Ang hirap nang hindi legal yung relationship niyo sa family niya. Hindi legal dahil ayaw pa siyang payagang mag-boyfriend. Yung kahit willing kang magpakilala dahil sobrang mahal mo siya, at para malaman nilang seryoso ka, hindi mo magawa kasi natatakot kang baka pag hiwalayin kayo.
Lahat ng pagkikita, patago. Natatakot na baka kapag nasa labas kayo, may kamag-anak siyang makakita sa inyo. Imbis na ihatid mo siya sa mismong bahay nila para masigurado mong safe siya, hanggang eskinita o hanggang kanto ka lang dahil baka may kapitbahay na makakita at isumbong siya.
Maging sa social media, kailangan niya pang gumawa ng dummy account at iblock ang mga relatives niya sa Facebook mo para makasiguradong hindi kayo matetrace. Kahit pictures na magkasama kayo, kinatatakutang ipost dahil baka makarating sa parents niya at saktan siya.
Ang hirap ng ganito, at alam kong mas mahirap para sa girlfriend ko. Ramdam na ramdam ko yung takot niya sa pamilya niya. Mas lalo ko siyang naaappreciate araw-araw dahil kahit na alam kong mahirap sa kaniya ang sitwasyon namin, hindi niya ako nagagawang iwanan.
Alam kong darating din ang araw na pwede ko nang ipakilala ang sarili ko sa pamilya niya. Pero sa ngayon, mag iistrive hard muna ako para sa sarili ko to make sure na sa time na yun, may maipagmamalaki ako.
---
PS: Kung kagaya kita, bro, do good! Maging katiwa-tiwala ka para sa anak nila. Wag kang @sshole. Wag mong itake advantage na palagi kayong patago, ipakilala mo muna ang sarili mo as a boyfriend at hindi lalaking naka "buntis" sa anak nila.PPS: At kung nasa ganito kayong sitwasyon, pero hindi ka pa rin niya magawang iwanan. Isa nalang maitutulong mo, huwag mo nang dagdagan ang sama ng loob at gumugulo sa isip niya. Nahihirapan na siyang itago ang relationship niyo sa pamilya niya at araw-araw na siyang takot, wag ka nang dumagdag pa.
Simon
2014
IAS
FEU Manila
BINABASA MO ANG
FEU Secret Files: Compilation
Kısa HikayeTHIS COMPILATION WILL NO LONGER POST UPDATES. Thank you for your warmest support!