Chapter 14

599 13 4
                                    

Kinabukasan pag dating ko sa Manila, dumeretso kame ng kaibigan ko na si Gena sa school para mag enroll, kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari samen ni Vince.

Gena:"Grabe ka Anica, kawawa naman si Vince, ano ba kasi pumasok sa isip mo."

Anica:"hindi ko rin alam, Pero tapos na eh, naka move on na naman na din sya eh."

Gena;"Naka move on, eh akala ko ba ayaw  ka paalisin kagabi, bakit tumuloy ka pa rin  dito."

Anica;"Oo ayaw nya, pero lagi naman syang ganun pag nakakainom sya, makikipag balikan, pero kinabukasan parang wala lang."

Gena:"Syempre nasaktan yung tao."

Anica:"Alam ko naman yun kaya hindi ako nagagalit kahit paulit ulit pa na maging ganun sya, pero kailangan na namen mag move on, para hindi na kame magkasakitan pa lalo."

Gena:"Pano kung ngayun seryoso na talaga sya, na gusto na talaga nya makipag balikan
sayo at ayusin lahat."

Anica:"Sa tingin ko talaga hindi na."

Gena:"Pano ka nakakasigurado.''

Biglang tumunog ang phone ko papa dudut. Nagtxt si Niel.

Niel:"Anica, pinapa sabi ni Vince na pumunta ka daw dito, sira kasi yung phone nya kaya hindi
ka daw nya matxt.

Nagulat ako papa dudut, bigla akong nagsisi, hanggang sa huli hindi ako nagtiwala kay Vince, hindi ako naghintay na mapatawad nya ko. Kaagad ko inalis yung pag asa sa puso ko,
pero huli na ang lahat, hindi na ko makakapag bago ng desisyon, hanggang sa huli ako pa rin
yung umalis, yung lumayo at nang-iwan.
Hanggang ngayun papa dudut nagsisisi ako kung bakit ko iniwan si Vince, kung bakit ako
natakot noon.

Simula noon hindi na ko naging masaya kagaya kapag kasama ko si Vince, sinubukan ko ulit magmahal papa dudut, nakilala ko si Karl na naging ama ng dalawa kong mga anak, mabait naman si karl at nakikita ko rin na mahal na mahal nya ko, pero hindi ko kayang maging masaya sa kanya, hindi kame nagkakasundo, palagi kameng nag aaway, minsan tuloy hindi
ko maiwasan na ikumpara sa isip ko si Vince at si Karl, hindi na rin kame nagtagal at naghiwalay din kame ni Karl papa dudut, ngayun mag isa kong tinataguyod ang mga anak ko sa tulong ng mga magulang ko, Nag-aaral ako habang nagtra-trabaho sa isang call center. May pamilya na rin si Vince ngayun papa dudut, alam ko na masaya na sya kaya
masaya na rin ako na nakahanap na sya ng mamahalin nya, masaya na rin ako na minsan
naranasan ko mag mahal ng tunay, masasabi ko papa dudut na wala na kong ibang minahal
ng kagaya kay Vince, May mga nanliligaw naman sakin papa dudut pero hanggang ngayun hindi ko pa rin nahahanap yung tao na gugustuhin kong makasama, sapat na sakin sa
ngayun yung mga anak ko, kung sakali man na may dumating ulit sa buhay ko na mamahalin ko, sisiguraduhin ko na handa na ko, na matapang na ako, na kaya ko na talagang magmahal ng kagaya kung pano mag mahal si Vince, dahil kay Vince marami akong
naranasan at natutunan at kahit kelan hindi ko pagsisisihan na nakilala ko si Vince papa dudut, kung noon na wala pang asawa si Vince ay pinapanalangin ko pa rin na sana magkatuluyan kame, ngayun na may asawa na sya, hinihiling ko na lang sa Diyos na sana sa susunod kong buhay ay magkita kameng muli ni Vince, at sana sa panahon na yun makilala nya kong muli at ako muli ang piliin nya, pag nangyari yun sisiguraduhin ko na makikilala sya ng puso ko at hindi ko na hahayaan na mawala sya ulit at tutuparin ko na yung
unfulfilled promise namen na our love against all odds.

Sana lang yung mga makarinig ng kwento ko, wag na silang tumulad sakin, kung kasama nyo yung taong mahal nyo, wag kayong matakot na iparamdam sa kanila yung pagmamahal nyo,
kasi totoo na nasa huli ang pagsisisi, malalaman mo lang to kapag wala na yung isang tao kaya wag nyo nang hintayin pa na mangyari yun, maging matapang kayo na magmahal at magtiwala dahil ito talaga ang
importante sa lahat. Hanggang dito na lang papa dudut, salamat at sana mabasa nyo ito.

P.S, After five years simula nung naghiwaly kame ni Vince papa dudut, naghiwalay kame ni
karl, isa pa lang anak namen that time, nagkaroon ng reunion kaya nagkita ulit kame ni Vince, kaka break nya lang nun sa girlfriend
nya, hiningi ni Vince yung number ko, kaya nagkakatxt kame, araw araw sya tumatawag, gusto nya rin ako puntahan sa bahay namen sa manila pero hindi ako pumapayag kasi kasama ko sa bahay ang anak ko.

Conversation night of the reunion

Vince:"Bakit kayo naghiwalay ni Karl."

Anica:"Hindi kasi kame magkasundo."

Vince:"Ganun ba, Alam mo Anica, naisip ko kasalanan ko kung bakit ka nagka anak kagad."

Anica:"Bakit naman."

Vince:"Kasi pinabayaan kita, kung hindi sana kita hinayaan sana tayo pa rin."

Anica:"Wag na natin isipin yun."

A month after the reunion.

Vince:"Nag apply ako sa call center, natanggap ako."

Anica:"Talaga, eh si Rico?"

Vince:"Hindi eh ako lang nakapasa."

Anica:"Ganun ba sayang naman, edi sana magkasama kayo."

Vince:"Oo nga eh. Anica pwede ba ko pumunta dyan."

Anica:"Ah eh, may pasok kasi ako ngayun eh."

Vince:"Pag uwi mo."

Anica:"Eh marami kasi akong gagawin eh baka hindi rin kita maasikaso."

Vince:"Lagi ka na lang may dahilan, samantalang si Lance ilang beses na nakapunta sa inyo."

Anica:"Busy talaga ako ngayun Vince next time na lang."

Vince:"Alam ko na nagdadahilan ka lang, sabihin mo na yung totoo kung bakit ayaw mo
Anica."

Anica:"Sorry talaga Vince, next time na lang"

Vince:"No Anica, Its now or never."

After that call papa dudut hindi na ulit tumawag si Vince, hindi ko naman masabi sa kanya na kaya hindi ko sya mapapunta sa bahay dahil hindi ako comfortable na makita sya ng anak ko, mag tatatlong taon na kasi yung baby ko that time, and I dont want her to build curiosity regarding to that situation. Sinubukan ko sya i-message sa fb pero ginamit nya sakin yung line ng my amnesia girl na "Kilala ba kita? Nagka Amnesia kasi ako eh." Nakakatawa pero ganun talaga si  Vince papa dudut, after a month nagkagirlfriend na ulit si Vince, isa sa mga officemate nya, yun na din yung nakatuluyan nya ngayun papa dudut, after a year nagkabalikan narin kame ni Karl, at nagbuntis ako sa pangalawa namen na anak.

Yun na po yung end ng story papa dudut, sana
po mabasa nyo sa radio.

Salamat at Gumagalang Anica.

Song for our story The one that got away by Katy Perry

Dear Papa DudutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon