T___T

862 5 0
                                    

Nakakamiss 'yung mga araw na pipilitin niya pa akong kumain kahit busog na ako o wala pa akong gana. 'Yung sasabihin niya, "pakiss nga sa baby ko", tapos aayaw ako kasi feeling ko binata na ako para sa ganun. Nakakamiss 'yung naghihintay siya, nagagalit kasi ang tagal kong umuwi. 'Yung sunud-sunod na tanong niya kada may lakad ako. Nakakamiss makita na mas nag-aalala pa siya kesa sa akin kapag may sakit ako. 'Yung umiyak siya sa sobrang taranta nu'ng nakagat ako ng aso. 'Yung sasabihin niya, "Mag-dala ka ng payong, baka umulan." Pati yung, "Matulog ka naman.", "Mag-aral ka nang mabuti" at 'yung "Anong gusto mong ulam ngayong gabi, Kel?"

Nakakamiss si Mama. Sobra. Naiinis pa ako dati kasi akala ko hindi naman titigil. Akala ko buong buhay ko, nand'yan lang siya. Hindi ko naisip kahit kailan na darating pala ang araw na hindi ko na mararamdaman 'yung mga pag-aalala, paglalambing, at pagiging OA niya.

Wala na lahat. Parang nawalan na rin ako ng buhay. Parang wala ng sense para mabuhay!!! Ang hirap! Ilang buwan na rin siyang wala, pero pakiramdam ko, parang kahapon lang siya kinuha. AGGGHHHHH! P*TANGINA!! Sobrang sakit. Naiiyak ako habang ginagawa 'to. Dito ko nalang ibubuhos lahat.

Walang nakakaalam kung ga'no ako ka-wala sa sarili ngayon. Kung gaano ako ka-durog. Lamay niya, libing, nag-kulong ako sa kwarto. Hindi ako lumabas. Hindi ko matanggap.

Iba pala kapag nawala sila. Nakakapangsisi. Nakakapangsisi kung bakit hindi ka naging responsableng anak, kung bakit nakakagawa ka ng hindi maganda sa kaniya, kung bakit hindi ka naging sweet sa kaniya, at kung bakit hindi mo nasabing mahal mo siya nung nandiyan pa siya.

Kaya kayo, kung may time ka pang kasama sila ngayon, 'wag mo nang hintayin na may pagsisihan ka balang araw. Wag kang makampante dahil walang bagay na permanente ngayon. 'Wag mo nang hintayin na sa dasal mo nalang maipaparating sa kaniya lahat.

Michael
2012
IARFA
FEU Manila

FEU Secret Files: CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon