May mga bagay na akala mong sayong sayo na pero hindi pala. Ano pa nga bang magagawa mo kundi ang tignan mo na lang ito sa malayo.
_______________
(Tifanny’s POV)
“Nakakabuset! Nakakabuset talaga! AAAAAHHHH!!”
Oh gosh! Isang linggo ng ganito si Jorj. Basag na yung mga eardrums namin ng dahil sa mga sigaw nya.
“Kasi naman friend, ilang beses ba naman naming sasabihin sayo na hayaan mo na lang muna sya. Baka may aftershock pa ng bakasyon.” Sabi ko sa kanya.
“Oo nga naman Jorj. Saka malay mo may nakaeng di masarap sa Batangas kaya nagkaganyan yung ugali nyang dati eh mala anghel.” Singit pa ni Mika.
“Kaso isipin nyo ha, diba ayaw ni Gilbert kay Cheska? Eh bakit ngayon lagi silang magkasama?” Tinignan namin ng masama si Shane. Kita mo tong babaeng to, pinapagaan na nga namin yung loob ni Jorj tas magsisingit ng ganun bagay.
“Eh, hehe. Nagtataka lang naman ako eh. Peace na! ^__^v”
Tss. Nako, Shane talaga!
“Jorj naman kasi, wag ka ng magmaktol dyan. Wala namang magagawa yan eh. Edi wag mong pansinin. Ipakita mong masaya ka. Malay mo sa ganung paraan mamiss ka at lapitan ka ulit.” May maganda din naman palang masasabi si Lee-an. Hahaha.
Nakita ko namang umaliwalas yung mukha ni Jorj na kanina lang eh parang pinagbagsakan ng langit at lupa.
“Siguro nga tama kayo.” She smiled.
Ayan si Jorj, palaban.
“Fighting!” I smiled at her.
After class nagpaalam na ako sa apat. Sabi ko may pupuntahan pa ako. Totoo naman eh. Kaso ang alam nila ako lang mag-isa, pero ang totoo may kasama ako. At eto na sya, papalapit sa akin..
“Oy Tristan ang tagal mo naman! Halos ugatin na ako kakahintay sayo dito.”
Si Tristan nga pala. Kilala nyo naman siguro sya diba? Isa sa barkada ni Gilbert. Di ko alam kung paano nagsimula yung sa amin. Nagising na lang ako isang araw tinatawagan nya ako hanggang sa nagkamabutihan na kami. Hehe. Harot ba?
“Eh sorry na. Nahirapan kasi akong magdahilan dun sa tatlo eh. Saan mo ba gusto pumunta?” Inakbayan nya ako.
“Wag mo nga akong akbayan. Baka may makakita sa atin at kung ano pang isipin.” Tinanggal ko yung pagkakaabakbay nya sa akin.
Tago lang kasi yung kung anumang meron sa amin. Bakit? Dahil mali.
Tago na kahit pati sila Jorj eh di ko mapagsabihan. Natatakot kasi ako sa mga sasabihin nila sa akin.
May girlfriend sya pero sa Manila nagcollege, isang taon yung tanda nya dun sa girl. Ako naman, may boyfriend ako pero walang time sa akin. Puro barkada at DOTA ang iniisip. Kaya siguro humantong kami sa ganitong relasyon ni Tristan.
Siguro dahil parehas kaming naghahangad ng care sa mga taong mahal namin pero nakita namin yun sa isa’t isa.
“Tiffany talaga oh. Tara dun na lang tayo sa may amin, may tagong coffee shop dun.”
“Oh sige.” Sumakay na kami ng jeep papunta sa kanila.
Kung tatanungin nyo kung masaya ako sa ganito, ang sagot ko eh hindi ko alam. Oo masaya akong kasama si Tristan pero pagnaiisip ko na yung girlfriend nya at boyfriend ko eh nasasaktan din ako.
“Anong gusto mo?” Tanong nya sa akin.
“Coffee jelly po.”
Nandito ako nakaupo sa kasuluk-sulukan ng coffee shop na to habang hinihintay si Tristan na umoorder. Kung iisipin, nasa tagong coffee shop na nga kami pero sa kasuluk-sulukan pa kami pumwesto. Mahirap na, baka may makakita pa.
BINABASA MO ANG
Unforgiving LOVE
Fiksi RemajaAko si Jorjie Louisse Santos. Broken hearted. Hindi ako naniniwala sa happy endings. Nakakainis kasi.. Ang tanong, hindi din kaya ako magkakaroon ng happy ending?