Chapter 11 (Deadly stare)

120 1 1
                                    

Umuwi na rin kami. Hindi ko na sya inayang kumaen pa, nawalan na ako ng gana. Hindi na rin ako nagpaturo sa kanya sa Math, kaya ko naman na siguro yun.

Pagkapasok ko ng gate napaupo ako sa may elevated na part bago yung pintuan namin. Nawala yung mga pilit na ngiti sa aking mukha at napalitan ng mga luhang hindi na tumigil sa pagtulo.

*sob*

“Bakit ang sakit sakit pa rin?? Akala ko okay na? Huhuhuhu.” May narinig akong tricycle na huminto sa tapat ng bahay namin pero hindi ko na pinansin. Nakapikit lang ako ngayon at dinadama ang kirot na aking nararamdaman.

Narinig kong bumukas yung gate pero hindi ko pa rin pinansin.

“Bestfri—BESTFRIEND?????? Bakit ka umiiyak?” Tumingin ako sa kanya at lalo pang umiyak.

Niyakap nya ako. “Tara nga sa loob, malamig na dito sa labas baka mahamugan ka pa at makaapekto sa baby mo.” Tinulungan nya akong tumayo at hinawakan nya yung tyan ko.

“Gaga! Baby ka dyan! Hahahahuhuhuhu..”

“Pinapatawa lang kita ‘to naman!” Nakapasok na kami sa loob ng bahay saka umupo na kami sa sofa. “Kumaen ka na ba bestfriend? May dala akong pagkaen oh. Pero sige kwentuhan mo muna ako ngayon.”

Tinitigan ko lang sya at nagsimula na naman yung mga luha kong tumulo.

“Eh kasi bestfriend...” Kinuwento ko ang lahat ng nangyari. Lahat talaga, pati yung pagkulo ng tyan ko. Pati na rin yung pag-utot ko ng mabaho at akala ni Steve ay yung basurahang nadaanan namin.

“Mahal mo pa ba?”

“Hindi *sob* ko alam *sob* eh.”

“Ano bang naramdaman mo nung una mong kita sa kanya kanina?”

“Nagulat ako syempre kasi *sob* kasi bigla na lang syang sumulpot. Pero nung nakasama ko na sya at nakakwentuhan, parang isang ordinaryong tao lang yung kaharap ko. Wala kasi talaga akong maramdaman.”

“Nakapagmove-on ka na di ba?”

“Iyun ang alam ko, kaso nung sinabi nyang ‘she’s the one’ may kirot eh.”

“Hindi kaya nasasaktan ka lang kasi ni minsan hindi mo sya nakitang ganun kain love sayo dati?”

“Hindi ko talaga alam bestfriend. :(”

“Bes, alam mo ang feeling ko hindi mo na talaga sya mahal. Tingin ko lang ah.”

“Paano mo naman nasabi?”

“Minsan kasi akala mo meron pa, iyon pala ay pinanghihinayangan mo na lang talaga kung anong naging meron sa inyo. At ang minamahal mo na lang pala talaga ay yung memories nyo.”

“Ganun?” Tumigil sa pagpatak ang mga luha ko at pinunasan ko ang natirang tubig sa aking mukha. “Siguro nga ganun. Tara na ngang kumaen! Ginutom lang ako sa kaartihan ko eh.” Saka ko kinuha yung pagkaeng dala nya.

“Hahahaha! Yan ang bestfriend ko, walang makakaabala sa pagkagutom.” Nginitian ko na lang sya kasi nagugutom na talaga ako.

“Nga pala bes, kayo ni Jed kumusta na? Ang tagal na nating di nagkakakwentuhan. Pasensya na kasi ang dami kong ginagawa eh.”

“Okay lang yun ano ka ba! Ako rin naman busy eh. Buti na nga rin dito ako pinatulog ni tita. Ahm, kame ni Jed? As usual, magkaaway na naman. Ayaw na ayaw kasi akong palabasin ng bahay. Sinabing dito ako pupunta pinagdudahan pa ako baka raw sa lalaki ko ako pupunta.”

“Hindi na talaga kayo napagod sa away. Pero alam mo bes, minsan ang isang taong pinagdududahan ka sa isang bagay ay sya pala yung gumagawa ng ganun.”

Unforgiving LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon