*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP*
“Joooooooorj!!!”
Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko yung malakas na busina at may mabilis na motor ang lumagpas sa harapan ko.
Para akong bato dito sa gitna ng daan sa sobrang windang.
“Uy Jorj! Okay ka lang ba?” Nagulat na lang ako ng may humatak sa akin at dinala ako papunta sa gilid ng daan. “Jorj! Ano bang pumasok sa isipan mo at bigla bigla ka na lang tumawid ng hindi tumitingin sa side mo???”
Hanggang ngayon tulala pa rin ako.
“Huy Jorj ano ba???” Hinawakan nya ako sa balikat at inalog alog.
“H-huh?”
“Okay ka lang ba?”
“G-glen?” Napayakap ako sa kanya at nagsimulang tumulo ang mga luha ko.
“Jorj, ano bang nangyayari sayo? May problema ba?” Hindi ko sya sinagot sa tanong nya at tuloy lang sa pag-iyak. Hindi ko ba alam kung bakit tumutulo ang mga luha ko. Siguro sa sobrang kaba kasi muntik na akong mahagip ng motor.
Niyakap nya lang din ako at hinimas-himas nya ang likuran ko. Nang makaramdam ako ng pagkakalma eh umalis na ako sa pagkakayakap sa kanya.
“Okay ka na ba?”
“O-oo, G-glen. Salamat nga pala.” Nagsimula kaming maglakad.
“Wala yun. Mabuti na nga lang at nakita kita agad at natawag kita. Kundi nako, baka nawalan na ako ng prinsesa sa buhay ko.” Napangiti ako sa sinabi nya. Prinsesa talaga?
“Eh sorry naman. Kasi sa sobrang pagkafeel ko sa paglalakad eh nawala ako sa sarili.”
“Hayaan mo na lang at magpasalamat na lang tayo at walang nangyaring masama.”
Nang makarating kami sa isang parke eh minabuti naming maupo muna para makapagrelax rin ako ng konti. Muntik na ako dun ah.. Muntik na akong mawalan ng buhay.. Alam ko namang may mission pa ako sa mundong ‘to kaya hindi pa ako pwedeng mawala. Ang mission ko lang naman ay maging kami pa ni Gilbert. HAHAHA! Joke lang! Masamang damo lang talaga ako kaya hindi ako agad agad mamamatay. :D
“Ahm, Glen.. Saan ka nga pala papunta nung nakita mo ako?” Katabi ko si Glen ngayon sa damuhan.
“Papunta sana ako sa 711 para bumili ng Mogu Mogu.”
“Ay ganun ba? Pasensya na naantala pa tuloy yung pagbili mo.”
“Aba! Mas mahalaga naman ang prinsesa ko kesa sa mogu mogu noh!”
Buong hapon kaming magkasama ni Glen. Salamat na rin sa kanya at gumaan ng bongga ang loob ko. Haaay.
Nandito ako ulit sa lungga ko, sa favorite tambayan ko sa kwarto. Tinitigan ko ulit yung buwan na bilog na bilog at may isang star sa gilid nito at pawang abot-kamay ko na.
“Mr. Moon, sabihin mo nga. Bakit hindi na nagpaparamdam sa akin si Gilbert? Saka ano ba talaga sa puso ko si Glen? Ang hirap naman maging ganitong kaganda. Pinag-aagawan ako. Hahaha.”
“Sundin mo lang ang puso mo at wag masyadong makapal yung mukha mo.” Ay? Nagsasalita si Mr. Moon?
Tumingin ako sa paligid ng kwarto ko para tignan kung may tao. Tumingin din ako sa labas ng bintana pero wala namang tao.
“WAAAH!” Iniling-iling ko ang ulo ko na parang nababaliw na. “Hearing hallucination, meron ba nun?”
Dulot na to ng pagkabored. Grabeng bakasyon meron ako. Walang saysay. Wala man lang kaming outing o kahit gala man lang kasama yung high school friends. Grabe. Kung may contest lang ng pagiging bato sa bahay ako na yung mananalo.
BINABASA MO ANG
Unforgiving LOVE
Teen FictionAko si Jorjie Louisse Santos. Broken hearted. Hindi ako naniniwala sa happy endings. Nakakainis kasi.. Ang tanong, hindi din kaya ako magkakaroon ng happy ending?
