'Cause I'm dreaming of you tonight
'Til tomorrow, I'll be holding you tight
And there's nowhere in the world I'd rather be
Than here in my room dreaming about you and me.
Pakanta-kanta na lang ah. Nakakainis talaga yung napanuod kong movie kanina. Happy ending. Tss.
Kadalasan kasi ng love story na movies eh nagtatapos sa halikan. Nakainis na ba! Nakakasawa na yung ganun.
"Hoy Jorj! Ano na naman bang pinagsasasabi mo dyan sa salamin. Anong nakakainis dyan? Dalian mo na nga at pupunta pa tayo kay Patrick!"
"Kita mo 'tong babae na to oh. Panira ng moment."
"Hoy narinig ko yun! Iayos mo!"
Ayan ang bestfriend ko, si Anna. Anna Camitan. Lagi na lang akong kinokontra nyan. Lagi pang sinasabi sa akin na kaya raw ako hindi nagkakaroon ng maganda at maayos na relasyon ay dahil hindi raw ako naniniwala sa happy endings. Ano ba naman ang magagawa ko, eh talaga namang walang happy endings. TSK.
"JORJIE SANTOS!!!! ANTAGAL MO ANO BA?!!!!"
"Eto na nga po!"
Heto na kami kina Patrick ngayon. Pupunta raw kami kina Jessie. Napaisip tulo ako..
Ano nga bang meron? Hmmmmmm??? O_O
Ay! Oo nga pala! Birthday ng girlfriend ni Patrick. Napakaulyanin ko na talaga. :)))
May hawak nga akong gift pero nakalimutan ko kung sinung may birthday. Kung wala di naman akong isang katutak na kat@ngahan eh. :)))))))
Si Patrick, bestfriend na lalaki ni Anna. Sa halos araw-araw na ginawa ni Papa Lord, laging magkasama yang dalawa. Madalas na mapagkamalan na magsyota yung dalawa kaso hindi naman nila tinitibok ang isa't isa dahil magbestfriend lang talaga ang turingan nila.
Kaya naman naging close na rin kami ni Patrick dahil sa bestfriend kong si Anna.
Magkapit-bahay lang kasi sila. Ako naman, dun pa ako sa kabilang barangay. n_n
Nandito na pala kami kina Jessie. WHOA! Spell N.G.A.N.G.A
"WHOA! Napakagandang bahay at ang bongga ng set up ng party nya"
"Ganyan talaga Jorj. Sosyal yang si Jessie eh. Kaya dagdag points sa kagustuhan ni Patrick yan." Pabulong na sabi ni Anna sa akin.
"HAHAHA! Adik ka talaga Anna! (to anna) Kita mo nga yang girlfriend mo Jed! Ansama ng ugali oh. HAHAHAHA. (to Jed)" At nagtawanan lang kami. Parang mga baliw lang. :D
Oo nga pala. Kasama rin namin si Jed, ang napakapoging boyfriend ni Anna.
Ooopps! Wag kang magnasa sa kanya Jorj. Paalala. BOYFRIEND sya ng BESTFRIEND mo. :D
“Ayan na pala si Jessie eh.”
Ako naman si feeling close, “Hello Jessie! Happy birthday!” inabot ko na yung gift ko plus beso beso pa yan. :D
"Happy birthday Jessie!" Nagkasabay pa ng pagbati si Patrick at Anna. Bestfriends talaga. :D
“Happy birthday loves!” Eto na naman ang kasweetan ni Patrick kay Jessie. With matching kiss pa yan sa cheeks. Ano pa nga ba ang hahanapin nyang si Jessie kay Patrick. Gwapo na, matalino pa plus gentleman pa. Naks naman!
Pero sa totoo lang mas bagay talaga sila ng Bes ko. Pero syempre, di naman pwede yung gusto ko. haha
"Welcome! Buti naman at nakapunta kayo. Salamat sa gifts ah. Come in! Feel free lang dito ha. Mababait naman yung friends ko. Enjoy! :) "
Umalis na si Jessie kasama ang kanyang beloved boyfriend na si Patrick.
"Bes, anong oras ba tapos nito?" Hindi ko ba alam kung ba't nakakaramdam ako ng pagkainip.
"Ano ka ba naman Bes! Halos kakasimula lang kaya ng party. Saka 7pm pa lang naman eh.. Wait lang ha, sayaw lang kami ni babes ko. Hihihi *wink* Dyan ka muna ha. Maghanap ka ng ipapalit dyan sa demonyo na nasa puso mo!"
Bestfriend ko nga naman oh. Iwanan ba naman ako dito. HUHUHU. Di bale sana kung may gwapo dito eh. Argh! Makapaglakad-lakad nga muna.
After 10 minutes..
Eto ako ngayon, hindi na nawala sa tabi ng la mesa kung saan nakapatong yung mga pagkain. Wala naman kasi akong magawa dito. Kasama ni Anna si Jed, yung boyfriend nya. Etong si Patrick naman nakabuntot kay Jessie. Baka kung sinu-sino raw kasi ang bumati sa kanya sa mga bisita. Seloso talaga.
Although masaya naman 'tong party ni Jessie, ang boring pa rin para sa akin.May mga kakilala din naman ako dito sa party. Same school lang din kasi kami kaso higher batch nga lang sila sa amin ni bes ko.
Haaaayyyy... Look, ako lang ang walang partner.
Anong sabi ko??? EIIWW!! Nakakadiri sa sobrang kakornihan! >.<
"Guys look! Nasa akin nga pala yung assignment natin last week. Sorry kung nag take advantage na ako sa party ni Jess ha. ^^v”
Ano na naman kaya yang assignment na 'yan? Pati dito dinadala nila yung acads nila. Bahala na nga sila dyan!
Isa-isang tinawag yung names para kunin sa nagbibigay yung papers. Nakakatawang isipin noh? Party tapos assignment ipapami –
"Ako si Jorjie Louisse Tallorin Santos. Pinanganak ako sa Balanga, Bataan noong September 11, 1993. HAHAHAHA!!!!"
AY ANAK NG TINOLA! Ako yun ah? At panong napunta doon ang papel ko????
“Isang anak lamang ako…”
Lumapit ako agad kay Sam.
“HOY!!! Paano napunta dyan ang papel ko??? Hindi naman tayo magkaklase ah. In fact, higher year ka. Akina nga yan!”
Okay. They’re all staring at me. WHAT THE!
“HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!”
At nagtawanan pa sila. Nakakahiya.. -__-
Kinuha ko na yung papel. Nakakainis! Wala na naman silang mapagtripan!
Oo. Ako si Jorjie Louisse Tallorin Santos. Tama din ang nabasa nyo iisang anak lang ako pero never akong naging spoiled. Ay minsan lang pala ako naging spoiled. Mahilig ako sa blue stuffs. Lalo na sa mga bunny. And broken hearted ako. Kanino pa ba??? Edi dun sa kaklase nung nagbasa ng malakas ng assignment ko! ARGH! At take note, tumatawa sya ngayon. Ayan oh! Lalapitan ko na nga eh at sasampalin ko sya ngayon din! Hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa ni Steve sa akin. Masakit.
*PAK!*

BINABASA MO ANG
Unforgiving LOVE
Fiksi RemajaAko si Jorjie Louisse Santos. Broken hearted. Hindi ako naniniwala sa happy endings. Nakakainis kasi.. Ang tanong, hindi din kaya ako magkakaroon ng happy ending?