Pag gising ko kinabukas, nagulat na lang ako, may misscalls and txt msg sakin na hnd naka save sa phone book ko. Pag open ko ng msg papa dudut, nagulat ako. kasi may nagtxt sakin kino-confirm kung totoo ba na ako yung bagong girlfriend ni Vince, hindi ako nagreply kasi hindi ko naman alam sasabhin ko, hindi naman kasi seryoso yung kagabi, naisip ko na baka si Moli ang nagsabi dahil dun sa nilaro namen kagabi.
Bago magtanghalian tumawag yung girl sakin kaya no choice na ko kundi sagutin, girlfriend pala
yun ni Vince sa ibang chapter kaya kilala ako.Cherry: "hello si cherry to, taga Bacoor council. Si Anica ba to?."
Anica: "Oo ako nga.uhm bakit po?"
Cherry: "Nakipag break kasi sakin si Vince kagabi, sabi nya kayo na daw kasi."
Anica: "Ha? Eh. Ano. Kasi."
Hindi ko alam kung ano sasabihin ko papa dudut, alam ko naman kasi na hindi seryoso
yung usapan namen kagabi kaya nagulat talaga ako.Cherry: "Ok lang Anica, Gusto ko lang malaman, Alam ko naman kasi talaga na may ibang girlfriend si Vince bukod sakin pero hindi naman sya nakikipag break sakin kaya nagulat na lang ako na nakipag break sya bigla"
Hindi ko talaga alam ang isasagot ko papa dudut kaya pasalamat ako na hindi nya ko
inaway at sya na rin nag end ng call. Nagulat ako kasi una totoo pala na may mga girl na payag ng ganung set up, pangalawa,
nagtaka ako kasi bakit nakipag break si Vince eh hnd naman seryoso yung usapan namen
kagabi, natakot tuloy ako na baka seryoso nga sya. hindi ko na sinabi kay Vince yun kasi baka lumaki pa ulo nya pag nalaman nya.Nalaman na rin ng iba at ni Moli na kame na ni Vince kaya lalo na syang nagalit sakin, nag-kampihan sila ng iba pang mga sis ng sorority, guilty ako papa dudut pero hindi ako papayag na basta na lang ako kayan kayanin nila Moli at ng mga kaibigan nya. Dahil dun wala na ko nagawa kundi panindigan yung sinabi ko, pero i tried not to be attached to Vince papa dudut, kasi hindi talaga ako naniniwala na seseryosohin nya ko, lagi ko pa rin kasama si Lance, sinusundo ako ni Vince sa school dala yung motor nya pero pinipili ko pa rin sumabay sa mga friends ko, kasi hindi talaga ako sigurado, para bang naka guard on ako, ayoko na kasi maulit sakin yung ginawa ni Marco, lalo na na nakilala ko si Vince as a Playboy.
One time nagtxt sakin si Moli, inaya nya ko magusap sa bahay nila Rachelle, kaya after school pinuntahan ko sya, sinamahan ako ni Danica. Pag dating namen lasing sila, kasama nila si Mica. Nasaktan ako kasi naging close na kame ni Mica pero mas pinili nya pa rin sila Moli kasi kababata nya yun, napalapit na rin naman sakin sila Moli kaya lang simula pa lang talagang alam ko na hindi ako gusto ni Moli.
Akala ko usap lang pero inaway nila ko, pinagtulungan nila ko, hindi nman nila ko sinaktan pisikal pero puro masasakit na salita ang sinabi nila sakin.
Moli: "Ano Anica, Masaya ka na! Sayo na lahat, ikaw na nga naging Leader ng sorority tapos
pati si Vince kinuha mo pa."Anica: "Sorry hindi ko naman alam na seryoso si Vince."
Moli: "Hindi mo alam, Pero alam mo na gusto ko si Vince diba, dapat inisip mo rin ako.
Malandi ka kasi bait baitan ka lagi, pakitang tao sa mga brad."Sobrang sakit ng mga sinabi ni moli papa dudut, pati si rachelle at mica yun din ang sinasabi sakin, tanging si Danica lang ang
nagtatanggol sakin. Dahil dun papa dudut hindi ko na napigilan umiyak at sumagot.Anica: "Hindi ko naman alam na magkaka ganyan ka Moli, isa pa hindi naman kayo ni Vince, chaka hindi naman ako nag desisyon na maging leader ng sorority, nandun ka at alam
mo na si Frank ang nagdesisyon nun kaya wala kayong karapatan pag salitaan ako ng kung ano ano dahil wala akong ginawang masama sa inyo."
BINABASA MO ANG
Dear Papa Dudut
RomanceI wrote this story and sent to the radio program of papa dudut Baranggay Love story, still hoping that one day it'll get the chance to be read in the radio, Gusto ko kasi talagang mabasa to nung nasa story, so he will know my hidden feelings inside...