Timo Trilogy: 3

1.3K 11 2
                                    

Prank gone wrong (Ang pag hihiganti ni Timo part 3)
SPG

HI GUYS! SERYOSO MUNA KO NGAYON! MEDYO NATAGALAN YUNG PAG UUPDATE. MAY NANGYARE KASING DI MAGANDA SA PANGATLO KO SANANG PAG HIHIGANTI SA MGA TROPA KO! JP PRE SORRY! ALAM KONG MEDYO BELOW THE BELT YUNG NAGAWA KO PERO WAG KANG MAG ALALA PUTANG INA MO PARIN MWAHAHAHAHA! 😂

THIS IS HOW IT HAPPENED. MATIK NA SI EARL AT MATT NA MGA KASABWAT! NANGYARI TO KINABUKASAN MATAPOS YUNG PRANK NAMIN KAY EARL. NAG PLANO KAMI NG OUT OF TOWN. HINDI NAMIN ISINAMA SI KYLE DAHIL ANG BIKTIMA LANG TALAGA NAMIN EH SI JP. TINAWAGAN NAMIN SIYA NA BUKAS MAY OUT OF TOWN SA LA UNION DUN SA REST HOUSE NAMIN NA WALANG NAKATIRA EDI PUMAYAG SI JP. KITA KITA NALANG KINABUKASAN. HINIRAM KO YUNG OTO NG TATAY KO. ALAS SYETE NG UMAGA MAGKAKASAMA NA KAMI. MATAGAL KASI BYAHE DON MGA NASA 6 HOURS. EDI YON. MULA ALA SYETE NASA BYAHE NA KAMI, ALAS DOS NA ATA KAMI NAKARATING. SINALUBONG KAME NUNG CARE TAKER AT KINUHA YUNG MGA GAMIT NAMIN SA OTO. KUMAIN MUNA KAMI SA BAHAY TAPOS NIYAYA KO LUMABAS PARA MAG SWIMMING SA DAGAT, NAG GALA GALA PA KAMING APAT ROADTRIP KAYA MGA NASA ALAS NUEBE NA KAMI NAKABALIK. NUNG NASA BAHAY NA KAMI NAPAG DESISYUNAN NAMING UMINOM (KASAMA SA PLANO). SI JP KASI MAHINA UMINOM AMBILIS PA MALASING HAHAHA PUSSY! SO YON. SA BAHAY NAMIN DUN WALANG TV WALANG RADYO WALA PANG WIFI AT MASYADO PANG MALAYO SA KABIHASNAN YUNG BAHAY KAYA KAHIT AKO TAKOT PUMUNTA DON NG WALANG KASAMA. HAHAHA! HABANG NAG IINUMAN KAMI NAG KWENTO AKO NG NAKAKATAKOT. IKINWENTO KO KUNG PANO NAMATAY YUNG LOLO AT LOLA KO DUN, KUNG PAANO NAG BIGTI YUNG TITA KO NA KAPATID NG NANAY KO DAHIL SA DEPRESYON AT MGA SABI SABING KWENTO DUN SA LUGAR NA YUN. BG CHECK: SI JP AY LA SALLIAN PAREHO SILA NI KYLE. SI JP YUNG PINAKA MABAIT SAMING LIMA. HOPELESS ROMANTIC YUNG GAGO. SERYOSO SA BABAE PERO BABAE ANG DI SIYA SINISERYOSO. HAHAHAHA! SI JP YUNG TIPONG TAKOT SA LAHAT TANGINA KAHIT IPIS TINITILIAN NUNG GAGO EH RK KASI. PERO ANG PINAKA KINATATAKUTAN NYA EH YUNG MGA KWENTONG MALIGNO AT MGA MULTO. PUSSY TALAGA HAHAHA! NA TRAUMA DAW KASI SIYA NUNG RETREAT SILA NUNG HIGHSCHOOL SIYA. MAY NAGPAKITA DAW SA KANYA NA MATANDANG BABAE. HAHAHAHA TANGINA! IF I KNOW ERMAT NG NANAY NYA YON TINAKOT LANG SYA DAHIL ANG DALAS NYANG MAG J*KOL HAHAHAHAHAHA!

