Chapter 3

751 10 0
                                        

First sunday ng december papa dudut, nilayu ko ulit yung loob ko kay Vince dahil nakasalubong ko sya kasama nya yung ex nya na si Lea, galing sa simbahan habang kasama ko naman yung pinsan ko na si Regine, magsisimba pa lang kame nun, although pinakilala naman ako ni Vince kay Lea, hindi nya binanggit na girl friend nya ko, dahil dun naisip ko na baka hindi talaga seryoso sakin si Vince, baka sila na ulit ni Lea.

Kasabay ng simbang gabi nag start mag practice ng sayaw para sa fiesta sila Vince kasama sila Moli at ang iba pa, Ok na kame nila moli kahit alam ko na may plastikan pa rin kaya hindi ako sumasabay magsimbang gabi sa
kanila, Hindi kame nag uusap ni Vince, hindi kame nagpapansinan ni hindi sya nagpaliwanag kung bakit sila magkasama ni Lea. One time pumunta si lea sa bahay nila habang nag prapractice sila Vince, umupo silang dalawa sa terris,nasaktan ako sa loob ko
papa dudut, pero di ko pinahalata, pinakita ko sa kanya na masaya ako. Kahit wala pa kameng closure sinabi ko na sa sarili ko na wala na kame dahil may kasama na syang iba, Sabi ko pa sa sarili ko bakit ba sumagi sa isip ko na seryoso sya, diba sa simula pa lang alam ko na naman na imposibleng magbago sya para sakin.

Nilibang ko na lang ang sarili ko, lagi ko kasama si Lance na hindi ako iniiwan, laging nanjan para samahan ako, lagi kameng magkasma sa gumala at tumambay.

Nung araw na ng fiesta, nag mall kame ni Lance, bago pumunta sa court kung san sasayaw sila Vince since pareho kame ni Lance na hindi kasali sa sayaw. Pag uwi ay pinaalam ako ni lance sa mama ko na pupunta kami sa
sayawan, may pasayawan kasi si chairman after ng contest kaya pinayagan ako, pero wala naman ako balak sumayaw kaya na upo lang kami ni Lance pag dating dun. After sumayaw nila Vince nag start na ang sayawan, biglang dumating ang mama ko, akala ko susunduin nya na ko, gusto nya lang pala ko makita
sumayaw, kaya no choice si Lance kundi isayaw ako since romantic yung music at kailangan may kapartner. Nakita ko si Vince na sumayaw din kasama yung bunso ng frat na si Lynda. Ang sama ng tingin sakin ni Vince, he keep on glaring at me, pero di ko pinansin kahit alam ko sa sarili ko na gusto kung siya yung first dance ko. Sabi ko pa sa sarili ko sana ako yung kasayaw nya, pero parang narinig ni Vince yung nasa isip ko, bigla syang lumapit para heramin ako kay Lance, di ako makapag salita, di ko alam sasabihin ko, di ko alam ang gagawin ko, natutuwa ako sa loob ko pero pinipigilan ako ng pride ko, pero si Lance binigay ako kay Vince kaya wala na kong nagawa.

Pag hawak pa lang ni Vince sa kamay ko papa dudut parang gusto ko nang sabihin na miss
na miss ko na sya pero hindi yun ang pinakita ko, pinakita ko sa kanya na wala akong kahit maliit na emosyon na nararamdaman para sa kanya.

Vince: "Bakit mo ko iniiwasan?"

Anica:"Wala, kasi wala na tayo diba."

Vince: "Bakit?"

Anica: "Kasi kayo na ulit ni Lea diba."

Vince: "Ano! Saan mo naman nakuha yang sinasabi mo."

Anica: "Nakita ko kayo, nagsimba pa nga kayo, Pinapunta mo pa sya sa bahay nyo."

Sa isip isip ko hindi ako papayag na gawin sakin ni Vince yung mga ginagawa nya sa mga
girlfriend nya noon na pinag sasabay sabay nya, hindi ako ganun katanga para magpaloko.

Vince: "Ano ka ba, bestfriend kame ni Lea, naging kame dati pero ngayun hindi na, naging
routine na kasi namen na mag simba tuwing sunday, Chaka nung pumunta sya sa bahay
sinoli nya lang yung CD na hineram nya."

Anica: "Sus kaya ba kailangan tumambay pa kayong dalawa sa Terris."

Vince: "Pano eh ang sweet sweet nyo ni Lance, ginawa ko yun para pag selosin ka pero akala
ko manhid ka kasi ang saya saya mong kasama si Lance. Pero nagselos ka pala talga."

Sabay kurot ni vince sa pisngi ko papa dudut, gusto ko pa rin mag galit galitan pero na mimiss ko na talaga sya, ok na rin na sya yung unang lumapit para magkaayos kame.
Dahil sa mga sinabi ni Vince naisip ko na seryoso talaga sya, nagkamali ako na husgahan sya kagad, sabi ko seseryosohin ko
na si Vince, papanindigan ko na yung pagiging girlfriend ko sa kanya. Naging parang love against all odds kame that time kasi maraming nagagalit samin, nagstart na rin silang pag initan si Vince dahil kay Marco na parang nag hohold back that time, pero hindi namin sila pinansin, naging masaya kame ni Vince, mas lumalim pa yung relationship namen, mas nakilala ko pa si Vince, nalaman ko na conscious sya sa skin nya, hindi nagpapaaraw, kung lalabas man daig pa ko, bukod sa nakapayong na, nakapandung pa ng twalya, lagi din syang naglilinis ng kuko, na pati kuko ko nililinisan nya, mahilig din sya mag basa and manood ng romantic movies, matalino si Vince pero may pagka pilyo. natuwa rin ako nung pumunta sya sa bahay namen para magpakilala sa mama ko at nagustuhan naman sya kagad ng mama ko papa dudut, minsan pa nga pumunta sya sa bahay pero hindi para sakin, inaya kasi sya ng mga pinsan ko na mag inuman. Nakakatuwa kasi habang nag gigitara sya kumakanta yung mama ko, kala mo close talaga sila. Pinaka nagustuhan ko kay Vince ay  yung pagiging romantic nya na obvious naman na epekto ng pagbabasa at panonood nya ng mga movie. One time pa nga nagtataka ako kung bakit pinapa hawak nya sakin yung phone nya, hindi nman kasi ako mahilig mangalkal ng phone ng iba kaya medyo nainis na sya, yun pala may voice recording sya dun tungkol sakin na gusto yang marking ko.

Vince: "Anica Marie V. Arebalo (Natawa ako papa dudut nung binanggit nya yung buong pangalan ko sa start ng voice recording), I really dont know what you did to me, But when I
saw you in the rain, I felt my heart starts to beat again, I know in my self its clear, that I want to
see you in a white long wedding dress, while me waiting, watching, while you are walking in the aisle holding the flowers in your hands and the tears of happiness in your eyes, I know since that day i saw the girl in the rain, I wanna be with her forever."

Speech less ako nun papa dudut, sa mga movie ko lang naman kasi naririnig yung mga ganun, kinikilig ako, feeling ko tuloy parang ako si Bella ng twilight, at sya naman si Edward, favorite kasi namen yung movie na yun papa dudut, madalas pa nga kame magsagutan ng qoute sa txt gamit yung mga lines sa movie ng twilight pag nagkaka tampuhan kame. That time parang napaka perfect na, lalo tuloy ako naniwala sa forever,
kasi meron kameng forever, we stick with each other papa dudut, lagi kame magkasama, nakahiligan din namen umupo sa terris nila magkwentuhan habang nag i-star gazzing, my favorite kasi na star si Vince na lagi N yang tinitignan pag gabi.

Vince:" Mhie, alam mo ba kung kelan ako unang na inlove sayo."

Anica: "Talaga may ganun?"

Vince: "Seryoso ako!"

Anica: "Oh sige kelan."

Vince: "Naalala mo yung naglalakad ka, umuulan nun, naka palda ka na dilaw tapos
naka sleve less ka rin na dilaw, nakahead band ka pa nga eh."

Anica: "Oh tapos."

Vince; "Yun na."

Anica: "Oh ano nakaka inlove dun eh mukha akong basang sisiw."

Vince: "Hindi ko rin alam eh, basta nung nakita kita nun bigla na lang kakaiba naramdaman ko. chaka ang cute mo kaya nun sa head band mo kahit basa ka sa ulan."

Anica: "Yun ba yung sinasabi mo sa Voice recording mo."

Vince:"Oo yun nga."

Anica: "Ah may pa girl in the rain ka pang nalalaman. basang sisiw in the rain pala yung tinutukoy mo."

Vince: "ano ka ba! maniwala ka nga, kahit basa ka ng ulan, maganda ka pa rin."

Anica: "Syempre girlfriend mo ko kaya sinasabi mo yan."

Vince: " Ewan ko sayo Kakay! bahala ka kung ayaw mo maniwala."

Anica: "bakit mo ko tinatawag na kakay!"

Vince:"Bakit! narinig ko papa mo kakay tawag sayo. Kaya pag naaasar ako sayo tatawagin
kitang kakay."

Anica:" Ewan ko sayo"

Naaasar ako papa dudut kapag tinatawag ako na kakay, hindi naman kasi talaga magandang
pakinggan ang nick name ko pero yung mga tao na malapit sakin sanay na silang tawagin
akong kakay, pero aminado ako sa sarili ko na kinikilig ako sa mga sinabi ni Vince, naalala ko
kasi yung araw na yun, hinanap ko sa kanya si Marco habang basa ako sa ulan, naalala nya pa
lahat ng detalye, ulti mo kulay ng suot ko alam nya, totoo kayang na-inlove sakin si vince nung
araw na yun, eh bakit ang sungit nya sumagot nun.

Haley Reinhart-Cant help falling inlove with you.

Dear Papa DudutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon