(Anna’s POV)
Doble dead na ang puso ko.
Maawa naman kayo sa puso kooooo!
“Camitan, Anna”
Nakakainis naman kasi si Patrick James Villanueva!
“Camitan, Anna”
Sana pala noon pa lang minahal ko na sya para hanggang ngayon masaya ako kapiling sya. Kung kelan namang—
“Uy Anna! Kanina ka pa tinatawag.”
“Ay! P-present Ma’am! Hehe.” ^__^v
“Hay nako Ms. Camitan, kung patuloy mong papaliparin yang utak mo eh baka bumagsak ka sa subject ko.”
“S-sorry Ma’am.” First day na first day nanenermon! Ganda naman kasi ng subject na to, Literature. Ay nako! Sa ganitong oras pa? Ala una ng hapon. Nako naman oh! Sarap tulugan!
Uwian na rin sa wakas! Makatambay nga muna sa freedom park at makapag boys hunting. Hohoho!
Marami din namang gwapo sa university na to noh! Sa wakas makakatingin na ako sa mga gwapong nilalang. Nung kami PA kasi nung EX KONG panget eh malingat lang ako sandali sa mga lalaki eh nagagalit na sya. Di tuloy ako nakakita ng masmatinong mukha kesa kay Jed panget. Edi sana may kapalit na sya agad. SAYANG!
Naghanap ang mata ko ng pwedeng matitigan. And Viola! Nakakita agad ako. Ang gwapo gwapo. Hihihihi!
Kaso, teka. Parang pamilyar yun ah.
Sinundan ng paningin ko yung lalaking naglalakad. Matangkad. Kayumanggi. Paano ko pa ba idedescribe ang nilalang na almost perfect na ang kagwapuhan? Basta yun na yun. Ay eto pa pala, Lalaking lalaki talaga kung titignan. The way he flips his hair, nakakainlove. Di naman siguro homo yun o bi. SANA.
Nakita kong huminto yung lalaki sa likod ng isang babae. Di ko masyadong makita yung babae eh, medyo nahaharangan kasi ng puno.
Akmang gugulatin ni gwapo yung babae at ayun, nagulat nya naman. Nako, mukhang wrong ako ng pagpili. Mukhang girlfriend nya yung babaeng yun.
Swerte nya naman! Nakabingwit ng gwapo. Samantalang ako eh may gustong gwapo pero hanggang best friend na lang talaga ako. Kawawang Me.
=.=
Pero di naman siguro masama kung titignan ko pa rin yung gwapong nilalang na may hatak-hatak na babaeng di katangkaran at.. at... at...
Teka, si Jorj yun ah. Si Jorj talaga yun! Pero sino yung gwapong nilalang na yun? Si Gilbert ba yun? Parang may hawig kasi eh.
Hinampas-hampas ko yung ulo ko. Mukhang nagloloko na kasi at di na nagpafunction ng maayos.
Hay naku Anna! Bubu ay! Bubu! Si Glen yun. Ay nako. Sayang naman!
Hoy anong sayang?
Eh bakit ba? May Gilbert naman si Jorj.
Wag kang malandi Anna.
Oo na! Makakonsensya ka naman wagas wagasan!
Malamang! Ako nga yung konsensya mo diba?
OKAY. Nababaliw na ako.
Siguro dapat ng umuwi na ko at magpahinga. Di na maganda yung nangyayari sa pag-uutak ko.
Paglabas ko ng gate ng school, nagulat na lang ako ng may humatak sa akin.
“Tulong! Tulong! Rapiiiiiist!” Sigaw ko dahil kinabahan talaga ako ng bongga. “Aray ko!” Hinimas-himas ko yung batok ko.
“OA mo payatot ah! Halika na. Iuuwi na kita.” Nanlaki yung mata ko sa narinig ko. O.O
BINABASA MO ANG
Unforgiving LOVE
Teen FictionAko si Jorjie Louisse Santos. Broken hearted. Hindi ako naniniwala sa happy endings. Nakakainis kasi.. Ang tanong, hindi din kaya ako magkakaroon ng happy ending?
