"What might happen when someone saw your doppelganger? Actually, thats the thing I want to know.
Dati sabi saken ng pinsan ko, umakyat daw sya sa kwarto ko (nasa second floor room ko) para sabihin na may naghahanap saken sa labas ng bahay namen. At nung kinausap nya daw ako, (since nakalock daw yung pinto ko, sa labas lang ng room ko nya ako kinausap) rinig na rinig nya daw yung boses ko na sumagot ng ""sige lalabas na ko"" Pero wala ako non sa kwarto ko, at nagulat sya nung pagbaba nya ng hagdan sakto na paakyat pa lang ako ng kwarto ko. Yung pangalawa naman, sa school namen (Letran) Nag summer job ako sa school, 8am to 5pm duty ko. Then one time, around 3pm nakita daw ako nung kasamahan ko magduty na palabas ng office, tinanong nya ko, ""**** uuwi ka na agad? Aga pa ah?"" Tapos deretso lakad lang daw ako at nung malapit na sa pinto lumingon daw ako sa kanya. Pero hindi ako yung nakita nya, dahil that time nasa office ako at nagulat sya nung nakita nya ko sa loob mga around 3:10pm. Sabi nya, ""Ang bilis mo naman bumalik? Kakalabas mo lang ah."" Nagulat ako. Like, hell no. WTF. Hindi pa ko nalabas no. And nagkatinginan kame lahat sa office. At yung pang last, sa bahay ulet namen nangyari. May dalawa akong pinsan na mahilig sa anime, si Myra at Jesa. Nagpapasa si Myra ng picture ng anime via share it, kay jesa. At nung napasa na, nagulat si myra na bakit puro picture ko yung lumabas. Nakaupo daw ako sa sofa tapos naka all black ako at may katabi daw ako na naka all black din at hindi nila alam kung sino. Wala akong ganong kuha ng picture sa cellphone nilang dalawa kaya nagtaka sila. Pinakita nila saken yung picture at nagtataka din ako dahil wala naman akong picture na ganon. Laging napapanaginipan ni Myra yung picture ko kaya binura nya na ito at simula non hindi na daw nagpakita sa panaginip nya yung picture ko.
Ano kayang ibig sabihin ng mga bagay na yon?"
Laging ginagaya
2013-2014
Letran
BINABASA MO ANG
FEU Secret Files: Compilation
Короткий рассказTHIS COMPILATION WILL NO LONGER POST UPDATES. Thank you for your warmest support!