SO YON NA NGA POTA ANG DALDAL KO. UNA KONG KINWENTO EH YUNG TITA KONG NASIRAAN NG BAIT DAHIL SA LALAKE. HEART BROKEN. AKALA DAW NG NANAY KO NAKIPAG TANAN SA BOYFRIEND. LIMANG ARAW HINDI NAGPAKITA YUN PALA NASA LIKOD NG BAHAY NAMIN NAKA BIGTI NA. NALAMAN NALANG NUNG NANGANGAMOY NA YUNG BANGKAY.

TAPOS YUNG LOLA AT LOLO KO NAMATAY NG SABAY OH DIBA FOREVER HAHAHA! NUNG NAGISING DAW YUNG LOLA KO MATIGAS NA YUNG LOLO KO SA KAMA. YUN PALA BINANGUNGOT NA. SA KAKAIYAK NG LOLA KO AYUN INATAKE SA PUSO. DEDS! RIP LO AT LA PINATUNAYAN NYO SAKEN NA MAY POREBER HAHAHAHA!

SA KASAGSAGAN NG KWENTO KO INAASAHAN KO NG IPAPATIGIL NI JP YON. KASI NGA PUSSY SIYA. SABI NYA "PRE WAG GANYAN PAG USAPAN NATEN. TANGINA KINIKILABUTAN NA KO EH" TAPOS TINAWANAN LANG NAMIN SIYA. MEDYO MARAMI NARIN ANG NAINOM NAMIN. MAYA MAYA NAG PAALAM NA SI JP NA MATUTULOG NA SYA.

AT YUN NA ANG STARTING POINT PARA IDEKLARANG "LET THE GAME BEGIN JP!! HAHAHAHA"

INILABAS NA NAMIN NILA EARL AT MATT ANG PROPS. WIG NA MAHABA, HARINA, YUNG MAKE UP SA MATA NA KULAY ITIM, MAHABANG PUTING DAMIT YUNG AKIN AT MASKERA NAMAN YUNG SA KANILA NA BINILI NAMIN SA DIVISORIA. PINUNAS KO SA MUKHA KO YUNG HARINA, ITIM NA MAKE UP SA MATA KO AT MAHABANG WIG, TRICK OR TREAT SADAKO IN THE HOUSE YO!! HAHAHAHAHA! PINATAY NAMIN YUNG KURYENTE DUN SA PARANG SQUARE NA MAY BINABABA. EWAN KO ANONG TAWAG SA HAYOP NA YUN BASTA YUN NA YUN PUTAHAHAHAHA! ANG TANGING ILAW LANG NAMING TATLO EH YUNG FLASH LIGHT.

NATUTULOG SI JP SA KAMA. NAKA KUMOT AT NAKA TALUKBONG PA YUNG OGAG DUWAG TALAGA AMPUTA HAHAHA. NAG TAGO SI EARL SA KUSINA, AKO NAMAN SA ILALIM NG KAMA AT SI MATT SA SALA. ANG GINAWA KO, HINATAK KO YUNG KUMOT NI JP SABAY TAGO SA ILALIM NG KAMA. INAANTAY KONG TUMAYO O GUMALAW PERO PUTANG INA TULOG PARIN YUNG DEMONYO HAHAHA. SABI KO HAYOP KA AYAW MONG GUMISING HA! KINUHA KO YUNG PITCHEL SA SALA NA PINAGLAGYAN NG CHASER. IBINUHOS KO SA KANYA SABAY TAGO ULIT AKO SA ILALIM HAHAHAHA! TAWANG TAWA KO PERO PUTA PIGIL NA PIGIL DAHIL AYOKONG MASIRA YUNG PLANO PUTA MAHAL GASOLINA PAPUNTANG LA UNION. NARINIG KO UMUPO SIYA. SUMIGAW TINATAWAG KAMI.

"TIMO!! MATTT! EARL!! SAN KAYO?! TIMO??!!" TANGINA PAULIT ULIT NA TAWAG PERO DI KAMI SUMASAGOT HAHAHAHA TAWANG TAWA KO! MAYA MAYA BUMABA SI GAGO.

