Self-control, wer ka na?

2.1K 12 0
                                    

(a/n: no hate comments and harsh jokes, please. thankyou!)

Gustung-gusto kong mag-diet dahil naiinggit at naiinsecure talaga ako sa mga seksing babae na finafollow ko sa FB. Naiiinggit ako dun sa mga babaeng kahit anong isuot ang ganda pa rin tignan. Pero ewan ko ba, sobrang wala akong self-control.

Kunwari hindi ako kakain ng kanin ngayong araw, sky flakes + water lang ganern, jusko feeling ko mamamatay ako. Hindi ako makalakad. Nanginginig yung mga tuhod ko. Pinagpapawisan ako ng malamig. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Nahihilo ako, at ang tanging nasa isip ko lang eh mga umiikot na chickenjoy. Jusme, hindi ko keri! Kaya kinabukasan, babawiin ko rin yung mga hindi ko pag-kain. Triple, apat na kanin, todo lamon parang walang bukas.

Bago ako bumangon, kinokondisyon ko na ang sarili ko na, "MAG-DADIET AKO NGAYON! WALA NG EXCUSES. WALA NG MAKAKAPIGIL!!", pero paglabas ng kwarto, maamoy ko pa lang yung masarap na ulam na niluluto ni mama, kasama ng ulam at kanin, kinakain ko rin ang mga sinasabi ko. Punyeta!

Akala ko paglaban sa sakit lang ang mahirap. Ang hirap din palang labanan ng pagiging matakaw. Ang hirap umiwas sa mga pagkain sa paligid lalo na kung may pera kang pambili sa bulsa. :((((

Chubbilita
2013
IAS
FEU Manila


• •

(Please leave a vote bebe. Thankyou!)

FEU Secret Files: CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon