Maraming hindi naSolve sa kwento ng buhay ko na to pero ikukwento ko na sa inyo yung ibang tao sa buhay ko.
Si JED
Nakita ko na lang sya na may kaholding hands at kalampungan na iba.. Dun ko lang din nalaman na wala na sila ni Anna.. Nung una grabe yung pagkagulat ko. Ikaw ba naman kasi makakita ng machong lalaki na may kalandiang gwapong lalaki din, di ka ba magugulat?
Si Anna
Feeling ko naman tama yung mga hinala nyo dati na magkakatuluyan si Patrick at Anna. Di nakatiis si Pat eh. Sa tinagal-tagal naman ba ng pagmamahalan nila sa isa't isa eh papalagpasin pa ba nila yung opportunity? Swerte nga ni Anna kay Patrick eh. Sobrang caring ni Pat. Syet!
Ako at si Glen
Kami pa rin hanggang ngayon. Sobrang saya namen talaga! Buti na lang nga eh nauntog na ko sa pagkagusto kay Gilbert. Nag-aaway din kami syempre ni Glen, daming nagkakagusto sa kanya eh. Pero ni minsan di nya pinatulan yung mga yun. Lagi nyang sinasabi, "Sorry, taken na ko at mahal na mahal ko yung girlfriend ko." Sino bang hindi kikiligin diba? (Oh gosh! Haba ng hair ko. :))))) )
Si Gilbert
Alam ko na na magkapatid sila ni Glen. Syempre nagulat ako. HIndi talaga ako makapaniwala nung una eh, basta di ko alam kung paano ieexplain. HAHAHAHA! Pero nakarecover na ako dun. Hahaha. Ang tagal na kaya! Napatunayan ko na din sa sarili kong di ko na sya mahal. And guess what? Ang tagal na din nila ni Cheska kaso laging away pa din.
Maraming katangahan man yung nagawa ko sa buhay ko, may isang pagkakataon pa rin na dadating para mapatunayan mo na naging lesson sayo ang mga katangahan na yon.
Sa buhay, wag hahanapin ang bagay na wala sayo. Pahalagahan mo ang mga bagay na nandyan na sayo. Learn to appreciate thingsand look at the bright side ika nga.
Sa huling chapter ng kwento kong ito, masasabi kong si Glen ang nagbigay kulay sa buhay ko.
And it is proven that Unforgiving Love doesn't exist...
because you are the one who makes your life worth it.
Sana kayo din makita nyo yung taong laging andyan para sa inyo.
Kasi may mga taong nasa harap mo lang pero pinagtatabuyan mo lang talaga.
BINABASA MO ANG
Unforgiving LOVE
Teen FictionAko si Jorjie Louisse Santos. Broken hearted. Hindi ako naniniwala sa happy endings. Nakakainis kasi.. Ang tanong, hindi din kaya ako magkakaroon ng happy ending?
