(Jorj’s POV)
Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari sa amin ni Gilbert. Parang dati lang kasi ang sweet sweet nya sa akin. Ni hindi nya nga ako nagawang mapagtaasan ng boses nun eh. Pero ngayon parang nabaliktad na ang lahat.
Kaninang umaga nag-iwan ako ng note sa upuan nya. Hindi ko na sya tinext kasi hindi ko naman alam kung iyun pa nga ba yung number nya. Basta sure akong nabasa nya yun. Sana.
Kasi before pang matapos yung class namin sa Statistics eh lumabas sya para magCR. Dun ko na nilagay yung note sa upuan nya. At nung makabalik na sya, nakita kong hawak-hawak nya yung note.
Ang sabi ko dun sa note,
Sison, please usap naman tayo mamaya. After class sa coffee shop tabi ng school natin. Maghihintay ako.
- Jorj
Gusto ko na kasing malinawagan kung ano nang nangyayari sa amin. Alam ko namang walang KAMI pero alam kong may SOMETHING. Iyun nga lang, dati na lang yun at nagkalabuan na ngayon.
Sana na nga lang magpakita sya para naman malinawagan ako bago ko pa man sya i-let go.
Kasi isa na lang talaga, magsisimula na talaga akong i-let go sya.
Tinext ko naman na rin si Glen na mauna na syang umuwi kasi may gagawin pa akong project. Sya din naman daw may mga kelangan pang gawin kaya sakto lang.
“Uy Jorj, balitaan mo kami ha.” – Lee-an
“Itext mo lang kami pag may nangyaring hindi maganda. Umuwi ka rin agad dahil malakas yung ulan.” – Mika
“Ingat ka ha? Saka good luck na din. Sana maayos nyo na.” – Shane
“At talagang dapat lang maayos nyo na yan! Di ko na matake yung kakasigaw mo dahil sa inis kay Gibo.” – Tiffany
Swerte ko noh? May mga kaibigan akong ganyan kasupportive. Kaya nga kahit na hindi ako magkaroon ng lovelife, okay lang eh. Kasi nandyan naman sila palagi.
“Ano ba naman kayo, wala pa man kaming napag-uusapan pero naiiyak na ako ng dahil sa inyo.” Isa isa ko silang niyakap at nagpaalam na rin ako.
“Fighting Jorj!” Pahabol na sigaw pa ni Tiffany. Nginitian ko lang sya at naglakad na ako palabas ng campus.
Alam kong kaya ko to. Mababaw lang naman siguro yung rason nya. Saka ang babaw lang din naman ng pag-uusapan namin dahil naguguluhan lang talaga ako.
Pagpasok ko sa coffee shop, umorder na ako para habang naghihintay sa kanya eh may maiinom ako.
Coffee Jelly yung inorder ko. Iyun kasi yung favorite ko dito. Kahit na umuulan ngayon, ayoko ng hot coffee. Nadadagdagan hotness ko eh. ^____^
30 minutes ang lumipas pero wala pa rin sya. Dadating kaya sya? Baka naman naligaw lang sya. Kaso isa lang naman yung coffee shop na katabi ng campus namin eh.
Baka naman nakalimutan nya na yung about sa note?
O baka ayaw nya lang talaga pumunta. Hindi naman siguro. Alam kong hindi sya ganun.
Isang oras na ang nakakalipas, ubos na rin yung kape ko pero wala pa rin sya. Nalulungkot na ako at nawawalan ng pag-asa. T.T
30 minutes pa ang lumipas, ang dilim na rin ng dahil sa madidilim na langit. Ang lakas pa ng ulan. Bakit parang ang lungkot lungkot ng ambiance ng coffee shop na to at ng panahon? Parang ganyang ganyan din yung nararamdaman ko ngayon.
Naiiyak na ako. Mukhang hindi na nga sya dadating.
Lumabas na ako ng coffee shop at binuksan yung payong ko. Nagsimula na akong maglakad ng nakayuko.
BINABASA MO ANG
Unforgiving LOVE
JugendliteraturAko si Jorjie Louisse Santos. Broken hearted. Hindi ako naniniwala sa happy endings. Nakakainis kasi.. Ang tanong, hindi din kaya ako magkakaroon ng happy ending?
