After a few days, bumalik na ko galing manila, balik ulit sa dati papa dudut, sinusuyo ako ni
Vince, nagpapaliwanag, minsan iinom, tapos iiyak, sinabi ko sa kanya na tama na tigilan nya
na ko pero hindi pa rin sya tumigil, hanggang kinausap na ko ni niel.Niel: "Anica, Patawarin mo na si Vince, hindi ka naman talaga nya niloko, girlfriend ko talaga si
Valerie, bigla lang kasi dumating si Rachelle kaya sinabi ko sa kanya na si Vince ang kakilala ni Valerie."Yun din ang paliwanag sakin ni Vince pero hindi ako naniniwala, Pano ako maniniwala kung nalaman ko na nagkukuntyabahan silang
dalawa, hindi madaling malaman kung nagsasabi sila ng totoo kasi handa silang pagtakpan ang isat isa.Niel:" Papapuntahin ko dito si Valerie para makausap mo ng maniwala ka sakin, pero dapat kausapin mo na rin si Vince."
Sumangayon ako kay Niel, nagpunta kame sa bahay ni Vince, pinapunta nya rin si Valerie
Valerie:" Hello ikaw si Anica? Nabanggit sakin ni Niel na nag away daw kayo ni Vince dahil
sakin. Pasensya ka na ha, Dame nga kwento nito ni Vince tungkol sayo, parang kilalang kilala na tuloy kita."Anica:"Ah. Eh, uhm ganun ba."
Valerie:"Oo. Minsan na o.o.p nga si Niel pag nagkwekwento si Vince."
Masasabi ko na may pagka weirdo si Valerie papa dudut at may pagka feeling close, pero
naguilty ako papa dudut para kay Rachelle at kay Vince, Nung akala ni Rachelle na niloloko
ako ni Vince,agad nyang sinabi sakin kaya nag isip na din ako kung paano ko sasabihin sa kanya, mas close ko si Niel keysa kay Rachelle pero hindi dun ang timbangan papa dudut kundi kung ano ang tama. Na guilty rin ako sa mga nagawa ko kay Vince, sobra sobra yung nagawa ko sa kanya dahil hindi ako nakinig,
hindi ako naniwala, pinagtulakan ko kagad sya,
hinusgahan dahil sa pagkakakilala ko sa kanya
noon, naisip ko kung bakit ko nagawa sa kanya yun, bakit hindi ako nagtiwala, bakit madali akong naniwala sa iba at hindi kay Vince.Niyakap ko si Vince sa likod at nagsorry ako papa dudut.
Anica:"Dhie.. Sorry."
Hindi ako sanay na tawagin syang Dhie sa personal pero dahil may mabigat akong
kasalanan kaya dapat magpakabait ako.Vince: "Ikaw naman kasi wala kang tiwala sakin, Tingin mo ba ipagpapalit kita dun eh parang
mas malakas pa sapak nun sa utak kesa sayo."Anica:"Ano! Grabe ka! eh kung may sapak pala ko eh bakit mo pa ko binalikan."
Vince;"Oh hindi pa kita napapatawad inaaway mo na ko kagad, ganyan ba nagsosorry."
Anica:"Hindi na joke lang ikaw naman."
Vince:"Halika nga dito, kung kani kanino ka kasi nakikinig eh. Namiss tuloy kita, Ilang araw
ako hindi makatulog dahil sayo."Mas lalo tuloy nakaka guilty ung mga ginawa ko papa dudut nung ganun lang ako kadali patawarin ni Vince, kita ko sa mukha nya yung pagka puyat, ayoko isipin na dahil sakin yun kahit yun ang sinasabi nya. Ano ba kasi nakita
sakin ni Vince, magaganda naman yung mga naging girl friend nya, hindi kagaya ko na may pagka krung krung. ginagaya nya lang ata yung mga napapanood nya sa movie na mas type nung lalaking bida yung may mga sayad na babae, tingin ko kasi sa totoong buhay mas gusto ng mga lalaki yung matalino, maganda at matino mag isip, hindi kagaya ko na isip bata.Simula nun minsan na lang kame tumambay sa bahay nila Lani, nasa bahay na lang kame lagi ni
Vince kasama si Niel at Valerie, ayoko maging close si Valerie kasi feeling ko bini-betray ko si
Rachelle, although sinabi ko na kay Danica na sabihin nya kay Rachelle yung nalaman ko,
hindi ko alam kung bakit wala man lang move na ginawa si Rachelle at sila pa rin ni Niel.
BINABASA MO ANG
Dear Papa Dudut
RomanceI wrote this story and sent to the radio program of papa dudut Baranggay Love story, still hoping that one day it'll get the chance to be read in the radio, Gusto ko kasi talagang mabasa to nung nasa story, so he will know my hidden feelings inside...