(Normal POV)
“Ikaw?!” Sabay na sabi ni Jorj at nung kamukha ni Gilbert na nakita nya sa retreat house.
“Oppa! Do you know each other??” Tinanggal ni Tyra ang pagkakahawak nya sa braso ng kapatid.
“Ah hindi noh. Ngayon ko lang sya nakita.” Mabilis na sagot naman ng kapatid ni Tyra.
Ang kapal din naman ng pagmumukha nito! Akala ko ba mabaet to? Sa isip-isip ni Jorj.
“Eh bakit kung maka-IKAW kayong parehas eh parang magkakilala kayo?” Tumingin si Tyra kay Jorj para i-confirm ang nangyayari.
“Ah.. O-oo, hindi nga kami magkakilala. May kamukha lang kasi sya. A-akala ko sya yun.” Sabay tingin ni Jorj sa kapatid ni Tyra at binigyan nya ito ng sarkastikong ngiti.
“Ah, akala ko naman magkakilala kayo. Oppa, kumaen ka na ba? Tawagin ko lang si Mama ha.” Umalis si Tyra at naiwan ang dalawang nakatayo sa sala.
“Bakit di mo sinabing kilala mo ako?” Medyo naiinis na tanong ni Jorj sa kapatid ni Tyra.
“Hindi naman talaga kita kilala.”
“Sunget! Tss.” Bulong ni Jorj sa sarili.
“Anong sabi mo?”
Nilapit ng kapatid ni Tyra ang mukha nya kay Jorj. At si Jorj naman ay nagulat sa ginawa ng binata. Dahil nasa state of shock pa sya eh nakatulala pa rin sya sa pagmumukha ng binata.
“Eh ako ba? Kilala mo?” Nginitian ng binata si Jorj. Ngiting pang-asar. “Hindi mo pa ako kilala pero nahuhumaling ka na sa kagwapuhan ko.” Ngumiti na naman sya ng pang-asar.
Dahil hindi alam ni Jorj ang gagawin at sasabihin eh nag-isip sya ng pwedeng gawin nya. Still, nakalapit pa rin ang mukha nito kay Jorj.
Tinulak ni Jorj ang binata at sinabing, “S-sino ka ba? Kapal mo ha!”
“Gil, anak! Nandito ka na pala. Halika muna dito at kumaen ka.” Napatingin si Gil sa tumawag sa kanya.
“Gil? So Gil pala ang pangalang sobrang iniingatan mo ha.” Sabay ngisi kay Gil.
Bago umalis ng tuluyan si Gil eh napatingin sya kay Jorj at dinilaan sya nito.
Psh. Pang-asar talaga ‘tong babae na to. Sa isip-isip ni Gil.
(Jorj’s POV)
So Gil pala ha. Hahahaha! Kapal ng apog nya! Ako?! Magnanasa sa kanya?! Natulala lang ako sandali sa mukha nya binigyan nya na agad ng malisya yun?! Sa’yo ba naman ilapit ang mukha ng napakagwapong nilalang, hindi ka ba matutulala?!
Di bale sana kung si Gilbert yung gumanun sa akin eh hindi ko ipagkakaailang nahuhumaling ako sa kagwapuhan nya. Hohohoho!
Pero speaking of Gil, napaka familiar ng pangalan na yun. Kayo ba alam nyo kung saan nanggaling yung Gil? Parang GILbert lang eh. Pero pinopronounce as Jil. Hindi naman pwedeng maging Jilbert. Hahaha. Ang baduy nun! Well, baduy na yun para sa akin. Haha!
“Jorj, kanina ka pa nangingiti dyan? Siguro crush mo si Kuya ko noh?!” Sabay hampas ni Tyra sa braso ko.
“Oy hindi ah! May iba nga akong gusto.” Pagpapaliwanag ko.
“Sus. Pwede namang maging dalawa yung gusto mo ah. Saka isa pa, hindi pa naman ata kayo ng gusto mo.” Aray ko ha! Tagos hanggang buto yung sinabi nya.
“Parang mas gugustuhin ko pang hampasin mo na lang ako kesa ipagkalandakan na hindi kami nung gusto ko. HAHAHA!” Tumawa lang din naman sya.
Di ko rin maisip kung bakit naging ganito na kami agad kaclose ni Tyra. Siguro kasi madali syang makapalagayan ng loob. Saka hindi sya yung naiilang ikwento yung mga experience nya. Kaso halos ang bukambibig nya eh yung kapatid nya. Hindi kaya may gusto sya sa kapatid nya? Hindi naman masama yung naiisip ko diba? Kasi sabi nya hindi nya naman tunay na kapatid si Gil. AY! Nevermind na nga lang. Hahaha!
![](https://img.wattpad.com/cover/1149689-288-k183582.jpg)
BINABASA MO ANG
Unforgiving LOVE
Novela JuvenilAko si Jorjie Louisse Santos. Broken hearted. Hindi ako naniniwala sa happy endings. Nakakainis kasi.. Ang tanong, hindi din kaya ako magkakaroon ng happy ending?