Conjuring

700 7 0
                                    

Ako nalang gising ng mga oras na yun. Ala una na kasi ng madaling araw. Bumaba ako ng kwarto dahil nakaramdam ako ng gutom. Kumain ako sa kusina habang nag fe-facebook. After kong kumain nilapag ko na ang phone sa table para hugasan yung plato at mga pinaglutuan ko. Nang naramdaman ko lumalamig ang hangin. Nagsitaasan ang mga balahibo ko at medyo dinapuan ng takot. Naalala ko pa yung pinanuod kong horror movie the day before, yung MAMA. Tangina minamadali ko yung pag huhugas dahil parang pakiramdam ko may naglalakad sa likod ko dahil biglang may dumamping malamig na hangin sa batok ko.

Sa tapat ng lababo namin salamin. Kaya habang nag huhugas ako, kita ko yung mukha ko pero dahil sa takot hindi ko tinitignan ang sarili ko sa salamin. Nang biglang may narinig akong foot steps.. SHIT P*TANG INA! Nagdadasal na ako habang kinukuskos ung kaldero. Napatingin ako sa salamin dahil may naaninag akong tao sa likod..

P*TANG INA SI ANABELLE!! P*TANG INA TALAGA HUHUHU :(

Si anabelle yung katulong namin sabay sabi sakin.."Be ako na maghuhugas dyan"

Ako:  "Leche ka ate! Muntik na akong maihi sa salawal dahil sayo!!" At tumawa siya ng tumawa. Kaasar! -_-

Stewardess
2010
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila

FEU Secret Files: CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon