Chapter 4

632 8 0
                                    

March na, maaga nag end yung klase papa dudut kaya nagbakasyon ako kasma ang family ko for one week sa bulacan since aalis na din
ang mama ko para mag trabaho sa abroad.
Kaya lang nagka tigdas ako pag dating dun papa dudut kaya hindi rin ako nag enjoy, nasa
kwarto lang ako lagi kasi baka makahawa ako, hindi rin kame nakakapag txt madalas ni Vince
kasi laging masama ang pakiramdam ko at gusto ko lang lagi matulog. pag uwi ko galing
bulakan magaling na ko. nagttxt sakin si Danica kung ok na ba ko kasi may kailangan daw ako
malaman, hindi ko sinabi kay Vince na nakuwi na ko, Nagkita kame ni Danica sa bahay ni
Rachelle.

Anica:"Hi Rachelle, nanjan ba si danica?"

Rachelle: "Oo Anica, Pasok ka."

Anica: "Ano ba yung sasabihin nyo sakin Rachelle."

Rachelle: "Basta tanong mo na lang kay Danica."

Anica: "Danica,ano yun sasabihin nyo sakin bakit hindi pa masabi ni Rachelle?"

Danica: "Kasi wag ka mabibigla Anica, Pero may cancer si Vince."

Nung sinabi ni Danica na may cancer si Vince bigla syang binatukan ni Rachelle.

Rachelle: "Ano ka ba Danica! sabihin mo na wag ka na magpa ligoy ligoy."

Danica: "Ikaw na lang kaya magsabi ikaw naman nakakita eh baka mamaya majombag pa
nito si Vince ako pa masisi, eh hindi nga to galit si Anica bugbog sarado na si Vince pano pa pag nagalit."

Anica:"Teka nga ano ba kasi yun! sabihin nyo na sakin."

Rachelle: "Kasi nung pinuntahan ko si Niel sa lamay ni ate Josi kasama nya si Vince."

Anica: "Ah yun ba. Alam ko yun nagpaalam nga sakin si Vince na pupunta sila ni Niel dun. Bakit
anong meron?"

Danica:" nakita daw kasi ni rachelle na may kasama si Vince na babae, si valerie, katabi pa nga dw ni Vince sa upuan.

Rachelle:"Tinanong ko si Niel kung sino yun, sabi ni Niel girlfriend daw ni Vince nakilala nya daw nung nanood sila nila Niel ng Contest sa kabilang baranggay."

Naalala ko nga papa dudut na nung nandun ako sa bulacan, nagpaalam sakin si Vince na
manonood sila ng contest, pati yung pag punta nila dun sa lamay pinaalam din sakin ni Vince kaya naisip ko na totoo yung mga sinasabi ni Rachelle, bukod dun girlfriend ni Niel si
Rachelle kaya sigurado ako na hindi magsisinungaling si Niel sa kanya.

Ang sakit papa dudut kasi akala ko ok na kame, akala ko nagbago na sya, akala ko seryoso na talaga, yun pala kagaya lang din sya ni Marco, Na pag nag sawa na, maghahanap na ng iba,
akala ko kilala ko na sya papa dudut pero hindi pala mali pala ako.

Dahil dun hindi ko na kinausap si Vince, hindi ko na rin sya tinanong, nalaman nya na lang sa
mga kaibigan namen kung anong nalaman ko. Sinubukan ni Vince magpaliwanag pero hindi na ko nakinig, sobrang galit ko tinulak ko sya palayo, pinahiya ko sya sa harap ng ibang tao, kahit nagmamakaawasya, pinagtabuyan ko pa rin sya papa dudut, ang dami nagsasabi sakin
na patawarin ko na si vince pero naging matigas ang ulo ko, pati na rin ang puso ko. Sabi ko hindi na talaga magbabago si Vince,
dapat hindi ako naniwala na seseryosohin nya ko.

Isang araw dumating si Brenda papa dudut, sabi nila Rachelle childhood girlfriend daw yun ni
Vince , pero hindi daw sila nagbreak kasi bigla na lang sya pinapunta sa probinsya ng kuya
niya.

Nakita ko kay brenda na interesado pa rin sya
kay Vince, sinabi nya pa nga kela Rachelle na sasabunutan nya ko kasi nakita nya kung pano ko ipagtulakan si Vince.

Isang gabi bago ako lumuwas ng manila para puntahan yung lola lolahan ko na namayapa na, dumaan ako sa bagong tambayan sa bahay nila Lani na Bestfriend ni Brenda. Nadatnan ko si Vince sa labas na nagsisigarilyo wich is pinag usapan na namen na ititigil na nya, di ko sya pinansin at pumasok ako sa loob, nakita ko
na nag iinom sila, inaya nila ko kaya umupo ako sa kabilang mesa, habang nasa kabilang
mesa naman si brenda, pumasok si Vince at tumabi sya kay Brenda, kahit hindi ako
lumilingon, nakatuon pa rin yung pandinig ko sa pinag uusapan nila.

Brenda:"Vince, Samahan mo ko sa kwarto, Inaantok na ko."

Sumikip ang dibdib ko papa dudut nung marinig ko na inaya ni Brenda si Vince sa kwarto, natatakot ako na baka sumama si Vince, sabi ko sa isip ko sana tumanggi sya, sana wag sya sumama.

Vince; "Sige Brenda una ka na. Sunod na lang ako."

Halos madurog ang puso ko papa dudut, gusto ko lumingon sa kanya, gusto ko syang sigawan, gusto ko magalit, gusto ko syang
sumbatan, bakit nya ginagawa to, bakit nya ko sinasaktan, bakit sya ganun, akala ko mahal nya ko, akala ko mahal namen ang isat isa, asan na yung forever, asan na yung pangako nya na our love against all odds, nanatili akong nakayuko papa dudut, pinipilit kong magpaka tatag, pinipilit kong mapakita sa kanya na ayos lang ako. Nagulat ako ng biglang may nag excuse, pagtingala ko nakita ko si vince,
Nakatayo sya sa harap ko, namumugto pa rin ang mata nya, tumitig sya sakin papa dudut na
para bang sinasabi nya na pigilan ko sya, kung alam nya lang kung ano sinasabi ng puso ko papa dudut, sumisigaw yung puso ko sa mga oras na yun, nagmamakaawa sakin na pigilan
ko sya, na wag ko sya hayaan pumasaok sa kwarto, pero sadyang mas matatag ang isip ko, mas sinusunod ng bibig at katawan ko yung inuutos ng utak ko , umusog ako ng kaunti na tila sinabi ko sa kanya na malaya syang gawin ang gusto nya. Hindi ko alam papa dudut pero pakiramdam ko parang nadurog ko ng husto yung puso nya dahil sa maliit na pagkilos ko.
napaka raming pumapasok sa utak ko papa dudut, parang tinotorture ako maisip ko lang na may ibang kasama si Vince sa loob ng kwarto kaya hndi na rin ako nakatagal, pumunta ko sa
kwarto papa dudut para kunin yung bag ko, kahit nakabukas ang pinto sinadya ko pa rin na
kumatok, ayoko kasi may makita kung sakaling may ginagaw silang dalawa. Pumasok ako sa
loob ng kwarto na hindi tumitingin sa gawi nila pero naaaninag ko na magkatabi sila.

Anica:"Excuse lang, kunin ko lang saglit yung bag ko."

Lumakad na ko palabas, pero biglang nanghina yung buong katawan ko ng sumigaw si Vince

Vince: "Umalis ka na, hindi na kita pipigilan."

First time ko maramdaman yung mga ganitong bagay papa dudut, parang hindi ko na kaya, pero pinigilan ko sarili ko, sabi ko hindi ko deserve to, wala akong ginawang masama para
maranasan ko to kaya pinakita ko pa rin na ok lang ako, nagdeside na ko umalis. Natawa na lang ako kasi naisip ko bakit nya ko sinisigawan, bakit ganun yung tono nya, parang sya pa yung galit, parang ako pa yung
masama, samantalang sya nga ang nanloko, sya nga tong madaling nakahanap ng iba.
Sobrang sakit, pero sabi ko na lang sa sarili ko papa dudut ok na yun atleast tapos na kame,
hindi na kame nagtagal, ngaun ko lang naman mararamdaman to kagaya kay Marco tapos
wala na.

The script-No good in goodbye.

Dear Papa DudutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon