"Bilisan mo, ano ba yan." Singhal ko habang pinanunuod siyang umakyat sa puno. Ang bagal.
"Babae kaba talaga?" Naiinis na tanong niya.
Natatawa akong bumaba sa puno at dinaluhan siya.
"Eh ikaw, lalake kaba talaga? Hina mo rin eh, tara na nga!" Aya ko sakaniya.
"Oh, saan na naman tayo pupunta? Wala ka bang kapaguran?" Hingal na sambit niya sabay hinto sa pag lalakad. Sakaniya pa talaga nanggaling? Tsk.
"Ang arte mo, ni hindi ka nga naka akyat sa puno pagod kana agad?" Irap ko ng harapin siya.
"Nagugutom nako." Nasabi nalang niya.
Napairap ako.
"Fine, diyan ka lang." Sabi ko at aktong tatalikod na ng bigla siyang mag salita.
"Oh, san ka pupunta?" Takang tanong niya.
"Duh, bibilan ka ng pagkain. Gutom kana diba?"
"Ah, nag tatanong lang eh. Okay sige, damihan mo ah." Paalala niya.
"Wow! Hiya naman ako sayo, ang gentledog mo talaga." Sabi ko sabay lakad palayo at iniwan siyang naka tayo.
"Here," Sabi ko sabay abot sakaniya nung waffle na binili ko. "Ubusin mo lahat yan ah." Dagdag ko pa sabay abot sakaniya nung mustard.
"Aye aye, captain!" He saluted.
Napatawa ako.
"Kumain kana nga lang, puro ka kalokohan." Dagdag ko pa. "After one week aalis kana, right?" Tanong ko out of the blue.
"Yeah, bakit miss mo naba agad ako?" Tanong niya ng seryoso sabay harap saakin.
Napangisi na lang ako ng mapansin kong may mustard sa gilid ng labi niya.
"Clumsy." Saad ko sabay punas sa gilid ng labi niya gamit ang index finger ko. Pansin ko naman ang pagtahimik niya at pagtitig saakin.
"Jie.." Tawag niya saakin habang hawak ang kamay kong naka lapat parin sa gilid ng labi niya.
"T-Tara na?" Nasabi ko na lang sabay kuha sa kamay ko at iwas ng tingin. Masyadong awkward.
"Huh? Saan?" Takang tanong niya.
Napatingin ako sa paligid.
"Ah, wala. May fireworks display pala mamaya rito, gusto mong manuod?" Nasabi ko nalang sabay tingin ulit sakaniya.
"Fireworks? Sure." Sabi niya sabay ngiti. Napatango ako.
"Teka lang ha, itatapon ko lang to." Pagtuturo ko sa hawak kong balat ng waffle.
"Ha? Ako na." Ako niya, sabay hablot dun sa balat ng waffle na hawak ko.
Nabitawan ko bigla yung balat ng waffle. Pupulitin ko na sana, kaya lang sa hindi inaasahang pangyayari pupulutin rin pala niya ito.
"A-Ako na." Nauutal na sabi ko at mabilisang binawi ang kamay ko sa pag kakahawak niya. Agad rin akong tumayo sa bench na kinauupuan ko at dali daling nag hanap ng basurahan.
"Gahd, ano ba to?" Nasabi ko nalang ng maka layo na sakaniya. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo saakin Hell?" Sabi ko habang itinatapon ang basura. "Kapag nandiyan ka, ni hindi ako maka hinga ng maayos. Ni hindi ako mapakali, alam mo yun─"
"Alam ang alin Jie?" Tanong niya ng maka lapit sa lugar kung nasaan ako. Fuck shit. What now, Jiena?
"H-ha? Ah, wala." Saad ko habang paiwas na lumakad palayo sakaniya.
BINABASA MO ANG
At Once
De TodoLiving in dreams of yesterday, she find herself still dreaming of impossible things. After of that tragic happenings in her life, will she still be able to continue on dreaming? Will she still be able to keep on going despite of all the heart aches...