Chapter 13 (Who is he?)

95 0 0
                                    

Nakigulo naman ako sa kanila at binabasa sila ng tubig kahit basang basa na sila. Hoho. Inaabangan pa namin yung malalakas na alon at saka magpapatangay.

Pagkatapos namin magkulitan, umahon na rin kami at naghanda na for dinner. May isang mahabang mesa kasi sa baba ng room namin kaya dun na lang kami nag-ahin nina Jess at Anna. May nakuhang dahon ng saging yung boys kaya iyun yung ginawa naming plato naming lahat. Masarap kaya kumaen dun tapos nakakamay ka pa. Pinoy na Pinoy ang dating. Pagkatapos naming maghanda ng pagkaen eh inaya na namin yung boys.

"Guys, kaen na tayo." Ang dami naming pagkaen, si Anna at Patrick yung nagdala eh, ako ang dinala ko eh softdrinks. Ang ulam namin ay inihaw na tilapia at sinigang na baboy. Ang sarap kumaen tapos may Coke pa kami. Hohoho. Busog na naman ako! :D

Ang dilim na rin, pero dinala ako ng paa ko sa tabing dagat para maglakad-lakad. Ako lang mag-isa, gusto ko lang mag-isip ng kung anu-ano saka para na rin magpababa ng kinaen ko. Lumalaki ng kasi yung tyan ko, baka hindi na ako nyan makapag swim suit sa summer. Haha. Para namang naggaganun nga ako. Hahahaha! Ang sarap sa paa ng mga buhangin at ang tubig na tumatama sa paa ko. Naisip ko tuloy bigla yung daddy ko, dati kasi pag nagbibeach kami sabay-sabay kaming naglalakad sa ganito. Hmmm?

Nasaan na kaya si daddy? Di naman kasi ako madalas magtext sa kanya eh, nirereplyan ko lang sya pag nagtetext sya. Medyo nahihiya kasi akong magtanong sa kanya kasi baka sabihin nya iniistorbo ko sya sa pagtatrabaho. Minsan tinanong ko si mommy kung kelan uuwi si daddy pero hindi nya rin daw alam. Kitang-kita sa mga mata nya yung kalungkutan nya. Hindi ko na alam yung nangyayari pero may nasesense akong hindi maganda. Sometimes when I'm looking for food at night I heard her crying in her room, nadadaanan ko kasi yung room nila ni daddy kapag pababa ng hagdan. Minsan tinatabihan ko na lang si mommy sa pagtulog kasi alam ko namang namimiss nya na rin naman yung may katabi. Lately lang talaga hindi ko masyadong nakikita si mommy sa bahay kasi nakina nanay sya. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya doon. 

Natigil ako sa paglalakad ng biglang kumidlat, oo kidlat lang walang kulog.

"Naku! Mukhang uulanin pa ang outing namin ah." Kumidlat ulit. Babalik na sana ulit ako sa room namin kasi baka umulan pa nang makita ko si Glen, may hawak na dSLR.

"Ay sorry, nandyan ka pala." Sya pala ang dahilan ng kidlat.

"Naku! Kunwari ka pa, sige na, magpopose na ako." Nagpamewang ako at ngumiti. Natawa naman sya.

"1..2..3..4...5.."

"Hoy Glen! Marunong din ako magbilang! Nangangawit na akong magpose dit-- *CLICK*" Aba tignan mo nga 'to, salbahe!

"HAHAHAHA!"

"Sige tumawa ka p--*CLICK* " Napakasalbahe! "Hoy aba naman!" Nilapag nya yung dala nyang tripod at pinatong yung camera nya dun.

"Jorj, picyure tayo. Nakatimer na yan." Lumapit sya sa akin at ngumiti kami parehas. *CLICK*

"Isa pa Glen!"

"Hindi ka rin pala mahilig sa picture noh? Hahaha" Aba! Nang-asar pa talaga.

"Eh kasi naman puro stolen yung mga pictures ko. Dali na! Isa pa!" Tinimer naman nya ulit yung camera. "Wacky ha!"

I did the wackiest face I ever had, baka sakaling maturn off pa sya sa akin.

Kinuha nya na yung camera nya at tripod. "Hahahaha! Ang cute mo dito Jorj." Tinignan ko naman yung pagmumukha ko. 

"Anong cute dyan? May cute bang wacky? saka sabi ko wacky ah, bat nakalabas lang dila mo? Corny mo ay! Hahahaha!"

"Eh hindi naman ako marunong magwacky eh. Turuan mo nga ako minsan. Hahaha! Ang galing mo eh."

Unforgiving LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon