4 months na kame ni Marco ng nagsimulang magbago ang ihip ng hangin, dumating yung
time na nagkakalabuan na kame ni marco. Hindi na sya sweet sakin bihira na magtxt, minsan na lang din pumunta sa tambayan or sumama sa
visiting and community service. naghinala na ko nun papa dudut, kasi hindi ako sanay, wala rin akong idea kaya sobrang gulo ng isip ko, naranasan ko pa nga na maligo sa ulan sa kagustuhan ko umiyak, galing kasi ako ng manila, hapon noon nung
makauwi ako, hindi ako nirereplyan ni Marco, dahil basa na rin ako sa ulan, naglakad ako papunta sa tambayan, nakita ko si Vince isa sa mga brad, nakaupo sya sa terris nila na hindi kataasan kaya tanaw ko, medyo nakakahiya yung suot ko kasi mukha akong basang sisiw."Vince, Nakita mo ba sila risa? Hinahanap daw kasi nila ko sabi ng tita ko."
"Hindi eh."
Medyo nahihiya akong tanungin si Vince pero si Marco talaga ang hinahanap ko.
"Ah. Eh si Marco ba pumunta na dito."
"Hindi eh."
Dahil sa igsi ng mga sagot nya lalo tuloy akong nahiya at nagdesisyon na lang na umalis. Pag dating ko sa bahay ay nandun na sila Risa sa bahay na basa din kagaya ko kaya pinaheram ko sila ng damit.
Iniisip ko pa rin kung bakit ako iniiwasan ni Marco, kung may mali ba ko na nagawa then
one of my friend na si Rachelle na ex din ni marco ang nagsabi na my ibang nakakatxt c Marco, nagulat ako kasi nalaman ko na yung classmate ko yung bago nyang gf, nakilala nya dahil sa txt clan, what a small world diba, si
marco pa mismo nakipag break sakin. Sobrang lungkot ko at the first week, akala ko matagal mag move on kasi first love, i doubt it tuloy siguro puppy love lang. Dahil dun naging close ko si Lance, my new found bestfriend papa dudut, kasali rin sya sa fraternity, though alam ko na he likes me kasi napaka transparent nya sakin, lahat ng gusto nyang sabihin sinasabi nya, but because of that naging totoo din ako sa kanya, na hanggang friend lang talaga kame, di nya tinanggap yun papa dudut pero wala syang
nagawa, hindi kame nag iwasan, lagi pa rin kameng magkasama kahit lagi kameng nag aasaran, naging ganun ang friendship namen medyo kakaiba pero masaya kame.Kahit hiwalay na kame ni Marco, lagi pa rin kame nagkikita sa tambayan, sa mga lakad, Pero si Lance na ang lagi kong kasama, dahil din dun naging close ko ang iba pang mga brad, naatasan pa nga ako na maging leader ng sorority papa dudut, na kinagalit ng ibang mga sis na nauna saking sumali. Hindi ko rin alam
papa dudut kung bakit ako pinili ng founder namen, nagalit tuloy sakin si Moli na gustong gusto maging leader ng sorority. Pero
sinasabihan ako ng ibang mga brad na wag syang intindihin.Neil: "wag mo sila intindihin Anica, kung ganun si Moli, mas pinapakita nya lang na hindi sya
dapat maging leader ng sorority."Anica: "Kaya lang kuya Niel mas nauna naman sakin si Moli kaya sa tingin ko sya yung dapat maging Leader."
Frank(founder): "Kaya hindi ko pinili si Moli kasi nakikita ko na matigas ang ulo nya, ngayun pa nga lang pinapakita na nya kaya
wag mo na sya intindihin."Dahil nagalit sakin si Moli, nagalit din sakin ang ibang mga sorority dahil mas close nila si Moli na kababata nila samantalang ako ay bago lang
nilang kakilala, dahil dun lumayo ang loob ko sa mga sorority at mas naging close ko ang mga brad, lagi ako sumasama sa kanila sa mga visiting sa ibang chapter, natuto na rin ako uminom papa dudut.One afternoon nakatambay kame sa bahay nila Vince, medyo close ko yung kuya nya kaya ka-kwentuhan ko yun minsan.
Ray: "Anica what if nag i love you sayo yung nililigawan mo ano ibig sabihin nun,"
medyo natawa ako kasi ang laking tao ni kuya Ray pero halata ko na kinikilig sya sa katxt nya na sinasabi nya sakin.
Anica:"edi malamang sinasagot ka na nya, pero linawin mo muna mahirap maging assuming."

BINABASA MO ANG
Dear Papa Dudut
RomansaI wrote this story and sent to the radio program of papa dudut Baranggay Love story, still hoping that one day it'll get the chance to be read in the radio, Gusto ko kasi talagang mabasa to nung nasa story, so he will know my hidden feelings inside...