Chapter 15 (Beauty tips)

87 0 0
                                    

Ang bilis lumipas ng araw, March na. Malapit ng magbakasyon at next week na ang final exams namin. After nun wala na kaming pasok kaya yung mga requirements slash projects namin ay kelangan ng mapasa ngayong week. Ang pinakamabigat lang na gagawin ko ay ang thesis na kailangan ng ipasa bukas at heto, ngayon ko pa lang talaga sisimulan. Goodluck na nga lang sa akin.

Kung iniisip nyo kung ano ng nangyari sa pamilya ko, hanggang ngayon hindi pa rin ayos ang lahat. Simula nung araw na nasagot ko si daddy, hindi na ulit sya bumalik dito. Tss. Kung sincere talaga sya sa pagsosorry nun hindi nya hahayaang hindi kami maging okay. Siguro nga masaya na talaga sya dun. Bakit sa amin ba? Hindi sya masaya?

Nag-uusap na ulit kami ni mommy, unlike nung last time, di ko talaga sya pinapansin. Ang tigas ko bang anak? Hindi ko lang kasi talaga matanggap na ang pamilyang akala ko ay ang the best eh hindi pala totoo. Isa pala kami sa mga pamilyang hindi dapat tularan ng ibang pamilya. Mahirap para sa akin to. Pumapasok ako araw-araw ng may kirot sa puso. Pinipilit ko na nga lang talagang ngumiti eh. Mabuti na nga lang din at andyan yung mga friends ko, lalo si Gilbert. Nitong mga nakaraang araw lalo kaming napapalapit sa isa’t isa. Although nasusungitan nya pa rin ako sa di malamang kadahilanan eh madalas nya na akong sinasamahan.

Minsan nga tinanong ako ni Gilbert ng, “Pwede bang manligaw?” Kinilig ako syempre kaso alam ko namang pinagpapraktisan nya lang ako. Tinawanan ko lang sya nun kasi naman alam kong para kay Cheska talaga yun. Inaya nya rin akong maggala bago man lang daw magsimula talaga ang bakasyon namin, pumayag naman ako. GaLa lang naman pala.

Teka, kelangan ko munang tapusin tong thesis ko. Ang dami ko pa talagang kailangang gawin. 3 parts palang ng thesis yung nagagawa ko at 1am na. Sana matapos ko to kaagad kaso mukhang hindi na ako matutulog nito. Bahala na nga. Maghahanda na lang ako ng madaming mangangata.

++++

Friday na, ngayon ang pasahan namin ng lahat ng requirements at ako’y bangag pa. Wala talaga akong tulog, grabe lang. Literature subject namin ngayon kaya lalo akong nakakaramdam ng antok. Makatulog nga muna, tutal exempted naman ako sa finals namin dito, bakit? Magaling ako eh. Hoho.

Maraming subject din akong naexempt. Matalino ata to. Haha. Di, joke lang. Nauto ko lang talaga yung mga prof ko. :D Mabuti na nga rin yun kasi hindi masyadong sasakit yung ulo ko kakareview sa final exams namin na cover to cover. May disadvantage din naman yun noh, di ko na halos makikita si Gibs. Buti na lang at inaya nya akong maggala. HAHAHA. Syempre nag-aya rin ng gala yung friends ko, mamimiss namin yung isa't isa eh. Actually, alam ko namang sobra lang nila akong mamimiss.

Dumating na rin yung araw na hinihintay ng lahat, ang final exams. Hindi naman talaga yun yung hinihintay nila kundi yung bakasyon. Syempre marami ka pa ring makikitang nagkokopyahan. Normal na yun, lalo sa boys. Ang galing talaga nilang magtago ng kodigo. Yung ibang girls nga nahuli at pinakausap sa dean tas yung boys papetiks petiks lang sa pangongopya. Astig talaga! Minsan nga gusto kong magpaturo sa kanila eh kaso mabaet na ako eh. Assignments na lang kinokopya ko. HAHAHA. Pero infairness, ang hirap ata ng Pol Sci? Sabi nila madali lang daw pero ba't ako hirap na hirap? Hahaha. Kinakabahan ako. -___-

"YES!! TAPOS NAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!" Kanya-kanyang sigaw yung iba sa sobrang tuwa at tapos na yung klase. Ako hindi ko alam kung matutuwa ba ako, wala naman kasi akong gagawin sa bahay eh. Malamang din walang outing na magaganap sa pamilya namin, obvious naman diba? Unless kung mag-aya sina tita o kaya man yung barkada. Ewan, bahala na lang. Basta ang alam ko may gala kami ni Gilbert bukas at saka may gala din kami mamaya nina Tiffany.

Nagpaalam na kami sa mga kaklase namin, "Enjoy your summer."

"Baka mauwi sa summer class ang bakasyon ko ah." Tawanan naman kaming lahat sa sinabi ni Hale, napakapasaway kasi nung taong yun eh. Nangangamba tuloy sa grades nya. Mga estudyante nga naman oh, magsisisi kapag encoding na nung grades. 

Unforgiving LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon