Habang nakasakay ako sa jeep may sumakay na mag tatay. Yung lalaki taga FEU based on his polo and pants also in his lanyard then he was with his very old father mga nasa around 80+ akay akay niya paakyat ng jeep.
Katapat ko sila.
"Tay' tumutulo nanaman laway niyo." then pinunasan ni FEU student yung laway ng father niya.
"Tay' perfect ko lahat ng exams kanina. Para sayo yun."
Hindi umiimik yung father niya. Tulala. Dala na siguro ng sobrang katandaan.
Patuloy parin sa pagkukwento si FEU student sa father niya kahit ni isang salita hindi lumabas sa bibig ng tatay niya.
"Tay' kahapon nanalo ako sa debate. Kalaban namin taga ibang university. Pero panis sila sakin tay' mana ako sa inyo eh!"
"Tay' bibili tayong ice cream mamaya bago tayo umuwi."
Napangiti yung tatay niya.
"Basta wag kang pasaway kay doctora mamaya ha?"
Tumango ung tatay niya habang naka ngiti.
"Lab yu tay"
(Naaantig ang puso ko makita at pakinggan silang dalawa. Naluluha ako na ewan. Naaawa na kung ano. Basta ang alam ko nato-touch ako at pinipigilan kong umiyak ng mga oras na yun. First time ko rin makarinig sa lalaki na mag i love you sa tatay niya. Katouch.)
not from ubelt
2012
Other
UP Diliman
BINABASA MO ANG
FEU Secret Files: Compilation
Short StoryTHIS COMPILATION WILL NO LONGER POST UPDATES. Thank you for your warmest support!