ANG GINAWA KO HINAWAKAN KO YUNG PAA AT UNTI UNTI AKONG GUMAGAPANG MULA SA ILALIM NG KAMA. TANGINA KUMARIPAS NG TAKBO PALABAS NG KWARTO YUNG GAGO HABANG SUMISIGAW NG "TIMO, MATT!!! PUTANG INA NYOOOH!!" HAHAHAHAHA! TUMAKBO SYA SA SALA TAPOS NAKITA DAW SI MATT NA NAKATAYO NG TUWID SA TABI NG BINTANA. HAHAHAHA! SI JP NA GAGO DUMIRETSO PALABAS NG DI NAMIN NAMAMALAYAN. MGA TATLONG MINUTO BIGLANG BUMALIK SA BAHAY. KINUHA DAW YUNG SUSI NG OTO SA SALA SABAY TAKBO ULIT SA LABAS.

EDI LUMABAS NA KO SA KWARTO PARA PUNTAHAN YUNG DALAWA. SI MATT AT EARL. NAG TATANUNGAN KAMI KUNG NASAN SI JP TAPOS NARINIG NAMIN UMANDAR YUNG OTO. EH HINDI PA GAANONG MARUNONG MAG MANEHO YUN EDI KINABAHAN KAMING TATLO. TUMAKBO KAMI PARA PUNTAHAN SIYA KASO NALIMUTAN NAMING TANGGALIN YUNG SUOT NAMIN. TINATAWAG NA NAMIN SYA SA LOOB NG OTO KASO HINDI NYA KAMI MARINIG KASI SARADO.

NAKITA NALANG NAMIN SYA NAG MAMADALING PATAKBUHIN YUNG OTO. UMATRAS SIYA TAPOS PAG ABANTE NYA NG KOTSE EH HINDI NGA MARUNONG MAG MANEHO SUMAPUL SA PUNO SA TAPAT NG GATE NG BAHAY NAMIN TANGINA! NAG PANIC NA KAMING TATLO. HINABOL NAMIN SYA. ANG NARINIG NALANG NAMIN E YUNG TUNOG NG BUSINA NA PAGKA TAGAL TAGAL. PUTA NANGHIHINA MGA TUHOD NAMIN SA TAKOT HABANG PAPALAPIT SA OTO. NAKITA NAMIN SA LOOB SI JP NAGDUDUGO YUNG ULO TAS NAKASANDAL NALANG SA BUSINA. PUTA!

NAG SISIHAN PA KAMING TATLO BAGO NAMIN KINUHA EH. DI NAMIN ALAM GAGAWIN. KUMUHA SI EARL NG BATO DAHIL NUNG KINAKATOK NAMIN SI JP AYAW NG GUMISING. BINASAG NAMIN YUNG SALAMIN PARA BUKSAN YUNG OTO. BINUHAT NILA SI JP SA BACK SEAT AT MINANEHO KO YUNG OTO PAPUNTA SA OSPITAL. PUTA NANGINGINIG NA KAMING TATLO. MINUMURA NA KO NILA EARL KASALANAN KO DAW PAG NAMATAY SI JP TANGINA EH KASAMA NAMAN SILA DUN GAGO AMPUTA. LALONG AKONG NATATAKOT EH.

MINANEHO KO NG SOBRANG BILIS UNG KOTSE MADALA LANG AGAD SI JP SA OSPITAL WALA NA KONG PAKE KUNG MAHUHULI. GINIGISING NILA SI JP KASO DI NA TALAGA MAGISING. PAG DATING SA OSPITAL DINIRETSO SYA NG ICU. TANGINA NAG SISISIHAN NA KAMI SA LABAS. TAKOT KAMING MAKULONG. NAPAG DESISYUNAN NAMING WAG MUNA SABIHIN SA PARENTS NI JP KASI YARI KAMI SA TATAY NON NA KERNEL DIRETSO BILANGGUAN KAMI. DASAL KAMI NG DASAL. SABI KO PA "JUSKO KAHIT AKO NALANG KUNIN NYO WAG NA SI JP. MADAMI PANG PANGARAP YUN EH AKO WALA." MANGIYAK NGIYAK NA KAMING TATLO SA LABAS. MATAPOS YUNG DALAWANG ORAS LUMABAS YUNG DOKTOR TANGINA SABI OKAY NA DAW SI JP. NAWALAN LANG NG MALAY SA LAKAS NG PAG KAKAUNTOG AT NAGASGASAN SA ULO. PERO HINDI NAMAN MALALA. NAG PAPAHINGA DAW MUNA KAYA WAG MUNA PAPASOK.

TANGINA NUNG NARINIG NAMIN YUN DI NAMIN NAPIGILANG MAG YAKAPANG TATLO SA TUWA. HABANG NALULUHA NA KAMI. TANGINA AKALA PA TULOY NUNG DOKTOR MGA BEKI KAMI. HAHAHAHA. KINAUMAGAHAN DINALAW NAMIN SI JP TAPOS NAG SORRY KAMING TATLO. SABI KO "TANGINA JP MAMAMATAY NAKO KASI SABI KO SA DYOS BUHAYIN KA AT AKO NALANG ANG KUNIN. GANON KITA KA MAHAL PRE!" TAPOS PINATAWAD NYA AGAD KAMI AT NAG REQUEST NG KFC GUTOM NA DAW SYA. HAHAHA! NAG TAWANAN KAMI TAPOS YAKAPAN. BIGLANG PUMASOK YUNG NURSE NAPA "AYYY" NUNG NAKITA KAMI. HAHAHA SABI NI JP "MGA BEKI PO KAMI ATENG" HAHAHAHA!

SIMULA NON NAKUNSENSYA NA KO NA WAG NA SANANG IKWENTO DITO PERO PINILIT AKO NI MATT. YUNG GANTI KAY KYLE EH MILD NALANG SIGURO DAHIL NA TRAUMA NA KO SA GINAWA KO KAY JP. TANGINA. HAHAHAHA! JP PRE ALAM KONG DI KA NAG BABASA DITO PERO SASABIHIN KO PARIN DITO DAHIL ABNORMAL AKO HAHAHA! MAHAL KITA PRE AT DI KO MAPAPATAWAD ANG SARILI KO KUNG NATULUYAN KA! BABAWI AKO SAYO PRAMIS! BIBIGYAN KITA NG TATLONG BEBEGURLS NA HINDI KANA LOLOKOHEN. SORRY TALAGA! HAHAHAHA. 😂

MARAHIL NAG TATAKA KAYO KUNG BAKIT NA GOGOYO KO PARIN ANG MGA TROPA KO KAHIT NAG POPOST AKO DITO.

PARA MALAMAN NYO MGA FANS,

SI JP AT KYLE PAREHONG LA SALLIAN AT DI SILA MAHILIG MAG BASA SA GANITO. BUSY SILA SA BUSINESS NG PAMILYA NILA. AKO AT SI MATT LANG ANG TAGA FEU PAREHO KAMING ITHM. SI EARL NAMAN TAGA BEDA.

SORRY ULIT PRE JP. PERO MAS LALONG SORRY SA TATAY KO DAHIL BASAG ANG SALAMIN AT PURO GASGAS ANG OTO NYA. DAD IBAWAS MO NALANG SA ALLOWANCE KO. MEDYO MASAKIT YUNG SUNTOK MO SA ULO KO PERO DESERVE KO NAMAN YUN BUTI NGA DI MO KO KINITILAN NG BUHAY. EDI WALA NG TIMO BONER NA BA YOU. HAHAHA LABYU!! 3 DOWN-ONE TO GO!

HINDI AKO NA BONER. KATUNAYAN NANLAMBOT PA NGA DAHIL SA TAKOT PUTANG INA HAHAHA! LABYU FANS! LABYU ADMINS LALO KA NA SIR JULIO HAHAHA PASENSYA NA SA KAKULITAN KO! AT PARA SA MGA BEBEGURLS KO JAN EASYHAN NYO LANG! WAG KAYONG MAG ALALA DADALIN KO DIN KAYO SA LAUNION TAPOS IIWANAN KO NA KAYO DON! HAHAHAHA PERO SYEMPRE JOKE LANG! LABYUU! 😘

TIMO
2011
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila

FEU Secret Files: CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon