Pasukan na kaya mas naging busy na si Vince, minsan na lang kame magkatxt hanggang
dumating ang araw ng birthday ko pero nasa manila ako nung araw na yun kasi bumili ako
ng mga gamit ko sa school kasama ang ate ko, ayoko ipaalala kay Vince na birthday ko kasi gusto ko kusa nya maalala. Nag-handa ako ng kaunti, nag inom din kame ng mga kaibigan ko, hanggang nag gabi na papa dudut hindi pa rin nya ko naalalang batiin kahit sa txt, wala talaga syang paramdam. Naisip ko baka nakalimutan
lang ni Vince sa pagka busy nya sa pag-aaral, nakatayo ako sa second floor ng bahay ng kaibigan ko, nakatanaw ako sa mga naglalakad na tao habang iniisip ko si Vince,nakatulala
lang ako ng bigla parang nakita ko si Vince, naisip ko siguro tipsy lang ako chaka iniisip ko lang siya kaya nagha-hallucinate ako, pero nung tinitigan ko si Vince talaga yung dumaan papunta sa bahay ng lolalolahan ko, bumaba ako at tinawag ko sya, may dala sya na cake, tuwang tuwa ako kasi naalala nya pala yung
birthday ko.Anica:"Vince! Ano ginagawa mo dito gabi na ha."
Vince:"Kasi Birthday mo, gusto kita isurprise."
Anica:"Eh bakit gabing gabi ka na, dapat nagtxt ka na lang."
Vince:"Gusto kasi kita makita, umuwi pa ko ng cavite kasi akala ko nandun ka, pumunta ako sa bahay nyo sabi ng pinsan mo pumasok ka daw kaya hinintay kita, pero nung bumalik ako
ng hapon biglang sabi ng pinsan mo nakalimutan nya na nasa manila ka pala kaya ginabi tuloy ako."Anica:"Ganun ba, loko loko talaga yun. Dapat nagtxt ka na lang, gabi na may pasok ka pa
bukas."Vince:"Ok nga lang mhie, gusto kasi talaga kita i-surprise kaya hindi ako nagtxt chaka miss na
miss na rin kasi kita kaya gusto kita makita.Yun yung masasabi ko talaga papa dudut hanggang ngayun na pinaka masayang birthday ko, iba talaga yung pakiramam pag
alam mong pinapahalagahan ka ng tao na mahal mo.Lumipat ako ng school papa dudut kaya nalayo ako sa mga kaibigan namen, pero sa
kagustuhan ni Vince na bantayan ako kinilala nya kagad kung sino yung bago kung close sa school na si Lara, Weekly naman umuuwi si Vince kaya nagkikita pa rin kame at nagkaka
kwentuhan, hanggang my na kwento sakin si Vince na bagong friend nya si Zell, close na daw sila kagad papa dudut. Kahit alam ko na friend lang sila hindi ko pa rin maiwasan na magselos at maisip na baka mafall sya, pero ayoko ipaalam sa kanya yun, gusto ko kasi ipakita sa kanya na may tiwala na ko sa kanya. Nagdaan ang mga araw papa dudut, tila lumayo kame sa isat isa, hindi na kasi madalas umuwi si Vince dahil nagagalit ang mama nya tapos nagkaka tampuhan pa kami ng walang dahilan, hindi ko masabi kay Vince na nagseselos ako kay Zell, kinikwento nya kasi sakin yung
lovelife ni Zell, na niloko daw si Zell ng boyfriend nya at kung ano ano pa. Ewan ko ba, kahit pilitin ko maging fair kay Vince at wag
magalit dahil ako rin naman my bestfriend na lalake si Lance pero hindi ko talaga kaya, dahil
dun papa dudut parang nagkaroon ng wall sa pagitan namen ni Vince, na para bang hindi na kame nagkaka kitaan kahit magkasama kame, para din nag iba yung lengguwahe namen na kahit anong usap namen hindi kame nagkaka intindihan, hanggang mapagod na lang ako, na pinipilit ko na lang matulog na may luha yung mga mata ko, na kahit ang dame kong gusto sabihin at it among ay pinipili ko na lang kimkimin sa sarili ko at manahimik, nawalan na ko ng pag asa na mababalik pa namen yung dati, siguro nga hindi ko kayang malayu sya, pero hindi ko rin kayang mabuhay sa takot na baka isang araw magising na lang ako na hindi na pala sya sakin, pinilit ko libangin ang sarili ko papa dudut, hindi man ako nakipag hiwalay kay Vince, ramdam ko na unti unti ng
namamatay yung pagmamahal nya sakin, unti unti na rin nawawala yung dating kame ni
Vince, yung masaya, walang ibang iniisip kundi kameng dalawa, na parang noon magkalayo man kame pero ramdam namen yung koneksyon sa isat isa, na kahit hindi kame mag usap, alam namen kung ano ang sinasabi ng bawat isa, pero habang tumatagal, parang wala
na kameng naririnig, wala na kameng nararamdaman, parang namamanhid na yung puso namen at unti unti nang namamatay.Westlife-My Love
BINABASA MO ANG
Dear Papa Dudut
RomanceI wrote this story and sent to the radio program of papa dudut Baranggay Love story, still hoping that one day it'll get the chance to be read in the radio, Gusto ko kasi talagang mabasa to nung nasa story, so he will know my hidden feelings inside...