Dear Papa Dudut,
itago nyo na lang po ako sa pangalang Anica, ang kwento ko po ay nagsimula noong 2nd year highschool po ako taong 2008,
Bagong lipat lang po kame noon sa cavite galing Manila, bumili kasi ng bus ang tita ko kaya kinailangan nila ang papa ko para maging maintenance ng bus, dahil po dun tumira kame kung saan ginagarahe ang bus. Bago lang po kame at bakasyon pa kaya wala pa kong kaibigan. Madalas lang ako umupo sa labas ng bahay para magpahangin magtxt at magbasa. Isang araw habang nagbabasa ako my dumaan na isang lalake, hindi ko nakita ang mukha nya pero medyo payat sya, may tamang taas at my kahabaan ang buhok, uso po kasi noon ang mga Korean hair cut, medyo may pagka hazel nut brown din ang buhok nya.Hindi ko alam kung bakit Papa dudut pero nung dumaan sya, bigla na lang ako napatulala sa kanya, blangko lahat papa dudut, pinag-masdan ko lang siya hanggang makalagpas sya sa bahay namin, at nung wala na sya pagkatapos ay bumalik na rin ako sa pag-babasa, ilang araw ang nagdaan pero tuwing makikita ko ang lalake na yun papa dudut napapa-tulala ako at tila ba may kusa yung mga mata ko na titigan sya, subalit kahit isang beses hindi ko pa nakita ang mukha nya pero napaka sigurado ako na sya yun tuwing
dadaan sya.Dahil kasama namen sa bahay ang tita ko at mga pinsan ko, nagkaroon na rin ako ng mga
kaibigan ng makilala ko ang mga barkada ng pinsan ko, isa na dun si Marco na hiningi ang number ko, hindi para makipag kaibigan kundi para manligaw, hindi naman sa pagyayabang papa dudut pero may mga nagsasabi na biniyayaan daw ako ng ganda ng itsura at hubog ng katawan kaya medyo marami rin ang
nanliligaw sakin. Nagkakatxt kame madalas ni Marco,
dumadaan sya sa bahay pero ni isang beses hindi sya pormal na nanligaw, kahit gusto nya ay hindi ako pumayag dahil bata pa ako noon at hindi ko alam kung papayag ba ang mga magulang ko.Bukod kay Marco nauna ko nakilala si Jayson, magalang si Jayson at talagang pumupunta sya sa bahay namen para personal akong ipaalam sa mama ko para makalabas kaya gusto naman sya ng mama ko
pero hindi naman nanliligaw sakin si Jayson.Nagsimula na ang klase at laking tuwa ko papa dudut ng maging kaklase ko si Jayson, lagi na
kameng sabay pumasok at umuwi ng bahay, maliligo pa lang ako sa umaga ay nandyan na kagad si jayson, napaka sipag nya mag aral at isa sya sa matatalino sa klase namen, hindi nagtagal ay nagkaroon na rin ako ng close sa klase, si Risa, Rakista pomorma pero hindi papahuli sa pag aaral, si Danica, na napakatalino pero may pagka hilig sa boys, at si Mica na pala aral din at pinaka generous samin, lahat sila papa dudut ay magaling at masipag sa klase kaya hindi ko alam kung bakit ako napasama sa kanila, hindi naman ako mahina sa pag aaral pero aminado ako na may
katamaran ako, madalas nga ako noon sabihan ng guro ko na sayang dahil mukha naman dw
akong may utak kaso tamad lang, hindi kasi ako mahilig magtaas ng kamay at sumali sa mga school activities, pero sa tuwing tatawagin naman ako ay nakakasagot ako at hindi rin mababa ang mga exam ko.Masaya ako sa mga bagong kaibigan ko papa dudut, dun ko naramdaman yung saya ng
highschool life na sinasabi nila.After two months na panliligaw ni Marco ay sinagot ko na rin sya, alam ko na bata pa ko noon papa dudut pero ang saya ng pakiramdam ko, simula ng maging kame ni Marco, napansin ko na medyo lumayo sakin si Jayson, hindi ko alam kung bakit, pero dahil masaya ako kay Marco ay hindi ko na lang din pinansin.
Dahil hindi naman kalayuan ang bahay sakin ni danica, sya na ang madalas kong kasabay pumapasok, at sa pag uwi naman ay kasama namen si Mica dahil boyfriend nya ang kaibigan ni Marco na si Bernard, bago kame
umuwi lagi kameng dumadaan sa bagong tambayan nila marco, sumali kasi sila sa bagong tayong Fraternity doon, dahil dun papa
dudut lalong dumami ang kakilala ko sa lugar namen, napapadalas tuloy ang pag uwi ko ng late kaya napapagalitan ako madalas ng mama ko, parang naging bad influence sakin ang mga kaibigan ko pero hindi sumagi yun sa isip ko, basta alam ko lang masaya ako.Hindi nagtagal papa dudut naglakas na ko ng loob na kausapin si Jayson kung bakit nya ko iniiwasan.
"Jayson pwede ba kita makausap?"
"Ano yun Anica?"
"Bakit mo ko iniiwasan?"
"Hindi kita iniiwasan, Busy lang ako."
"Busy ka? Saan? Magka kalse naman tayo ah, pwede natin gawin yung mga assignment natin ng sabay kagaya dati."
"Pwede yun dati Anica, nung hindi ka pa nagbabago, nung hindi mo pa kilala yung mga
bago mong kaibigan ngayun.""Mga bago kong kaibigan? Eh diba mga kaibigan mo rin sila, diba ikaw nagpakilala sa
kanila sakin.""Oo. Pero hindi ako kagaya nila, hindi rin ako kagaya mo na nagpapadala. Hindi mo ba
napapansin nakakasama na sila sayo, lagi ka na nagcucutting, late ka na rin umuuwi sa inyo,
tinatanong na ko ng mama mo kung totoo ba na may project tayo, pati ako nagsisinungaling
na rin dahil sayo.""Sorry Jayson, wag ka mag alala alam ko naman ginagawa ko, hindi ko naman pinababayaan ang pag aaral ko."
"Alam mo ginagawa mo? sa nakikita ko Anica parang hindi naman, Dapat ata hindi na kita
pinakilala sa kanila, dapat hindi na rin kita pinakilala kay Marco.""Bakit naman napasok sa usapan natin si Marco?"
"Sa totoo lang Anica, gusto talaga kita, humahahanap lang ako ng tamang timing para sabihin sayo, kaso sinagot mo na si Marco."
Hindi ko alam ang sasabihin ko papa dudut, mahalaga sakin si marco pero alam ko na hanggang kaibigan lang ang turing ko sa
kanya."Kung sakali ba na nasabi ko sayo kagad Anica, may pag asa ba ko? Kung meron handa
ako maghintay sabihin mo lang sakin.""Sorry Jayson pero hanggang kaibigan lang ang turing ko sayo."
Mahirap sabihin kay jayson na wala syang pag asa sakin papa dudut pero alam ko na mas
masasaktan lang sya kung paaasahin ko lang sya sa isang bagay na alam ko naman na hindi ko kaya ibigay. Simula noon papa dudut tuluyan na lumayo sakin si Jayson, hindi na kame nagkakausap, umiiwas ako ng tingin tuwing nanjan sya, alam ko na ganun din ang ginagawa nya.Ok kame ni Marco nung unang mga buwan, sweet sya sakin, lagi kame magkatxt, pag nasa school, hinahatid sundo nya rin ako. Isang beses nung galing ako sa manila, ginabi na ko kaya sinundo ako ni Marco sa kanto, bago ako bumaba ng jeep nakita ko na may kausap si Marco na lalaki, pero umalis na din bago pa ko makalapit, tinanong ko si Marco kung sino yun.
"Marco sino yung kausap mo?"
"Ah yun, Brad yun sa fraternity, Hindi mo pa yun kilala kasi busy sa school yun lagi."
Hindi pa nakakalayo yung lalake papa dudut kaya habang naglalakad kame ni Marco ay
natatanaw ko pa rin ang likod nya, alam ko na sya yung lalaking dumadaan sa bahay namen na lagi kong tinitignan tuwing nasa garahe ako, kagaya noon papa dudut ay nakatitig lang ako
sa kanya, ni hindi ko na naririnig ang sinasabi sakin ni Marco, para bang blanko na ko pero
kusang kumikilos ang mga paa ko palakad."Huy Mhine, Tinatanong kita, kamusta yung lakad mo."
"Ah. Ok naman."
Mhine ang tawagan namen ni Marco pag nagkakatxt kame papa dudut, pero hindi ako
sanay na tawagin sya ng ganun sa personal, feeling ko kasi ang baduy at napaka cheesy.
BINABASA MO ANG
Dear Papa Dudut
RomanceI wrote this story and sent to the radio program of papa dudut Baranggay Love story, still hoping that one day it'll get the chance to be read in the radio, Gusto ko kasi talagang mabasa to nung nasa story, so he will know my hidden feelings inside...