang ang kalagayan ni Mang Ben, upang kahit sa ganoong paraan man lang ay may paghuhugotan ako nang lakas ng loob habang nakayukong bumalik, saka dahan dahang umupo sa sinabing upuan.
"Alam ko ngayon ang kalagayan ni Mang Ben kaya naiintindihan kita." Inangat ko ang aking ulo na bahagyang nagwala sa narinig na pakikigpag-simpatya niya.
Ilang segundo rin kaming nagtitigan pero agad niya naman itong pinutol sa pamamagitan nang pagkuha nang isang puting folder.
"Let's not just talk about it, besides, as what I've said, you're here for the job interview. So let's begin with this question..."
Nanaliksik ang mga mata niya habang may binabasa sa puting folder na hawak.
"Category for measurement." Muling sinuri niya ang pisikal na ka-anyuan ko kaya naman ako'y nangamba.
"Waist length?" Ngumisi siya naikinakunot naman ng noo ko.
"Is- Is that necessary? I mean, seriously?" Finally! Words latter slipped out of my mouth.
Well I should be aware, the man standing in front of me was Felix, the expert in this so called 'green-field' seems like I know his intention for asking this kind of question.
"In my club, my management, and in my rules. It's obligatory, absolutely needed for me to be satisfied." He grinned. Intimately looking at me.
"I'm sorry, I could not answer that question." Yumuko ako at pinalupot ang dalawang kamay.
"Tss! Well let's proceed to the other one." Saad niya nang binaling uli ang mga mata sa puting folder.
"Chest size?" He smirked as I unbelievably shook my head.
"Stop that nonsense Felix." I whined seriously rolling my eyes.
Bigla siyang humalagakhak although I didn't sense the presence of humor there. "Hep... It's Pert, and okay, fine, seryoso na'to."
I raised my brow, seriously waiting for the question.
"This is it." He straightened his body and stared at me.
"Butt size?" Sabayang bumagsak ang aking dalawang balikat. This is pointless.
"Better to leave." Tatayo na sana ako nang hinawi niya ang aking braso para pigilan ako.
"Sit." The command on his voice came back.
"Ito na talaga. Tanging isang tanong lang makakapagsimula kana." Dagdag niya kaya ako'y umupo na uli.
Pinagmasdan niya muna ako.
Lungkot at mga namumuong tanong ang nakikita ko sa kanya. Kahit na hindi niya man ito sasabihin, ito'y nararamdaman ko."Masaya ka na'ba ngayon?" Natigilan ako. Maraming kahulugan ang tanong na iyon.
Hindi ko alam. Masaya ba ako? Inisa-isa ko ang mga nangyari.Hindi man masaya ang salitang maiuugnay mo dito, nagpapasalamat parin ako dahil alam ko at may tiwala ako sa sarili ko na malalampasan ko ang mga ito.
Humugot ako nang malalim na hininga. "Hindi ko masasabing masaya dahil may mga suliranin pang dapat solusyonan. Pero kahit papaano, naramdaman ko rin naman ang pansamantalang kaligayahan."
Tikom ang bibig na nakatitig siya sakin. Ilang minutong katahimikan rin ang dumaan ngunit hindi siya kumibo.
"Bukas magsisimula kana. Iyon, sa lamesang iyon ka gagawa ng iyong trabaho, ibig sabihin dito mo lahat gagawin ang iyong mga trabaho." Saad niya at may kinuhang pirasong papel.
"At dahil kailangan mo na ngayon ng pera bibigyan na kita." Nilagay niya na ang kanyang lagda at agad na ibinigay ito sa akin.
"Transplant is no joke, gawin niyo na ang operasyon ni Mang Ben habang maaga pa at nang maagapan pa ito." Tinignan ko ang chekeng binigay niya at namilog ang mga mata nang makita ang apat na milyong pisong nakalagay dito.
"Sa akin kana magtatrabaho Ms. Mendel. Lahat ng utos at gusto ko ay susundin at gagawin mo. At kung na saan man ako, dapat ay nandoon ka'rin."
"Saka palitan mo yang suot mo. Ayaw kong sumusuot ka ng mga ganyang kaiksi." May pinindot siya sa gilid nang kanyang lamesa dahilan sa agad na pagbukas ng pinto sabay pasok ng isang babaeng may dalang tape measure.
"Measure her body size, make sure that her uniform is different from the others." Nanlaki ang aking mga mata ng biglang hinawi ako nang babae saka ginamit ang dalang tape measure.
"Long sleeves, turtle neck and below the knees." Sabi niya sa babae na agad namang tumango.
"Dapat maaga ka'pa dito bukas. Dito ka'na didiretso sa opisina at huwag mong kakalimutang paghandaan ako nang kape araw-araw." Saad niya.
Tango lang ang nagawa ko dahil ramdam na ramdam ko talaga ang malamig niyang titig. At matapos akong sukatan ng babae agad naman itong lumabas.
"Grace dito ka magtatrabaho sa loob ng opisina dahil hindi ka magiging entertainer sa labas." Saglit siyang natigilan.
"Hindi ka magiging entertainer sa labas dahil magiging entertainer ka dito sa loob." Napalunok ako.
"Hindi ka nila magiging entertainer dahil ikaw ay magiging entertainer ko."

BINABASA MO ANG
My Ex Is Pert; The Expert
General FictionPert Felix Emerson and Grace Mendel "I can't taste my lips, could you do it for me?" My eyes widened when I heard that, absolutely putting my complexion in frozen. "You never changed Felix. Never. Manyak kaparin hanggang ngayon." I rolled my eyes ke...