Jeepney Chronicles: One - Matanglawin

1.1K 9 0
                                    

"Pauwi ako nun galing sa school. Nakasakay na ko sa jeep pero sobrang siksikan, Friday kasi tapos rush hour. Nakasanayan ko ng magbayad agad para wala kong iintindihin sa byahe. Pagkatapos ko magbayad ay nagbayad din yung katabi kong lalake, mga nasa 40 yrs. old pataas na. Sabi nya sa may Quezon Ave. daw sya bababa. Magkatext kami ng kapatid ko kasi nagpapaturo syang maglinis ng sariwang isda para iluto sa dinner. Nasa may bandang Maceda na yung jeep nung napansin kong parang binabasa ni kuya yung mga texts ko sa kapatid ko. Kada labas ko ng fone, parang mas ready pa syang tignan yung message ng kapatid ko kesa sakin, yung kulang nalang sya na yung magreply. Akala ko nung una parang napapatingin lang sya kasi maliwanag, pero nung napatingin ako sakanya napansin ko na parang binibigkas pa nya yung text ng kapatid ko. Nakakaloka! Nung napansin nya na nakita ko syang binabasa yung text ko, bigla syang lumingon kunyari sa may bintana. Dahil natatawa ako na naiinis dahil sa ninja moves ni kuya, nag tuloy tuloy lang yung pagtext ko sa kapatid ko pero sinsadya ko ng ipakita kay kuya..

Me: ""Ohh, nilinisan mo na ba yung katawan? Wala na bang dugo dugo?""

Kapatid: ""Oo ate, okay na.""

Me: ""Eh yung lamang-loob tinanggal mo na ba?""

Kapatid: ""Oo ate tinanggal ko na lahat.""

Me: ""Gusto mo isunod nanatin tong katabi ko dito? T*ngina! Kanina pa tingin ng tingin sa fone ko eh! Ano paabangan ko na?""

Bago pag magreply yung kapatid ko tumingin ako kay kuya tapos nanlaki yung mata nya sabay baba sya agad ng jeep eh. Hahahaha! Baba sya agad sa may Rotonda kahit Quezon Ave yung binayad nya. Hahahahahahahaha! Basa pa more!

Kinwento ko nalang sa kapatid ko pagdating sa bahay kasi kahit sya nagulat dun sa reply ko sakanya. Hahahahaha!

Lesson yan sa mga taong nakikibasa ng text message sa jeep lalo na pag traffic! Ingat lang baka makaliskisan kayo! Hahahahahahaha"

Ninja Girl
20**
Institute of Tourism and Hotel Management
FEU Manila

FEU Secret Files: CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon