Chapter 8

416 6 0
                                        

Nakakilala ako ng bagong mga kaibigan sa bago kung school papa dudut, hindi ko na masyado inisip si Vince. Napabarkada ako ulit pero hindi kagaya dati, school bahay na lang ako ngayun. May mga nanligaw sakin sa school papa dudut pero hindi ko pinapansin, hanggang makilala ko si Loyd. Si Loyd, Eric at si Jesa talaga yung una kong nakilala nung first day ng school, nakaupo ako sa tabi ng bintana habang sila naman nasa likod ko pero hindi ko sila classmate, inaayos pa kasi nun yung mga section.

Eric:"Hi miss. Ano daw pangalan mo sabi ni Loyd."

Tumingin lang ako pero hindi ko sila pinansin.

Loyd:"Wala ka pala Eric basag ka."

Eric:"Hala grabe si ate oh, tinatanong lang naman pangalan mo eh."

Anica:"Anica."

Eric:"Ah anica. ito pala tropa ko si Loyd, ako si Eric."

Anica:"Ah."

Eric:"Ano yang binabasa mo."

Anica:"Ah ito. Womans in the Journey."

Eric:"Ah mahilig ka magbasa?"

Anica:"Hindi  naman."

Eric:"Ah buti naman hindi rin kasi mahilig magbasa tong tropa ko na si Loyd eh."

Jesa: "Hoy wag nyo pagtripan yan! taga samen yan."

Natatawa ako sa kanila papa dudut kasi si Eric ang nagsasalita pero para kay Loyd yung mga
sinasabi nya. Pero dahil dun nakilala ko rin si Jesa.

Nung naayos na yung mga section papa dudut, dun ko nakilala si Lara, naging close kame at laging magkasama, nakakasama rin namen sya
ni Vince nung ok pa kame. Naging kaibigan din namen si Jesa na malapit lang sa bahay ko nakatira kaya nagkakasabay kame pumasok at umuwi. May pagka maldita si Jesa kaya wala
syang masyadong close sa room nila kaya tuwing vacant kame ni Lara ang kasama nya.

Jesa:"Huy Anica sagutin mo na si Loyd."

Lara:"Naku hindi pwede noh! Sila pa ni Vince."

Jesa:"Eh diba nga sabi mo busy na sya lagi, hindi ka na nga nya tinitxt eh, baka mamaya sila na nga nung zela na sinasabi mo."

Lara:"Hindi naman sya sigurado, pano kung busy lang sa pag aaral."

Jesa:"Basta, sige na Anica sagutin mo na si Loyd, pagtripan lang natin."

Hindi ko alam papa dudut, pano kung totoo yung sinasabi ni Jesa na baka nga si Vince at zela na, hindi na nya ko naaalala, habang ako dito nag hihintay at nag iisip.

Alam kong mali papa dudut pero sinagot ko si Loyd, sabi ko hindi naman malalaman ni Vince at hindi ko rin naman seseryosohin si loyd, pampa lipas oras lang para makalimutan ko muna yung distansya samin ni Vince.

Isang linggo na papa dudut simula nung sinagot ko si Loyd at medyo nakakita ako sa kanya ng pagbabago, hindi na sya
nagcucutting classes, hindi ko na rin sya nakikitang nagsisigarilyo sa labas ng school, sinabihan ko kasi syang wag na gawin yung
mga bagay na yun pero wala naman talaga sakin kung sundin nya, pero nakakatuwa na
nakikita ko na nagiging good influence ako sa ibang tao, hinahatid din ako ni Loyd pauwi araw araw pero hanggang dun lang sa labasan namen, ayaw ko kasi na may makakita sa kanya dahil baka malaman ni Vince. Isang araw pag hatid sakin ni Loyd, nakita kame ni Marco,
hindi nya naman kame pinansin at umalis na sya, natakot ako na baka sabihin nya yung
nakita nya at makarating kay Vince. Nagui-guilt na talaga ako papa dudut sa ginagawa ko,
naaawa ako kay loyd kasi parang seryoso na talaga sya, isa pa ayoko na rin lokohin si Vince
kaya inisip ko na kung pano ako makikipag break kay Loyd, humahanap na ko ng tyempo
papa dudut pero parang napaka hirap kasi hindi ko alam kung ano idadahilan ko kay Loyd.

Dear Papa DudutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon