Chapter 9

379 7 0
                                    

Dumating yung araw ng Birthday ni Vince. Bumili ako ng malaking greeting card na mas malaki pa sa folder, para iregalo kay Vince,
sinulatan ko ng messege ko para sa kanya, lahat ng hindi ko masabi sinulat ko dun.Hindi
ako magaling gumawa ng messege, bukod dun hindi rin ako maganda magsulat papa dudut pero sinubukasn ko, nilagyan ko rin ng picture
namen dalawa. kaya yun ang naisip kong regalo kasi gusto ko na malaman ni Vince kung
gano sya kahalaga sakin and gusto ko rin mai- tressure nya yung nararamdaman ko para sa
kanya. Meron din kasi syang sinulatan na diary nung mga araw na wala ako, pero puro tungkol sakin yung laman kya kinuha ko, nung una gusto ko lang basahin pero hindi ko na binalik kay Vince, tinago ko na sabi ko gumawa na lang sya ulit.

Hindi pa rin nagttx sakin si Vince papa dudut pero pinagdadasal ko talaga na sana umuwi sya kaya hindi ako pumasok sa
school.

Laking tuwa ko papa dudut ng dumating si Vince sa bahay para sunduin ako, naka uniform pa sya, namiss ko talaga sya papa
dudut, parang lalo pa syang naging gwapo dahil sa uniform na suot nya. Pumunta kame sa
bahay nila, nag handa kasi yung mama nya and may mga bisita rin sya.

Vince:"Anica si Lara hindi ba pupunta? In-invite ko kasi sya nung nakaraan eh."

Anica:"Ah. baka hindi sya pupunta, Malamang pumasok yun."

Vince:"Oh malapit na uwian nyo ah, sunduin kaya natin."

Anica:"Wag na.''

Vince:"Sige na sunduin na natin."

Anica: "Wag na itxt na lang natin."

Vince:"Sige txt mo na."

Wala sa isip ko na mag-aaya si Vince na sunduin namen si Lara sa school kaya kinakabahan talaga ako papa dudut. Baka kasi
makita kame ni Loyd at malaman ni Vince.
Balak ko na talaga makipag hiwalay kay Loyd pero ayoko malaman nya na niloko ko sya.
Hawak ni Vince yung phone ko habang hinihintay nya yung txt ni Lara, pero nung hindi nagreply si Lara, wala na ko nagawa kundi pumayag na pumunta sa school, sana lang
talaga at makita namen kagad si Lara.

Habang papunta kame sa school, may nadaanan kame na mga kakilala ni Vince kaya
huminto kame saglit, Pinakilala ako ni Vince sa mga kaibigan nya bilang girl friend nya, natuwa
ako papa dudut, para bang lahat ng nawala samen habang magkahiwalay kame ay muling
nagbalik, naisip ko na mali na naman ako sa pagdududa ko kay Vince, pero ngayun may nagawa akong kasalanan sa kanya sa sobrang kakaisip ko pero desidido na ko na ayusin to.

Pag dating namen sa school, sinabi ko kay Vince na iparada nya na lang yung motor malayo sa gate para hindi kame mahirapan umalis kapag naglabasan na yung mga
student, pero ang totoo papa dudut iniiwasan ko lang talaga na makita kame ni Loyd.

Nasa harap na ko ng gate ng magsimulang maglabasan ang mga student. Laking gulat ko
ng nakita ko si loyd iiwas sana ko pero agad syang lumapit sakin.

Loyd:"Huy anica, bakit hindi ka pumasok?"

Anica:"Ah. Kase birthday ng Barkada ko. ahmm nakita mo ba si Lara"

Loyd:"Hindi eh, akala ko nga magkasama kayo kasi pareho kayo hindi pumasok."

Anica:"Ah ganun ba sige alis na ko."

Loyd:"Teka hatid na kita."

Anica:"Ha? Eh. wag na, Kasama ko yung barkada ko nakamotor kame."

Loyd;"Saan?"

Vince:"Mhie ano tara na. Baka hindi talaga pumasok yun."

Nagulat ako ng biglang umakbay sakin si Vince papa dudut, hindi ako nakapag salita, nakita ko na maluha luha yung mata ni loyd na nakatingin lang samen.

Vince:"Uy loyd, ikaw pala yan. Long time no see ha."

Isa pang kinagulat ko papa dudut ng malaman ko na magkakilala sila, nag kamayan pa sila papa dudut pero halata ko sa mukha ni Loyd na gulat na gulat talaga sya.

Umuwi na kame ni Vince sa bahay nila papa dudut, mukhang wala naman syang nahalata,
Naawa ako kay loyd papa dudut, kita ko kasi na nasaktan sya, hindi ko alam na magiging ganun ang reaksyon nya papa dudut.

Naparami ang inom ni Vince papa dudut kaya naging Makulit sya, hindi ko alam pero parang
kakaibi talaga sya nung araw na yun, siguro masaya lang talaga sya kasi birthday nya, dahil sa pagka lasing ni Vince papa dudut hindi ko na nabigay sa kanya yung regalo ko, hindi ko rin kasi alam kung pano ko ibibigay,
nahihiya kasi talaga ako sa sulat ko chaka baka isipin nya ang baduy ng mga sinasabi ko.

Dear Papa DudutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon