Jeepney Chronicles: Six - Good Samaritan

712 7 0
                                    

"Pauwi na ako, pagsakay ko ng jeep agad kong hinanap yun wallet ko para makapagbayad na. Pero nagulat ako kasi walang wallet sa bag ko. Nagpanic na ako kasi malapit na ko bumaba. Tinawagan ko friend ko, baka nasakanya lang yun wallet ko. Na baka naiwan ko sa dorm nya. Lagot na naman ako sa nanay ko kasi nandun ang tatlong araw kong allowance. Pero sa kamalas malasang pagkakataon, wala talaga. Naiiyak na ako nun, di ko alam gagawin ko. Kaya kinapalan ko na mukha ko, kinausap ko si manong driver na baka pwedeng, wag na ako magbayad kasi nawawala nga yun wallet ko. Pumayag naman siya. Sobrang pasasalamat ko nun kay kuyang driver. Pero may kasabay ako sa jeep na tiga UST, Engg ata si kuya base sa uniform niya. Nag-offer siyang bayaran ang pamasahe ko at samahan ako pauwi samin kasi kanina pa daw ako tinitignan. Tarantang taranta daw ako nun na parang naiiyak. Tapos after nun, sobrang nagpasalamat ako kay kuya nun, sa sobrang tuwa ko nalimutan ko hingin name niya. Hahahaha. Pero swerte ko pa din nun kasi may tumulong sakin.

Di parin talaga nawawalan ng mabubuting tao sa mundo.

Kaya after nun, naging ugali ko nang tumulong pag may nakikita akong nangangailangan ng tulong ko. 

""An act of simple kindness can make an endless ripple effect.""

PS. Wala pang sparks nun. At yun wallet ko, naiwan ko lang pala sa ministop, nakuha ko din the next day. "

Engg
2012
Other
FEU Tech

FEU Secret Files: CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon