"Jiena, open the damn door!" Someone yelled on the other side of the door.
Agad akong napa igtad sa aking kinahihigaan. Napa irap ako sa kawalan. I can clearly see, she's so frustrated at this point.
"Mom, stop pestering me. Live your own!" Pabalik na sigaw ko naman.
Halos araw araw na lang yata ay ganito ang nagiging agahan ko mula sakaniya. Kakatok siya para guluhin ako, at ako nama'y sisigaw sa sobrang pagkainis mapaalis lamang siya.
Minutes passed by, at wala akong naririnig ni anumang klaseng kaluskos o ingay. Pero laking gulat ko ng may biglang humatak sa kumot na naka patong saakin at marahas na hinila ang magkabilang paa ko.
"What the fudge?! Get off!" Singhal ko habang madilim ang mga matang tinitignan siya.
"I didn't see this coming, you looks like a mess." Humahagikgik na aniya. "Well, actually, halos araw araw naman eh." He chuckled in sarcasm.
Marahas kong binawi ang mga paa ko sakaniya. "So? Don't mind me, makakaalis kana."
"What? Kadarating ko palang, paaalisin mo agad ako?" Natatawang sabi niya pa.
"Just stop shitting me. Hindi kapa rin ba nag sasawa? Sabi ng ayoko na. I already gave you a resignation letter, just freaking accept that shit!" Sigaw ko nang hindi na napigilan pa ang iritasyong nararamdaman.
Naka ngisi siyang umupo sa tabi ko, hindi alintana ang inis na namumuo sa sistema ko. "How many times do I have to tell you Ms. Zobel, I didn't signed that shit. Hanggat walang aprubasyon galing saakin, wala kang kawala."
Madilim ang mga mata ko siyang binalingan. "It's not my problem anymore. Edi pirmahan mo, letche!" Singhal ko at padabog na inilapat ang sarili saaking kama at tinalikuran siya.
Minuto ang lumipas, ilang mumunting tawa ang inilabas niya. Napa yukom na lamang ako ng aking kamao, konti nalang. Konting konti nalang Gruego, malilintikan kana saakin.
Ilang minutong katahimikan ang bumalot saaking kwarto. Akala ko'y umalis na ang gago, makaka hinga na sana ako ng maluwag ng bigla akong makarinig ng isang nakaka rinding tinig.
"Damn, ito na naman?" Pabulong na wika ko saaking sarili matapos mahinuha ang kaniyang kinakanta.
"Jiena, hindi kaba napapagod. O di kaya'y nagsasawa, sa pag tataboy saakin wala na bang katapusan?" Pakantang wika niya na agad namang ikinaikot ng mga mata ko.
Paulit ulit niya lang iyon kinanta, ni hindi ko na nga mabilang pa sa mga kamay ko. At dahil sa sobrang rindi at pagka irita, wala sa sarili akong napa bangon at hinarap siya.
"Alis." Simpleng sabi ko na agad niyang ikina ngisi.
Ngunit parang wala siyang narinig. At ang damuho, patuloy parin sa pagkanta gamit ang nakaka rindi niyang boses palaka.
Binagsak ko ang mag kabilang balikat ko, "Labas, maliligo na ako." dagdag ko pa.
Nag mistula namang gatilyo ang binitiwan kong salita. At walang anu-ano'y kumaripas siya papalabas ng kwarto na akala mo hinahabol ng kung ano.
Napapa iling na lamang ako sa kawalan at wala sa sariling tumayo galing sa pagkakaupo sa aking kama.
"Ang lokong 'yon," Pabulong na wika ko sa aking sarili habang inaalala ang mga pangungulit at pambubuwisit niya sa nakaraang dalawang buwan hanggang sa ngayon.
Magmula kasi ng nangyaring aksidente ay nawala na ako sa aking sarili. Pati pagkain ay kinalimutan ko na. Ang buhay na kinasanayan ko ay unti unti ko naring iniwan para lang mabantayan si Hell. And knowing that thought, hindi ko na naman mapigilan ang aking sarili na maiyak. Hanggang ngayon kasi ay nananatili parin siyang walang malay.

BINABASA MO ANG
At Once
De TodoLiving in dreams of yesterday, she find herself still dreaming of impossible things. After of that tragic happenings in her life, will she still be able to continue on dreaming? Will she still be able to keep on going despite of all the heart aches...