Jealous Girlfriends

979 3 0
                                    

May time na nagpapakuwento siya noon tungkol sa ex-girlfriend ko.

Tinatanong niya kung, ano raw bang rason kung bakit ko yun nagustuhan. Kung maganda raw ba. Kung minahal ko raw ba. Bakit kami nag break, mga ganung tanong.

So dahil honest ako, sinasagot ko lahat ng tanong niya ng totoo. Sinabi kong oo, minahal ko ng sobra yung ex ko. Sobrang ganda niya, sobrang simple. Sobrang maalagang girlfriend, sobrang lambing. Sobrang saya namin nung kami pa kasi almost perfect ang lahat. Kaso nag break kami kasi ganito ganyan. Kaya ayun.

Tapos makikita ko siya, nang-iirap na. Nagseselos na. E in the first place siya yung nagtanong, sumagot lang ako. From that day nalaman ko kung gaano niya ako kamahal. Hahahaha!

Yung tipong ex ko na nga pinagseselosan niya pa. Naiintindihan ko siya kung bakit siya ganun. Hindi niya matanggap na may minahal akong iba bukod sa kanya though, matagal na panahon nang nakakalipas yun. Sounds immature na pagselosan niya yung babaeng nauna sa kanya pero alam ko na hindi niya lang matanggap at maimagine na may minahal akong iba kasi gusto niya, siya lang. Siya lang yung maganda. Siya lang yung mahal ko. Siya lang yung babaeng pupurihin ko at wala nang iba.

Kaya inexplain ko sa kanya after nun na, maganda man yung ex ko noon, maalaga, malambing, almost perfect, lahat ng characteristics na meron siya, nasayo yun. Mas swerte ako ngayon kasi hindi lang malambing, maganda, maalaga ang girlfriend ko, matalino rin, mabait, maalalahanin, at selosa kasi sobrang mahal ako. Ayun naging okay na kami. Ngumiti na siya. Niyakap niya 'ko. 💞

PS: Kaya mga tol, kapag ang girlfriend mo nag papakwento tungkol sa ex mo, dahan-dahan. Tantyahin mo. Kung sobrang selosa yang girlfriend mo, pipiliin mo mga sasabihin mo. Kasi konting puri mo lang sa ex mo, magseselos yan. Intindihin mo rin kung nagseselos, gusto niya kasi siya lang lahat. Gusto niya kasi siya lang yung perfect woman para sayo. Bukod sa nanay mo, mga kapatid mo, kamag-anak, wala ng iba.

Jerome
2012
IE
FEU Manila

FEU Secret Files: CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon