One time, inaya si Niel at Vince na magswiming ni Sara, ex ni Niel, kasama si Vanesa na sinasabi sakin ni Niel na may gusto daw kay Vince, may pagka pilyo talaga si Niel at Vince
papa dudut kasi imbes na tumanggi sila eh sumama sila, kasi daw sagot daw nila sara ang
cottage at food, pero nakita ko sa mga mukha nila sara na nagulat sila nung nakita nila kame ni rachelle na kasma nila Vince, alam ko na hindi alam nila sara na isasama kame nila Vince, although alam nila na may mga girlfriend na sila Vince, nagtataka ako bakit inaya pa rin
nila sila vince, sabi ko pa sa isip ko ano ba to balak nila mag double date, pero natuwa ako kay Vince kasi sinama nya ko.Hindi kame makasabay ni Rachelle sa mga kwentuhan nila kaya puro swimming na lang
ang ginawa namen, nakikita ko si Vince na nakabantay sakin na para bang may gagawin akong masama, samantalang sya nga tong may kausap na iba, pero hindi na ko nakakaramdam
ng selos papa dudut kasi alam ko na wala na makakaagaw kay Vince sakin, nung malapit na
kame umuwi, sinabihan na ko ni Vince na magbanlaw, sinamahan nya ko sa cr.Anica:"Hawakan mo tong bag, Kinuha ko na yung damit ko."
Vince:"Sabay na tayo."
Anica:"Tumigil ka nga dun ka sa kabilang C.R."
Vince:"Sabay na tayo para mabilis."
Anica:"Ano ba Vince wag ka na makulit nilalamig na ko."
Sinara ko na yung pinto papa dudut, alam ko naman na nagbibiro lang si Vince at pilyo
talaga sya, tumayo lang sya sa labas habang naliligo ako kahit may lock naman yung pinto.
Narinig ko na dumating si Sara at Vanesa na mag shoshower din nun.Vanesa:"Huy Vince tara sabay na tayo."
Narinig ko na naghahatakan si Vince at Vanesa.
Vince:"ayoko."
Vanesa:"Sige na sabay na tayo."
Vince:"Hala ayoko nga, wag ka makulit."
Alam ko nagbibiruan lang sila papa dudut pero nakaka asar si Vanesa kasi bakit sya ganun kahit alam nyang may girlfriend na si Vince, hindi nya ba naiisip na naririnig ko sila. Pag labas ko ng C.R papa dudut umalis kagad ako at iniwan ko si Vince.
Vince:"Huy Kakay hintayin mo ko mag shoshower lang ako saglit."
Anica:"Dapat sumabay ka na kay Vanesa para mabilis."
Hindi ko na narinig ang sinabi nya papa dudut, bumalik na lang ako sa cottage mag isa.
Tapos na mag bihis si Niel at Rachelle na nag ViVideoke nung dumating ako. Napaka tagal ni
Vince dumating kaya napaisip tuloy ako na baka mamaya sumabay nga sya kay Vanesa.Anica:"tsk bakit ang tagal nung lalaking yun, siguro sumabay na yun kay Vanesa, hmmp kunwari pa sya ayaw malamang gusto rin
naman nya, nako Anica kung ano ano na naman iniisip mo! Matagal lang talaga maligo si Vince! erase erase erase."Vince:"Huy bakit kinakausap mo sarili mo!"
nagulat ako papa dudut na biglang nasa tabi ko na pala si Vince.
Anica:"Anong kinakausap sinasabi mo.''
Vince:"Sus narinig kita eh, halika nga dito, wag kung ano ano naiisip, baka mapraning ka na
naman."May pagka PDA si Vince papa dudut, hindi ako sanay ng ganun pero pag alam kong may babae sa paligid na umaaligid sa kanya kagaya ni Brenda, Moli at Vanesa, mas na eenjoy ko yung pagka sweet nya, umupo sa di kataasang bakod si Vince, habang sumandal naman ako
sa kanya, napaka sarap ng feeling habang pinapakinggan ko syang kumanta kasi sabi nya dedicated daw yun para sakin, kinanta nya
yung Hero papa dudut.Vince:"Would you dance if i ask you to dance, would you run and never look back... would you swear that you'll always be mine, would you save my soul tonight...... I can be your hero
baby, I can kiss away the pain, i will stand by you forever, you can take my breath away."
BINABASA MO ANG
Dear Papa Dudut
RomanceI wrote this story and sent to the radio program of papa dudut Baranggay Love story, still hoping that one day it'll get the chance to be read in the radio, Gusto ko kasi talagang mabasa to nung nasa story, so he will know my hidden feelings inside...