Chapter 10

409 7 0
                                    

Kinabukasan pag pasok ko sa school papa dudut, nilapitan ako ni Balin, isa sa mga barkada ni Loyd na nang bully sakin nung first week ko, naging ok din naman kame kasi hindi ako nagpa sindak sa kanya noon papa dudut, sya pa nga ang nag sorry sakin at nagpalipat ng section.

Balin:"Huy sabi sakin ni Loyd niloko mo daw sya ha."

Anica:"tsk. Nagalit ba sya."

Balin:"Anong nagalit, hindi lang, iyak pa ng iyak, lasing na lasing nga sya kagabi kaya hindi
nakapasok ngayun, pinapabugbog ka nga nya
sakin eh pero sabi ko sa kanya tropa na tayo."

Naawa ako lalo kay Loyd papa dudut, nakasakit na naman ako, bakit kasi kahit alam ko na mali
yung mga ginagawa ko tinutuloy ko pa rin, hindi ko alam ang sasabihin ko kay Loyd pag
nagkita kame,kahit wala akong nararamdaman sa kanya alam ko na dapat ko intindihin ung
nararamdaman nya at kailangan ko humingi ng sorry.

Pag uwi ko ng hapon, pumunta ako kay Vince, hindi ko pa rin alam kung pano ko ibibigay kay
vince yung letter ko, bukod dun nagui-guilty pa rin ako para kay Loyd. Habang nakaupo at
nagkwekwentuhan kame ni Vince sa Terris nila, biglang napunta kay Loyd yung usapan namen.

Vince:"Alam mo ba kung bakit ganun reaksyon ni Loyd nung nakita ako,

Nagulat ako sa tanong ni Vince papa dudut, akala ko kasi hindi nya napansin yun kasi hindi naman namen napag usapan kahapon.

Anica;"Ha? Ano yun."

Vince:"Kaya ganun reaksyon nun kahapon nung nakita nya ko lagi kasi namen nakaka laro dati nila Niel sa basket ball yun, lagi silang talo."

Anica:"Ah."

Vince:"Talo nga rin namen lagi yun sa counter strike eh, kahit saan lagi nameng talo yun"

Anica:"Talaga."

Vince:"Oo iyakin nga yun pag natatalo namen eh, kaya lagi kame napapaaway. Ang taba taba nga nun dati, ang itim itim pa, buti nag mukhang tao na yun ngayun, halatang gulat na gulat sya nung nakita nya ko kahapon eh."

Naasar ako sa mga sinabi ni Vince, nagui-guilty na nga ako sa nagawa ko kay Loyd, lalo pa ko
naawa dahil sa mga sinabi nya.

Anica:"Kame kasi ni Loyd kaya ganun reaksyon nya nung makita ka nya."

Nagulat ako papa dudut na lumabas yun sa bibig ko sa sobrang inis ko sa mga sinasabi ni Vince. Natahimik si Vince sandali papa dudut, tapos napa iling.

Vince:"Anong sabi mo."

Hindi ako nakasagot papa dudut, pinagsisihan ko kagad yung sinabi ko, parang gusto ko
bawiin, parang gusto ko burahin sa memorya nya yung sinabi ko.

Vince:"Ano Anica, sumagot ka. Anong sinabi
mo......"

".....grabe, isip ako ng isip kung bakit ganun yung reaksyon nya kahapon nung nakita nya ko, pinilit ko wag sumagi sa isip ko pero tama pala talaga hinala ko. Alam mo may nagsabi na talaga sakin eh, pero ayaw ko lang maniwala, inisip ko isa lang yung nagsabi nun sa mga gustong sumira satin. Pero hindi pala."

Anica:"So-sorry Vince, wala naman yun, sinakyan ko lang siya kasi-"

Pinutol ni Vince ang pagsasalita ko papa dudut.

Vince:"Sinakyan mo lang? kagaya ng ginawa
mo sakin, hindi ka rin seryoso?"

Anica:"Sorry na Vince, sorry na talaga."

Paulit ulit na lang na sorry ang nasabi ko kay Vince papa dudut, sa totoo lang kasi hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag sa kanya, wala naman kasi talagang dahilan para gawin ko yun, ako talaga yung may problema, I
always jump into conclusion sa mga nangyayari samen, takot ako magtanong at wala akong tiwala sa kanya kaya nakakagawa ako ng mga bagay na nakakasakit sa kanya.

Tumayo si Vince sa kinakaupuan nya, kinuha nya yung susi ng motor at ini-start ito,
nagsimula nang pumatak ang luha ko papa dudut nang makita kong paalis yung taong mahal ko, na para bang huling pagkikita na namen yun, hindi ko sya pinigilan papa dudut, kagaya nung una ko syang makita, pinag masdan ko lang sya, tinitigan hanggang makalayo sya. Sobrang sakit papa dudut para akong binuhusan ng malamig na tubig, kasi lahat ng takot ko na baka gawin nya sakin ay ako pala ang gagawa, na sa sobrang kawalan
ko ng tiwala, nakagawa ako ng napakalaking pagkakamali na nakasakit sa kanya, noon pagmay sinabi ang ibang tao tungkol kay Vince naniniwala kagad ako, pero si Vince hindi
kagad naniwala kahit nakarating na pala sa kanya, kahit nakita nya yung reaksyon ng mukha ni Loyd, pinilit nya pa rin na magtiwala sakin. Pakiramdam ko papa dudut napaka sama ko, na sa dame ng babae na gustong
makasama si Vince, bakit ako pa yung pinili nya, ako pa na wala nang ibang ginawa kundi saktan sya, hindi ko sya pinahalagahan, hindi ko sya iningatan, ako yung sumira sa pangako namen, alam ko kaya gusto nya yung kantang
no one else comes close kasi umaasa sya na kame lang dalawa, pero ako ang sumira nun papa dudut. ako. hindi nagtagal ay bumalik din si Vince papa dudut, pero hindi sya lumapit
sakin. Nakaupo lang sya sa motor, nakikita ko na umiiyak sya, naninikip ang dib dib ko papa dudut, gusto ko mag makaawa sa kanya, gusto kong malipat na lang sakin yung sakit na nararamdaman nya pero kahit ako hindi ko mapatawad yung sarili ko, Pakiramdam ko
hindi ako nararapat kay Vince, hindi ko kayang ibalik lahat ng nagawa nya para sakin. Umalis
na lang ako papa dudut para hindi na nya ko makita, para hindi ko na rin sya makitang
nasasaktan. Pumunta ako sa bahay nila Rachelle, pero hindi ko masabi sa kanila papa dudut, hindi nila alam na may problema ako, nalaman na lang nila ng pinuntahan ako ni
kuya Frank.

Frank:"Anica,Anong nangyari sa inyo ni Vince, Iyak ng iyak si Vince dun, nilalaklak yung alak."

Anica:"Sorry kuya Frank, nasaktan ko kasi si Vince."

Frank:"Puntahan mo si Vince. Ayusin nyo to."

Sumama ako kay kuya Frank papa dudut, kahit natatakot ako na baka ipagtabuyan lang ako ni
Vince, gaya ng ginawa ko sa kanya noon, hindi ko maisip kung pano ko sya nasaktan ng ganun papa dudut, mahal ko si
Vince, alam ko na hindi ko pa nasasabi sa kanya kung gano sya kahalaga sakin, hindi ko pa napaparamdam yung pagmamahal ko gaya ng mga ginagawa nya, pero nagawa ko na syang saktan kaya sobrang pagsisisi ko.

Pag dating namen papa dudut, nakita ko na si Vince na inaawat nila Niel sa pag inom, halos
maligo na sya sa alak papa dudut, sobrang sama ng nagawa ko sa kanya na tila manhid
ang lalamunan nya sa pag lunok ng napaka pait na alak.

Vince:"Niel tang ina niloko ako ni Anica. Niloko nya ko! hindi ko matanggap na niloko nya ko."

Niel:"tama na Vince, tama na, Mag usap kayo, ayusin nyo to."

Vince:"Niloko nya ko Niel naiintindihan mo ba yun! Niloko nya ko, Niloko nya ko."

Nakatayo lang ako sa likod ni Vince habang umiiyak papa dudut, paulit ulit si Vince sa
salitang Niloko ko sya, gusto ko syang yakapin papa dudut, gusto kong alisin yung sakit na nararamdaman nya, pero pakiramdam ko lalo ko lang syang masasaktan kapag hinawakan ko sya, pakiramdam ko papa dudut isa akong malaking tinik na masusugatan sya kapag lumapit sya sakin.

Iniwan na rin kame nila niel sa sala ng bahay nila nung huminahon na si Vince, pero patuloy pa rin ang pag luha ni Vince papa dudut.

Vince:"Bakit mo nagawa sakin to Mhie, sobrang sakit, bakit Mhie, Bakit."

Lasing na lasing na si Vince nun papa dudut pero halata kong pagod na pagod na sya sa
pag iyak at pag sigaw.

ang sakit marinig na tinatawag nya kong mhie habang lumuluha at nasasaktan sya.

Anica:"Sorry Vince, patawarin mo na ko."

Niyakap ko si Vince papa dudut, tinanggap man ni Vince ang mga yakap ko ay patuloy pa rin ang pag iyak nya, alam kong hindi sapat ang pag hingi ko ng tawad para mawala ang sakit na nararamdaman ni Vince papa dudut.

Hinatid ko na si Vince sa bahay nila na agad namang nakatulog. Kinabukasan papa dudut, hindi ko alam kung ano na ang mangyayari samen ni Vince, hindi ko na pinansin si Loyd sa
school nung nagkasalubog kame, kahit nakita kong naninigarilyo sya at namumugto yung mga mata nya, parang biglang nawalan ako ng pakealam kay Loyd, wala na akong pakealam
sa lahat, wala akong kinakakausap papa dudut,
pakiramdam ko walang mga tao sa paligid ko, na parang nakaupo ako sa isang bakanteng silid, naghihintay sa mabagal na pag takbo ng oras, tanging si Vince lang ang nasa isip ko, na dapat noon ko pa ginawa, dapat binalewala ko lahat, dapat sya lang wala nang iba.

Mariah

Dear Papa DudutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon