Pag uwi ko sa bahay papa dudut, hindi ko alam kung pupuntahan ko ba si Vince o kung ittxt ko ba sya. Pero bago pa ko magtxt ay
nakatanggap ako ng msg galing kay Vince, ang pinaka masakit na txt msg na natanggap ko papa dudut.Vince; Anica sobrang sakit, sa tingin ko hindi ko talaga kaya, kahit pilitin natin lalo lang tayo
magkakasakitan. hanggang dito na lang talaga tayo, mahal na mahal kita.Dun na nagtapos ang lahat papa dudut, sobrang sakit pero tinanggap ko na lang, mahal ko si Vince pero ako yung nakasakit, ako yung nagkamali, ako yung nanloko, kaya may karapatan si Vince na mag desisyon, kahit
ayoko papa dudut, hindi ko na pinilit yung sarili ko, ayoko kasi na magpatuloy pa yung relasyon namen na napipilitan lang sya, na mahihirapan lang sya. Dahil dun hindi ko na nabigay ang regalo ko papa dudut, hindi na nya nabasa at hindi na rin nya nalaman kung gano sya kahalaga.Nagdaan ang mga araw papa dudut, minsan pag nakakainom si Vince, hinahanap nya ko,
pinupuntahan ko sya, sinasabi nya na mahal na mahal nya ko, na hindi nya ko kayang mawala
nakikinig lang ako papa dudut, kahit sa ganung paraan makabawi ako sa kanya, na nasa tabi nya ko kapag kailangan nya ko, pero kahit ano man ang mapag usapan namen pag nakainom si Vince, binabalewala ko lang papa dudut kasi alam ko na kinabukasan pag ok na sya, babalik din sa dati, hindi ulit kame, kahit masakit na pa ulit ulit umasa na sana totoo na, sana kame ulit, alam ko kulang pa yung sakit na yun sa nagawa ko.Nagdaan ang mga buwan at tuluyan na kameng naging ok ni Vince, parang normal na magkaibigan na lang pag nagkaka usap, minsan magkasama pa rin kame na tumambay sa terris nila, naging kontento na ko na ganun kame, atleast nakikita ko pa rin sya at
nakakasama, hindi nagtagal naging sila ni Zela papa dudut, si Vince mismo nagsabi sakin, kahit masakit, kailangan ko ipakita sa kanya na masaya ako para sa kanya, pero dahil dun huminto na rin akong umasa na magkakabalikan pa kame.Isang gabi nung umuwi si Vince galing Manila, nag txt sya sakin, wala daw kasi syang makausap kaya pumunta ako sa kanila, pero dinala ko yung kwintas na binigay nya sakin, pati yung sumbrero nya, sa tingin ko kasi oras na para mag let go ako samen papa dudut.
Anica:"Kamusta ka na Vince."
Vince:"Ok naman, gumawa kame ng sayaw para sa presentation namen, search mo sa youtube ha."
Anica:"sige. Eh kamusta naman kayo ni Zela."
Matagal sya bago sumagot papa dudut.
Vince:"Ok naman kame, mabait si Zela, parang best friend pa din, na girlfriend, Mama, teacher,
barkada, she can be anything eh.....she's my everything."Parang may tumusok sa puso ko papa dudut nung marinig ko yun, napakapit ako sa upuan,
pinipigilan ko pero alam ko na nangingilid yung luha sa mga mata ko, ang sakit na malaman na nakahanap na sya ng isang babae na malayu sakin, yung babae na masasabi ko talaga na
deserve nya. Humiga si Vince sa lap ko, pero alam ko na gusto nya lang tignan yung mukha ko kaya tumingin ako palayo.Vince:"Tignan mo nga yung pisngi ko, tumataba na ba ko."
Anica:"Ah eh, hindi ko alam, madilim kasi hindi ko masyado maaninag.
Vince:"Sabi kasi nila tumataba na daw ako."
Tumayo si Vince para tumingin sa salamin sa loob ng bahay nila. Pakiramdam ko hndi ko na
kayang pigilan yung luha ko kaya umalis na kong hindi nagpapaalam, iniwan ko sa upuan yung sombrero ni Vince kasama ng kwintas na binigay nya. pero hindi pa ko nakakalayo ay tinawag ako ni Vince.Vince:"Anica. San ka pupunta."
Anica:"Uuwi na ko Vince, late na kasi, iniwan ko na pala jan yung sumbrero mo."
Nakita ko na may binibigkas si Vince sa mga labi nya, pero hindi ko yun marinig papa dudut,
naglakad na ko pero pag lingon ko nakita ko na nakatayo pa rin si Vince, pinagmamasdan ako
habang papalayo ako. Siguro ayun na ang huling paalam ko sa kanya, papalayain ko na sya sa puso ko, tatanggapin ko na na
hanggaang magkaibigan na lang kame, na hindi na mababalik lahat sa dati. Masakit pero
kailangan kong tanggapin para na rin sa sarili ko. alam ko na masaya na si Vince, hindi man
dahil sakin, ang importante ok na sya, at ok na rin ako dun papa dudut.Amy Pearson - Wish I was her
Rhiana
![](https://img.wattpad.com/cover/111049914-288-k197615.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Papa Dudut
RomanceI wrote this story and sent to the radio program of papa dudut Baranggay Love story, still hoping that one day it'll get the chance to be read in the radio, Gusto ko kasi talagang mabasa to nung nasa story, so he will know my hidden feelings inside...