Chapter 20 (There it goes)

72 1 0
                                        

May mga bagay na hindi mo talaga aasahang mangyayari.

May mga bagay na hindi mo aakalain mapapasayo.

At may mga bagay na ikagugulat mo na lang kasi andyan na.

_________________________________________________________

Sumakay kami ng jeep, syempre libre nya yung pamasahe. May sinabi syang lugar pero hindi ko alam kung saan yun. Sana magkakotse na sya para di na namin kelangan magcommute. Hahaha. Joke. Nasanay kasi ako kay Glen na laging nakakotse.

Di din naman nagtagal bumaba na kami ng jeep. Pagtingin ko sa kabilang side ng daan eh napangiti ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nakakaramdam ako ng galak.

"Wag mong sabihing..."

"Oo, Jorj." Inoffer nya sa akin ang braso nya to put mine.  "Tara?" I accepted it. Walang malisya yun noh. Ala lang. Gusto ko lang din kasing ifeel yung araw ko ngayon, ang saya lang kasi sa pakiramdam. 

Nagbayad na si Gilbert sa may ticket booth and we entered the place. Kahit puro bata ulit dito, okay lang. Kahit hindi kagandahan yung lugar, okay lang din. For me, it's the best place to feel free.

"Mamaya sasakay tayo dun." Tinuro nya yung ferris wheel. Napangiti naman ako dun. ^.^ Siguro naman wala ng sagabal ngayon diba?

"Sisipain ko na yung magiging sagabal sa pagsakay natin dyan. Haha" Tumawa din sya. Ang gwapo ng ngiti nya. Sana lagi kaming ganito. Yung walang inisan, asaran, yung masaya lang talaga.

"Ba't ba kanina ka pa nakatulala? Nakadrugs ka ba?" Parang kakasabi ko lang na walang asaran. hay nako Gilbert. Wala ka talagang kupas  sa pang-aasar. "Saka ba't nangingiti ka dyan? In love ka na sa akin noh?" Matagal na!

"Asa ka! HMP! Tara na nga lang dun!" Nilibot namin yung buong lugar. May octopus pa nga eh, tas may parang roller coaster din. Ayoko sa mga ganun, baka magsuka ako. Ayoko pang mamatay. Haha.

"Santos, gusto mo ba ng makakaen?"

"Mukha bang hindi? Kanina pa tayo magkasama pero ice cream pa lang yung pinapakaen mo sa akin."

"Ay sorry naman! Halika nga dun sa nagtitinda ng burger at fries at papalamunin kita." Papalamunin talaga? Tss.

"Baliw ka na." Nginitian lang ako ng loko. Naku! Kung hindi ka lang gwapo matagal na akong sumuko sayo.

Nagpunta nga kami dun kay ateng nagluluto ng burger at umorder naman sya. Ang cheap naman nitong lalaking 'to. Di katulad ni Glen, galante. Pero okay lang. Kapag talaga mahal mo yung isang tao, kahit asin lang ang kainin nyo eh magiging okay lang ang lahat. Yung presence ng bawat isa ang mahalaga. Kahit ba kikiam at calamares lang yung kakainin nyo, parang magiging lechong baboy at inihaw na bangus na yun. 

Pagkatapos ibigay yung order namin, nagbayad na si Gilbert at syempre kinaen na namin yung burger. Ano yun? Tititigan lang namin? Di naman kami mabubusog ng ganun lang eh. Haha. Masarap din naman yung burger eh.. Pwede ng maging kapantay ng cheese burger sa Jollibee. *Yum yum*

"Ang sharap! hmmmmmm!"

"Ang takaw mo naman Jorj, mukha kang patay gutom sa ginagawa mo. Hahahahaha"

"Bakit ba? ang sharap eh! HMMMM! Salap salap talaga!" Isa ko pang ngasab sa burger.

"Sige lang pakabusog ka lang. Sabihin mo lang kung kulang pa yang dalawang cheese burger na nakaen mo. HAHAHA" Oh sige, kelangan talagang ipamukha na matakaw ako noh? Hay nako Gilbert. Kung nateturn off ka na sabihin mo agad para hindi ako umasa na gusto mo pa rin ako. TSK. Nginasab ko ulit yung burger na hawak ko... 

Unforgiving LOVEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon