“Wala naman akong inspirasyon noh. Tinuruan lang ako ni Cheska kanina.”
“Wala naman akong inspirasyon noh. Tinuruan lang ako ni Cheska kanina.”
“Wala naman akong inspirasyon noh. Tinuruan lang ako ni Cheska kanina.”
Nagpaulit-ulit talaga sa tenga ko yun. Para bang dinudurog yung puso ko ngayon.
Naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit. Kasi siguro masyado akong assuming. Moral lesson: WAG MAG-ASSUME!
BOOM!
Ang sakit! =((
“Bakit ba kasi nag-assume ako? *crying*”
Nasa food court kami ngayon, buti na nga lang at walang masyadong tao ngayon dito kundi baka pagtsismisan pa ako kung bakit ako ngumangawa dito.
“Ano ka ba girl! Stop crying na, useless naman yan eh.”
Kinuwento ko kina Lee-an, Mika, Shane at Tiffany yung nangyari. At heto na naman si Tiffany, daig pa ang best friend ko kung makasermon sa akin.
“Hindi naman kasi masamang mangarap eh, wag ka lang mag-aassume kasi masasaktan ka lang.”
Aww.
“Eto tissue.” Abot naman sa akin ni Lee-an.
“Eto ice cream, tama na iyak. Pumapanget ka lalo.” Matutuwa na sana ako dito kay Mika eh, kaya lang kelangan talagang may halong lait?
Kinuha ko yung ice cream at pinunasan ang luha ko.
“*hikbi* tsa-tsalamat sa-sa comfort ha? *hikbi*”
At niyakap pa nila ako. Group hug ba.
Ang swerte ko nga eh. Kasi may mga kaibigan ako na katulad nila Anna, Patrick, Mika, Tiffany, Shane at Lee-an.
Salamat po Papa Lord at may mga kaibigan pa ako na kagaya nila. :)
Hindi ko ba alam kung ba’t ganto yung nararamdaman ko ngayon. Eh crush ko lang naman si Gilbert.
Naguguluhan na talaga ako.
Naglalakad na ako palabas ng school nang makita ko si Glen.
“GLEN!” sigaw ko.
“Oy Jorj! Pauwi ka na ba?”
“Ah oo. Ikaw ba?”
“Pauwi na rin ako kaso nung nakita kita parang ayoko na pala muna. Hehe.”
“Oh, bakit naman?”
“Gusto ko lang makasama ka muna kahit sandali lang. Pwede ba? Treat kita ng dinner.”
“Ha? Eh naku! Wag na! Hinatid mo na nga ako kanina tas ngayon manlilibre ka? Wag na! Hindi pa nga ako nakakabawi eh.”
Kahit gusto ko naman yung libre, may hiya pa rin naman ako noh!
“Ano ka ba Jorj, wala lang yun noh. Parang dinner lang naman eh. Sige na!”
“Ha? Eh kas--”
“Wala ng kasi kasi! Tara na! Sakay ka na sa motor. Kahit sa ganitong paraan ka na lang bumawi Jorj.”
Sayang yung libre. :D
“Eh wait lang. Magpapaalam lang ako kay mommy.”
“Oh sige, ipagpapaalam pa kita.”
Sumakay na ako sa motor ni Glen at mabilis naman kaming nakarating sa bahay. Syempre nakahelmet kaming dalawa, para safe na rin.
Talaga palang balak akong ipagpaalam nitong si Glen. Adik na ata ‘to.
BINABASA MO ANG
Unforgiving LOVE
Fiksi RemajaAko si Jorjie Louisse Santos. Broken hearted. Hindi ako naniniwala sa happy endings. Nakakainis kasi.. Ang tanong, hindi din kaya ako magkakaroon ng happy ending?