Grace
"I can't believe this! For five years, we get to meet again."
Nasalabas na'ko ngayon ng club sa sabing bukas pa naman daw ako magsisimula. Nag-aabang nang masasakyan papuntang ospital dahil nga sa perang kailangan na ngayon ni Nay Ising.
Hindi ako mapakali dahil sa perang hawak ko. Sa wakas ay mababayaran na namin ang operasyon ni Mang Ben, pero kapalit naman 'nun ay araw-araw ko nang makikita ang lalakeng 'yun.
Hindi nga mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina, he changed. Nagbago na siya, mula sa hitsura at sa mga aktong ipinakita niya. Kung sabagay ganun naman talaga 'yun, kaya naiintindihan ko kung bakit ngayon ay ganun na siya umasta.
"Magiging sunodsunoran niya na ako." Bulong ko at nagpakawala nang hininga.
Pansamantalang natulala ako sa kawalan. Tama ba ang hakbang ginawa ko? Magiging masmalapit ako ngayon sa kanya. Takot dahil alam kong may bagay na ipinagkait at itinago ako sakanya.
Pero buong buhay ko namang pinagsisisihan iyon. Hanggang ngayon nga ay pakiramdam ko ako ang may kasalanan kung bakit siya nawala.
"Hindi. Diba mismong narinig mo iyon, Grace he hates commitment and he also prefer abortion." Imik ko saka umangat ang aking ulo nang mahimasmasan.
Sapilitang tinaboy ko ang ideyang iyon at binaling nalang ang atensyon sa daan upang makahanap na nang masasakyan.
Ilang minuto narin ang dumaan, at ang mga pinapara kong taxi ay may mga kanya-kanyang pasahero na.
Tumingala ako at napagtantong makulimlim na.
The least I could do is to text Nay Ising but unfortunately, my phone went off.
"Urgh!" Nairitang binalik ko ito sa aking bag, at halos lumundag na'ko sa gulat nang may bumosina sa gawi ko.
Isang pulang mazda ang nakaharap ko.
Eventually, the window slided down revealing Felix.
"Get in." Hindi siya nakatingin sakin dahil ang mga mata niya'y seryosong nakatugon sa daan.
Kinagat ko ang aking pangibabang labi at umastang hindi ko siya narinig.
"Ang sabi ko, sakay." Napahawak ako sa dibdib sabay lunok nang binaling niya na ang mga mata sakin, idagdag pa ang malamig at madiin niyang boses.
"Hindi ako magdadalawang isip na ipasok ka sa loob gamit itong dalawang kamay ko."
Magiisip pa sana ako nang biglang binuksan niya ang pinto, at akmang lalabas na'y agad akong nagsalita. "Okay, fine, fine." Dahan dahang pumasok na'ko nang sasakyan at agad ng nagseatbealt.
Sumulyap ako at nakita siyang nakangisi.
~•~◽🌟◽~•~
FelixI felt my phone vibrated and when I checked it, an unknown number popped out.
"Felix your brother is in trouble." That familiar voice bumped in the moment I held my phone onto my ear.
"Asan kayo?" I knew this kind of scenarios tho, these days... I am much more aware of this.
"St. Luke's Hospital"
I got to massaged my temples after hearing that. "Nandito 'rin ako. Saang banda ba kayo?"
"Sa loob, sa groundfloor." I ended the call and put my phone back to my pocket.
Nasa parking lot ako and timed atleast five minutes for Grace to come out. Hindi ko man siya nasabihan, pero balak kong ihatid narin siya pauwi.
Pagod na siya, at alam kong pagkatapos niyang maibigay ang pera tiyak na pauuwiin na siya ni Nay Ising. That's why I'm willing to wait here to give her a ride home, but effin shit! She's taking too long.
I sighed as I put my hands on my pocket and hopped into my car.
"Bwiset na Nick 'to." I cussed as started the engine.
Grace
Bayad na ang operasyon. Bukas na bukas daw ay isasagawa na nila iyon.Kahit papano ay nabunotan rin naman ako nang tinik. Dahil nadin sa pagod ay agad nakong pinauwi ni Nay Ising, tutal alam ko namang okay na ang lahat kaya pumayag narin akong umuwi.
Paglabas na paglabas ko nang ospital ay inikot ko agad ang aking paningin. Nagbabasakaling andito parin siya.
Gayun pa'man ay agad na napapantastikuhang umiling ako. "Grace hinatid kalang. Aba'y boss mo na siya, sobra naman yata kapag inintay kapa niya dito para lang ihatid pauwi."
Bahagyang tumango ako at nagpasyang mag-commute nalang.
Hindi kagaya kanina ay agad akong nakapara nang masasakyan at hindi natagalan ay nakarating ako nang bahay.
"Friend! Anyare?" Mag-isang nakaupo ako sa sofa nang may biglang lumitaw na ulo sa bintanang nasa sala.
"Ano ka ba! Ginulat mo ko eh!" Inikot ko ang aking mga mata saka inayos ang pagkakaupo. "Pasok ka dito para ka kasing may modus operandi diyan."
Agad namang pakembot kembot na pumasok si Lauren sa bahay. Maagang natapos siguro ang raket dahil agad na nakauwi.
"Alam mo bang nag-alala ako sayo kanina!" Pagsisimula niya nang umupo sa tabi ko.
"Naku! Eh anong sabi ni Boss? Eh sa sigurado naman nako na matatanggap ka, so... How's the interview?" Bigla akong natigilan. Hindi ko talaga inaakalang magkikita pa kami. At sa lahat pa talaga nang tao siya pa ang magiging boss ko.
Umiling siya. "Uy! Ano nga! Pinagalitan ka ba niya?"
Tumango ako.
"Okay lang yan, ako nga eh ilang beses nang mapagalitan."
Tumango ako uli.
"Pero friend, may mga chismis akong naririnig." Umusog siya sakin nang konti. Wala akong imik na tinignan siya kaya tumango nalang ako uli.
"Gaano kaw daw ka importante dahil kinansela ba naman ni boss yung meeting niya kasama si Mr. Lim." Lumabi siya.
"Hmp! Maiingit nalang sila sayo friend. Dahil masmatagal sa interview nila. Eh yung interview nga nila hindi umabot ng limang minuto." Dagdag niya na ikinalaki naman nang mga mata ko.
"Paano naman nangyari 'yun?" Tanong ko na ikinangisi naman niya.
"Baka type ka ni boss kaya ganun katagal ang interview mo." May namuong malawak na ngiti sa kanyang labi.
Ganun pa'man ay hindi parin ako kumibo. Its just that, I can't find a word for me to speak.
Nakita kong biglang nanaliksik ang dalawang mata ni Lauren.
"What?" I asked, nonchalantly.
"Dati kabang sangkot sa illegal na droga? O di kaya, may mga kaso kapang hindi naresulba? O di naman, kasalukuyang hinahanap ka nang mga pulis dahil wanted ka... Might be dead or alive." Halos mabulununan ako ng sariling laway dahil sa mga narinig.
"Ano kaba! Ano ba'yang pinagiisip mo? Sa hitsura kong 'to mapagkakamalan mong ganyan! Lauren disente akong tao, wala akong masamang intensyon, malinis kaya pangalan ko." Saad ko kaya tumango tango naman siya.
"Eh nagtataka lang naman kasi ako. Malinis kanaman palang tao pero bakit ganun ka tagal ang ininterview mo, ano inembistigahan kanarin... Ganun?" Bumagsak ang kanyang dalawang balikat.
"Uhmm... Siguro type kalang talaga ni boss kaya gusto ka niyang ma-solo ng matagalan. O di kaya, hindi mo lang maalalang may nakaraan pala kayo ni Boss." Blankong tinignan ko lang siya dahil sa sinabi.
Lauren, kong alam mo lang siguro ang nakaraan namin ni Felix.
BINABASA MO ANG
My Ex Is Pert; The Expert
Tiểu Thuyết ChungPert Felix Emerson and Grace Mendel "I can't taste my lips, could you do it for me?" My eyes widened when I heard that, absolutely putting my complexion in frozen. "You never changed Felix. Never. Manyak kaparin hanggang ngayon." I rolled my eyes ke...