Chapter 12

411 8 0
                                    

Makalipas ang ilang buwan nakilala ko si Brens na kaibigan ni Eric, wala naman akong
nararamdaman para kay Brens pero naisip ko na baka makatulong sya na maka move on ako kay Vince, napadalas ang pag sama ko kay Eric Jesa at Brens pero lagi pa rin sumasagi sa isip ko si Vince, isang araw pinakilala ko si Brens kela Niel, nandun din si Vince, Moli, Lynda at Olsen na kapatid ni Niel.
Aminado ako papa dudut na kaya ko pinapunta si Brens kasi gusto ko makita kung may
pakelam pa sakin si Vince pero tila wala na nga.

Nung gabi na , pinauwi ko na si Brens pero ayaw pa nya halos umalis kaya nainis ako, medyo nagtalo pa kame.

Brens:"Maya maya nang onti,wala kasi akong kasama sa bahay umalis si Eric."

Anica:"Umuwi ka na gabi na, uuwi na rin ako."

Brens:"Maya maya na."

Anica:"Ano ba Brens, baka mapagalitan pa ko eh, umuwi ka na kasi."

Brens:"Sige na. Uuwi na ko."

Olsen;"Tara Anica samahan na kita ihatid si Brens."

Anica:"Wag na ako na lang."

Olsen:"Sige na samahan na kita, gabi na."

Ayoko nung una pero pumayag na ko na samahan ako ni Olsen dahil sasama rin naman si Lynda na girlfriend ni Olsen. Medyo
nagpaparamdam din kasi sakin si Olsen nun papa dudut pero hindi ko pinapansin dahil dalawa ang girl friend nya that time, bukod dun hindi rin ako yung tipo na papatol sa naging
kabarkada ko na.

Naglakad na kame papa dudut at nung makarating na kame sa kanto, natagalan kame sa paghihintay ng masasakyan dahil nga sa gabi na, lalo tuloy ako naasar kay Brens.

Anica:"Kanina pa kasi kita pinapa uwi! ayan tuloy wala ka nang masakyan."

Brens:"Mag tri-tricycle na lang ako."

Anica:"Malayo pa dito yung pilahan, chaka bihira na rin ang tricycle na pumipila pag ganitong oras, kasi dapat kanina ka pa umuwi eh."

Sobrang asar ko papa dudut kahit nandun sila Olsen, inaaway ko pa rin si Brens.Maya maya pa ng onti may dumating na tatlong
lalaki, pinalibutan si Olsen.

Lalake 1:"Ito ba yun pre, yung sinasabi ni Venus."

Lalake 2:"Oo pre yan yun."

Lalake 3:"Eh loko pala to eh, upakan na natin."

Inambaan ng lalake si olsen kaya hinarangan namen ni Lynda, hindi sila nagpa awat, pero
dahil sa pag harang ko nakatakbo si Olsen, nakita ko naman si Lynda na inaawat yung sumusuntok kay Brens, tila nakalimutan ko si Brens kasi nasa isip ko ang puntirya nung mga lalake ay si Olsen. pag alis ni Olsen umalis na rin yung mga lalake, sinundan na ni Lynda si
Olsen. Dahil sa nangyari lalo pa ko nagalit kay Brens.

Anica:"Ayan kasi ayaw mo pa umuwi, pati tuloy si Olsen nadamay sayo, kung kanina ka pa umuwi edi sana kanina ka pa nakasakay."

Hindi na nagsalita si Brens, hanggang nakasakay na rin sya. Pag uwi ko sa bahay naalala ko na dala ni Lynda yung pouch ko
kung san nakalagay yung phone ko, dahil gabi na, pinagpa bukas ko na lang ang pag kuha ng phone ko. Birthday nun ni Olsen, nahihiya ako kasi dahil kay Brens nabubugbog pa si Olsen,
kaya kahit ininvite ako ni olsen hindi ako pumunta. Pag kuha ko ng phone ko kay Lynda nabasa ko na nagkatxt sila ni brens.

Brens;"Bakit sya ganun, hindi man lang sya nag alala, pati rin naman ako nabugbog, hindi man lang nya ko tinanong kung nasaktan ba ko. hindi nya naiisip na gusto ko lang sya makasama kaya ayoko pa umuwi pero parang hindi nya na appreciate yun."

Lynda:"Oo nga grabe si Anica, hindi man lang sya umawat nung nabugbog ka."

Nainis ako kay Lynda na tila ginatungan pa yung sama ng loob ni brens sakin, pero parang
wala talaga akong pakelam kay brens papa dudut, hindi man lang ako nagtxt sa kanya para
mag sorry, alam ko lang kasalanan nya lahat yun kaya ganun ang nangyari.

Kahit birthday nun ni Olsen, hindi ako pumunta papa dudut, kahit alam ko na hindi naman
invited sila Lynda dun dahil pupunta yung Legal na girlfriend ni Olsen at Niel, magkapatid din si Rachelle at Lynda papa dudut, pero kahit mas nauna si Rachelle keysa sa bagong girlfriend ni Niel, tila sya pa yung pangalawa,
hindi sya makapunta kapag nanjan si Patricia na bagong girlfriend ni Niel.

Nung hating gabi na papa dudut, tulog na lahat ng tao samen, bigla akong ginising ng papa ko
kasi may naghahanap daw sakin, pag labas ko ng pinto nakita ko si Moli na umiiyak.

Anica:"Oh Moli bakit."

Moli:"Binugbog kasi nila si Brens."

Anica:"Ano."

Moli:"Sila Olsen at Lance, pati si Frank, binugbog nila s Brens."

Anica:"Bakit?"

Moli:"Kasi nakita nila si Lynda at Brens kaya binugbog nila si Brens."

Hindi ko na masyado maintindihan si Moli, lasing na kasi sya nun at panay ang hikbi kaya pinauwi ko na sya, hindi ko alam kung ano ang nangyari pero parang wala akong pakealam papa dudut.

Kinabukasan pumunta ako sa bahay nila Niel.

Olsen:"Grabe yun si brens Anica, Tinulugan lang ako, walang pake sa suntok ko diba Lance."

Lance:"Oo nga eh, ginigising nga namen ayaw gumising parang naghihilik na."

Anica:"Bakit ba ano ba nangyari."

Olsen:"Nakita kasi nito ni Lance na naghahalikan si Brens at Lynda kaya sinapak nya si Brens."

Anica:"Bakit ba kasi pumunta dito si Brens."

Niel:"Hindi rin namen alam, kahit nga sila Moli pumunta din kahit hindi naman namen sila
pinapunta tapos nagulat na lang kame kasama nila si Brens, Tinanong ko pa nga si brens
kung nasan ka sabi nya nasa manila ka daw. Bakit ba kasi hindi ka pumunta."

Anica:"Nahihiya kasi ako kay Olsen nabugbug sya nung isang gabi."

Olsen:"Sus dapat pumunta ka pa rin, kung sila nga na hindi naman pinapapunta eh pumunta. Natatawa nga ako kasi umaawat din si Moli, ngawa sya ng ngawa kala mo sya yung
girlfriend."

Hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako nasaktan papa dudut mas naramdaman ko pa
yung galit at pride ko na hindi ko matanggap na niloko ako ni Brens, nakipag hiwalay na din ako nun kay brens papa dudut, aminado naman kasi ako na wala talaga akong nararamdaman
kay brens, may itsura kasi si brens kaya gusto ko lang ipakita kay Vince pero parang wala
naman sa kanya.

Marami na rin ang nangyari papa dudut, tuluyan na kameng hindi nakapag usap ni Vince, busy na sya sa school, hindi na rin sya laging umuuwi sa kanila. unti unti na rin akong
nasasanay, minsan tinitignan ko pa rin ung friendster nya, nakikita ko na nag popost sya
ng picture ni zela, nung chineck ko yung album ko sa profile nya nakita ko na wala na lahat ng
picture ko, natira na lang yung picture ng pamangkin ko na favorite nya. Wala na talaga,
kinalimutan na ko ni Vince.

Six part Invention - Time Machine.

Dear Papa DudutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon