Jiena Marchiel Zobel
I know, it's hard. It's hard to forget someone you love the most. Someone who makes you feel like a princess in a fairytale. Someone who makes you feel special and one of a kind. But what if one day, that someone you love the most makes you feel unwanted, like he doesn't care. He doesn't want to be part of your life.
I wish, this is all just a nightmare. Dahil kung masasaktan lang ako sa bangungot na ito. Sana gisingin niyo agad ako, para ng sa ganon makatakas ako sa bangungot na dulot ng aking nakaraan.
*Kringgg!*
Nagising ako sa isang pamilyar na tunog na laging bumubulahaw at umiistorbo sa aking payapang pag-tulog. Ang tunog na pinag-umpisahan ng lahat. Ang tunog na dahilan kung bakit ako gumigising kada araw.
"Good morning sunshine."
"Good mor─"
"A-Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko.
"Ginigising ang mahal ko." Taas babang kilay niyang sambit.
"Hay nako eto na naman po ang ka-kesohan ni Hellboy." Saad ko at humalukipkip.
"Tss, kilig ka naman!" Sabi niya sabay bato saakin ng throw pillow.
"Ako, kikiligin? No way high way." Sabay irap ko sakanya.
He just laughed.
"Tinatawa tawa mo? Nag joke ako?" Sarkastikong tanong ko sa habagat na nasa harap ko.
"Nothing.. just you know." Then he smirked, sabay wink.
"Tss, dami mong alam alis na nga shoooo!" Sabay bukas ko sa pinto at tinulak palabas ang masamang hangin na nasa kwarto ko.
"Ano ba, lalabas akong mag-isa, hindi mo na kailangan pang ipag tabuyan ako katulad ng pag tataboy sayo ng hayop na─"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil alam ko naman kung saan patungo ang usapan nato. Alam kong babalik nanaman lahat ng masasakit na nangyari sa past ko. Yung mga pangyayari na kinakatakutan ko at pilit kong tinalikuran dahil sa mahina ako. Yung mga pangyayari na ayokong ng maalala dahil sobrang sakit na, sobrang hirap na.
"Teka umiiyak kaba?" Tanong niya ng nag aalala.
Hindi ko namalayan na may nangingilid na palang luha sa mga mata ko. Sabi na nga ba eh, eto na naman. Nagbalik na naman ang mahinang ako.
"H-hindi kaya." Sabay iwas ko ng tingin sa kanya at pasimpleng pinunasan ang mga luha na dumampi sa mga pisngi ko.
"Tsk, wari hindi? Wag ka na ngang magkunwari." Saad niya pa sabay hatak sa akin papalapit sakaniya.
Mas lalo pang tumulo ang mga luha ko at napa hikbi pa ako dahil sa ginawa niya. Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging reaksyon niya. Yung biglang pagyakap niya saakin at pag-comfort na hindi ko inaasahan.
"H-hell b-bitawan mo nga ako!" Matapang kong sabi sakanya.
"Jie, hindi mo kailangang ipakita na matapang ka all the time." Saad niya habang nakayakap parin saakin ng mahigpit.
"H-hell.." Napa luha nanaman ako.
Pinaupo niya ako sa kama ko at naupo rin siya sa tabi ko.
"Jie, sige iiyak mo lang yan." Sabi niya sabay hinagod-hagod ang likod ko.
"Hell, hindi ko na kaya. Akala ko wala na, akala ko okay na, akala ko tapos na at magiging masaya na ako, pero mali ako─"
BINABASA MO ANG
At Once
RandomLiving in dreams of yesterday, she find herself still dreaming of impossible things. After of that tragic happenings in her life, will she still be able to continue on dreaming? Will she still be able to keep on going despite of all the heart aches...