After what happened to Brens, nakipag balikan pa rin sya sakin, sinabi nya na nagawa lang naman nya yun dahil sa sama ng loob nya sakin, naiintindihan ko naman si Brens, pero kaya ko lang sya tinanggap ulit kasi gusto ko lang patunayan kay Lynda na ako pa rin mas pipiliin ni Brens.
Feb 14 papa dudut, kung sakaling hindi kame nag hiwalay ni Vince, first Valentines date ko sana yun. mga bandang 11:30 ng gabi kakauwi ko lang galling Manila, hinatid ako ni Brenz after namen kumain sa labas, nagtxt sakin si Rachelle.
Rachelle:"Anica, punta ka dito sa bahay nila Vince."
Anica:"Bakit?Gabi na."
Rachelle:"umiiyak si Vince, hinahanap ka lasing na naman nag inom kasi sila ni Niel."
Matagal na papa dudut simula nung nag lasing si Vince at hinanap ako, hindi ko alam kung
bakit, alam ko kasi naka move on na sya, kaya nagtataka ako kung bakit nya ko pinapapunta.Nakita ko na nakaupo si Vince sa tapat ng pinto. Suot nya yung kwintas at yung sumbrero
nya na sinauli ko nuon.Anica:"Bakit Vince."
Vince:"Hindi ko rin alam eh."
Anica:"Bakit nga, bakit ka umiiyak."
Vince:"Dahil sayo, kasi kahit pinipilit kong kalimutan ka hindi ko magawa, kahit na sinaktan mo ko."
Vince:"alam mo ba yung kantang 6,8,12. Lagi kong pinapakinggan yun, alam mo ba na its been 6 months 8 days 12 hours simula nung nag break tayo."
Hindi ako umiimik papa dudut, nakinig lang ako kay Vince, alam ko kasi na ganun talaga sya pag nakainom, alam ko na bukas lang din wala na sakanya tong pinag uusapan namen.
Vince:"Tumingin ka sa mesa Anica,Ano nakikita mo."
Anica:"Flower base."
Vince:"Flower base na may lamang tatlong rose, dalawang white rose at isang Peach na
rose.....""...it symbolizes 3 girls in my life, at ikaw yung peach rose, humingi kasi ako ng sign na kung kanino yung mag bloom hanggang feb 14, sya talaga yung para sakin....."
".....Nakakainis kasi sayo lang yung nagbloom, natuyo yung dalawa. I didnt hope na sayo yung magbubloom, kasi you hurt me though i gave you all my best, unlike the other two, they show
me how important I am. ang sakit anica, I want to curse this feeling na mahal pa rin kita. kahit hindi mo ko pinahalagahan."Sobrang sakit marinig papa dudut, na gusto nyang mawala yung nararamdaman nya, na
hindi nya gusto na ako yung tinuro ng hinihingi nyang sign,pero wala akong magawa, kasi kasalanan ko talaga, parang paulit ulit ko na lang mararamdaman to, paulit ulit ko babalikan yung pagkakasala ko sa kanya, na wala nang kapatawaran yung nagawa ko. Lumapit sakin si Vince at niyakap ako papa dudut, paulit ulit lang ako nagsosorry sa kanya.
Ayoko umasa papa dudut, kahit niyakap nya ko at sinabi nya na mahal nya pa rin ako, alam ko
kasi na kinabukasan wala na ulit yun, at tama nga ako papa dudut, balik kame sa normal, nagkakamustahan pag nagkikita, pero hanggang dun na lang. Kahit hinihiling ko sa Diyos na sana totoo yung sign na hiningi ni Vince, na para talaga kame sa isat isa, na sign na rin yung hindi ko pa sya kilala pero nung una ko pa lang syang makita eh kusa syang tinitignan ng mga mata ko na para bang kilala sya hindi man ng isip ko pero ng puso ko,
naisip ko nga noon na tinadhana talaga kame pero ngayun parang malayo ng mangyari yun papa dudut, kasi parang hindi ko naman kayang higitan o tapatan man lang yung mga ginawa ni Vince para sakin, kaya hanggang
tanaw na lang ako sa mga ngiti nya sa malayo papa dudut.Paglipas ng ilang buwan, nalaman ko na rin na hiwalay na si Vince at Zela. pero hindi ako
umasa na magkakabalikan pa kame, tapos na ang klase at magbabakasyon na, nagdeside
ako na sa manila na lang ako mag-aaral, dun sa ate ko, gusto ko na rin kasi kalimutan si Vince
papa dudut. Pagka kuha ko ng card ko ay nagpa despedida sila Niel kasi alam nila na aalis na ko, uminom kame sa bahay nila, nandun din si Vince nung araw na yun, sabi ko sa sarili ko baka ito na yung huling araw na
magkikita kame ni Vince, wala na rin kasing bahay dun ang tita ko kaya wala na kong dahilan para pumunta dun. Naging masaya naman ako, tiniyak ko talaga na maging memorable yung gabi na yun, pinilit ko isave sa memory ko yung itsura ni Vince, yung mga ngiti nya, pati yung boses nya habang
kumakanta sya para mabaon ko sa pag alis ko papa dudut.Umuwi saglit si Vince sa bahay nila, dahil dun nagdesisyon na rin ako na umalis, hindi ko kasi
kayang magpaalam sa kanya kaya kahit umaambon ay umalis na ko. Habang naglalakad ako nakasalubong ko si Brenda na
kasama si Erwin na boyfriend nya that time.Erwin:"San ka pupunta Anica, Umaambon ah."
Anica:" Uuwi na ko, Gabi na kasi."
Erwim:"Mamaya na patilain mo muna yung ambon."
Anica:"Ok lang, ambon lang naman, cge una na ko."
Sinadya ko talagang maglakad sa ambon papa dudut, mas gusto ko nga na lumakas yun para makaiyak ako, naalala ko tuloy yung araw na sinasabi ni Vince na nakita nya ko habang umuulan, yun daw yung araw na na inlove sya sakin, hindi nya alam na umiiyak ako nung mga
oras na yun, at kagaya ngayun karamay kong muli ang ulan sa pag luha ng mga mata ko.Habang naglalakad ako at inaalala yung masasayang nangyari samen ni Vince nagtaka ako na hindi na ko nababasa ng ambon, hanggang nakita ko papa dudut na katabi ko na pala si Vince, hawak hawak nya yung payong na dala ni Erwin.
Vince:"San ka pupunta, anghilig mo talaga umalis ng hindi nagpapaalam."
Anica:"Ah. Uuwi na ko, gabi na kasi, maaga pa ko aalis bukas."
Vince:"San ka pupunta bukas."
Anica:"Sa manila, dun na ko mag aaral diba."
Vince:"Ayoko."
Anica:"Ano."
Vince:"Sabi ko ayoko. Pupunitin ko yang card mo."
Anica:"bakit."
Vince:"Dito ka na lang, wag mo na ko iwan."
Anica:"Bakit pa, eh wala na nga tayo diba."
Vince:"Ayusin na natin to Anica, alam mo naman na mahal pa rin kita diba."
Anica:"Ako din Vince mahal din kita, pero sobra na yung nagawa ko sayo kaya siguro kailangan ko na lumayo."
Vince:"Please Mhie, wag ka na umalis, wag mo na ko iwan, mahal na mahal kita at hindi ko
kaya na tuluyan kang mawala sakin."Dahil dun papa dudut, nangako ako kay Vince na hindi na ko aalis papuntang Maynila, nangako rin sya na aayusin na namen to, sabi nya pa pinapatawad nya na ko. Hinatid na ko ni Vince sa bahay papa dudut, bago ako pumasok
ng bahay sinuot nya sakin yung kwintas na binalik ko sa kanya.
Pero sa paghiga ko ay pinag isipan ko mabuti yung desision ko papa dudut, mahal ko si Vince at ayoko rin malayu sa kanya pero baka kasi hindi ako tumuloy sa Manila pero hindi pa rin pala totoo na ok na kame ni Vince, baka nasabi nya lang yun kasi nakainom sya, baka pagsisihan ko lang pag hindi ako tumuloy, kaya naging desidido na ko na lumuwas ng manila papa dudut, sapat na sakin na minahal ako ni Vince, kung para talaga kame sa isat isa magkikita
kame ulit, yun na lang ang inisip ko papa dudut.Kelly Clarkson-Already Gone

BINABASA MO ANG
Dear Papa Dudut
RomantizmI wrote this story and sent to the radio program of papa dudut Baranggay Love story, still hoping that one day it'll get the chance to be read in the radio, Gusto ko kasi talagang mabasa to nung nasa story, so he will know my hidden feelings inside...